Chapter 40 : Captured

255 9 0
                                    

  

  Nagising nalang ako , dahil sa lamig nang hinihigaan ko.Bumungad sa 'kin ang napaka-dilim na kulungan , akmang tatayo na sana ako.Nang may nakatali ang paa ko sa isang bakal , kaya nahihirapan akong tumayo.

Pilit ko naman itong sinisira , peru napaka tibay nito.Nabaling naman ang atensyon sa gawi , kung saan ko narinig na may nagsalita.

"Hindi mo'yan matatanggal binibini" sambit naman nang isang babaeng may katandaan na , sa katabi naman nitong kulungan may nakita rin akong lalaking , katulad din nang sitwasyon ko , may katandaan narin ito.

" Bakit kayo nakulong dito?" tanong ko naman sa kanila.

Ang matandang lalaki , ay halatang nanghihina na , dahil sa natamo nitong sugat.Kung hindi ako nagkakamali , maaarinig magulang ito ni Dos , sinabi niyang dinakip ito.

"Dahil ayaw naming isuko ang anak namin , para sa gagawin nilang alay sa darating na kapistahan sa emperyoong ito." sabi pa nito , halata sa boses niya na nanghihina na.

Hindi nga ako nagkamali , sila nga ang pamilya ni Dostal. Bakit sila humantong sa ganitong kalagayan? ganito naba ka importante ang kapistahan na 'yon para , magsakripisyo nang buhay?

'' Nakita kopo ang anak niyong si Dostal." sabi ko naman sa kanila , bigla naman sila nabuhayan sa sinabi ko.

"Mabuti ba ang kalagayan nang anak ko? asan siya ngayon?" sunod-sunod na tanong nito sa 'kin.

Napayuko naman ako." Sinamahan ko siya papunta dito , labis siyang nangungulila sa inyo.Kaso may humarang sa paglalakbay namin , kaya mas minabuti kong siya ang ipinatakas , dahil ayaw kong kunin nila si Dostal."

Sabi ko naman sa kanila , natahimik naman sila nang ilang sandali.
"Gusto kopo kayong iligtas , peru pa'no?" sambit ko naman.Napahawak pa ako sa rehas , bilang suporta.

"Hindi mo naman dapat ito gawin binibini , hindi kami nararapat , dahil ikapa-pahamak ito nang iyong sarili.Lubos narin akong nagpapasalamat sa iyong pagmamagandang loob."

sabi namna niya , magsasalita pa sana ako nang bumukas na ang pinto.May pumasok namang dalawang lalaki na may malalaking katawan.Nagulat nalang ako nang buksan nila ang kulungan ko , at kinalas ang pagkaka-tali sa 'kin.

Hinawakan naman nang isang lalaki ang kamay ko , at nilagyan nang tali.Pinatayo pa ako nito , tinignan ko naman ang pamilya ni Dostal.Pinapangako kong lalabas kayo ri'yan , ngumiti lang ito nang pilit sa 'kin.

Sobra na ang paghihirap nila.

Nanatili parin akong tahimik , habang hinihilan nila ako para mapasunod sa paglalakad.Dito sa nilalakaran namin , tanaw ko dito ang isang babaeng nakatali ang dalawa nitong kamay , sa isang kahoy.

Halata na nanghihina na ito , may nakapalibot sa kanyang mga sindi nang ilaw , gamit ang apoy na kahoy.Nakasuot lang itong puting damit , sinasayaw pa nang hangin ang mahaba niyang buhok. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mapuputi nitong balat , at napaka gandang hugis nang katawan.

Kaya ba siya ang napili bilang alay? dahil narin sa ganda nitong taglay at isa pang birhen.May naka-tatak na pula sa kanyang nuo , na may hugis apoy.

Nawala naman ang tingin ko sa babae , nang hinila nila ako papasok sa isang mahabang pasilyo.Sa dulo nun may nakita akong lalaking may katandaan narin , na naka-upo sa isang trono.

Buti nalang kahit anong gawin ilang paghila sa 'kin , hindi na ako nasasaktan dahil mabilis na naghilom ang sugat ko sa braso.Nabaling naman ang atensyon ko sa , apat na bampirang nakatayo sa gilid nang trono.

Sila yung humarang sa 'min sa disyerto.Matalim naman akong tinignan nang babae sa mata.Napadapa naman ako , nang itulak ako nito sa harapan nang hari .Tiningala ko naman ito , anong klasi siyang pinuno?

Masasabi kong hindi siya nararapat sa tronong yan , kinokontrol niya ang nasasakupan nito, gamit ang kapangyarihan niya bilang isang hari.

" Binibini , maaari mobang sabihin sa 'kin kung saan ka nanggaling .At kung ano ang nais mo , sa emperyong ito?" tanong naman nito , may hawak pa itong kopa na may lamang pulang likido.

" Ang nais ko pakawalan mo ang babaeng iaalay niyo at ang pamilya niya." madiin na sabi ko sa kanya , hindi ako natatakot sa kanya kahit hari pa siya.Baluktot din naman pala ang panunungkulan.

Ngumisi pa ito sa 'kin "Sino ka , para utusan ako ?" sambit pa nito sa 'kin , at matalim niyang titig ang ipinukol sa 'kin.

"Hindi kita inuutusan , sinasabi ko ang nararapat.Walang silbi ang pagiging isang pinuno mo , kung hindi mo mapapa-ngalagaan ang nasasakupan mo.Sa isang baluktot na paniniwala , na nagsisira sa buhay nang iba." sabi ko naman sa kanya .

Nagdilim naman ang mata nitong nakatingin sa 'kin , kasi tama ako.At muli naman siyang ngumiti , nang parang demonyo.Ito naba ang katahuan nang mundong ito? na pilit isinasampal nang mukha ko?

" Magaling napahanga mo ako , binibini." sabi pa nito , habang sinasabayan nang palakpak at halakhak.  

  Lumapit naman yung lalaking , ma kulay berde ang buhok na siyang may hawak na patalim at itinuon ito sa leeg ko.Hindi ko pinagsisihan ang sinabi ko sa haring ito , kahit ikamatay kopa.Isasampal ko sa kanya ang katotohanan , kung gaano siya kasama.

" Napaka talas nang dila mo , binibini." bulong naman nito sa 'kin , habang nakatuon parin sa 'kin ang patalim niya.

Umalis naman sa harapan namin ang hari , at iniwanan lang ako nang isang nakakalokong ngiti.Kaya ang natira nalang ay ang upat na bampirang ito.

" Matalas talaga ang dila ko , dahil sinisiguro kung babaon talaga ang bawat salita ko sa kailaliman nang pagkatao niya.Mas matalas pa ito sa patalim na hinahawakan mo" walang takot na sabi ko sa kanya , matalas ang dila ko sa paraan nang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

Minsan nasasaktan tayo sa salita , dahil mas tumatarak ito sa 'tin .Sa puso at damdamin.Sisiguraduhin ko sa kanila , na ibabaon ko ang katotohanan kung gaano sila kasama.

" Talaga ? tignan natin" sabi pa nito , naramdaman ko naman ang paghawi niya sa buhok ko , at sinasadya niyang dampian ito nang hawak niyang patalim.

Naramdaman ko nalang na gumawa siya nang maliit na hiwa.Lalong kumuyom ang kamao ko na nakahawak sa mahaba kong damit , nang dinilaan nito ang leeg ko nay may lumabas na dugo.

Wala siyang karapatan ! tanging ang nag-iisang bampira lang ang pwedeng tikman ang dugo ko.Napapikit nalang ako , may kung anong init sa dibdib ko na gustong kumawala.

" Licus! ano yang ginagawa mo?" sambit naman nang babaeng kasama niya.

"Hayaan mona siya" sabi naman nang lalaking may kulay kayumanggi ang buhok.

Natuon naman ang atensyon nila sa kawal na pumasok , at mabilis na nilapitan hari na bumalik na sa kanyang trono.Umalis narin sa gawi ko ang lalaking yun .

"Mahal na hari! nandito po ang--" hindi na natapos ang sasabihin nito , nang may dalawang kabayo na pumasok sa loob.

Nakita ko ang dalawang makikisig na prinsipe.Halos tumalon ang puso ko , nang makita ko siya na , nasa likod naman niya si Dos.Hindi nga ako nagkakamali.Tinuon naman ang atensyon niya sa 'kin.

"May bisita pala tayo , galing sa ibang emperyo. Ano ang iyong sadya dito , makikisig na prinsipe?" sambit naman nang hari , nakatayo na sa tagiliran niya ang mga kawal nito.

Akmang hahablutin na sana ako nang lalaking , may kulay berdeng buhok nang magsalita si Brylle.

"Don't touch her!" tiim bagang sabi nito , mabilis naman akong binitiwan nito.

Bumaba naman ito sa kabayo na sinasakyan niya , at humakbang papalapit sa 'kin.

"Kilala moba ang binibining yan?" sabi naman nang hari , peru hindi ito pinansin ni Brylle.

Akala ko lalapitan niya ako , tumalim naman ang titig niya sa leeg ko na may sugat.At ibinaling ang atensyon niya sa lalaking may hawak na patalim na may kulay berdeng buhok.

Nagulat nalang ako , nang mabilis niya itong sinipa sa dibdib , dahilan na sumuka ito nang dugo.Nagkaroon pa nang lamat sa pader , dahil sa lakas ni Brylle.

" Hayaan niyo siya!" sigaw naman nang hari , nang akma na sana siyang susugurin nang tatlong bampira na kasama nito.

Alam kong nanggagalaiti na yang kamay ni Brylle.Hindi naman ako maka-kilos , dahil kahit ako nagulat sa ginawa niya at sa lakas nang ginawa niya.

" I told you , don't touch her ." sambit pa nito , kaming lahat ay naka-tigil lang sa pwesto namin , walang sino man ang nagtangkang pigilan siya.

Ang presensiya niya , ang labis na kinatakutan nang lahat.  

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now