Chapter 41 : Libro

253 12 0
                                    

  Pagkatapos nang nangyari , napag-desisyonan na nang hari.Na pakawalan ang magulang ni Dos , iwan ko kung ano ang sinabi ni Risser nang kausapin niya ang hari.

Napangiti nalang ako nang makitang kasama na ni Dos ang pamilya niya , mabilis din ako nitong niyakap.Si Brylle naman ay kumalma na sa naging kilos niya kanina.

Hindi manlang niya ako kinaka-usap , nakasakay narin ito sa kabayo niya.At napag-desisyonang lumabas muna.Ayaw niya siguro makita ang pagmumukha nang lalaking yun , sinamaan naman ako nang tingin nang babaeng kasama nilang apat.

"Maraming salamat , mahal na hari" sambit naman ni Risser , nakita ko naman sa labas ang nakaka-tandang kapatid ni Dos na babae.

Na walang malay , namumula parin ang kamay niya .Nabigla naman ako nang lapitan ito ni Risser , at binuhat.May sinabi pa si Risser sa magulang nito , peru hindi kona masyadong narinig.

Ngumiti naman ito sa kanya at tumango.Nalaman ko nalang na isinakay na niya ito sa kabayo , saan niya ito dadalhin?Pinatakbo naman niya papalapit sa 'kin ang kabayo niya.

"Hindi ko aakalaing , susugod ka dito nang pabigla-bigla.Hindi korin aakalain na ang prinsipe nang lantacia , magagalit dahil sa kunting sugat lang" nakangising sabi niya , napahawak naman ako sa leeg , mukhang humilom na ang sugat.

" Saan mo siya dadalhin?" tanong ko naman sa kanya , peru hindi ito sumagot at ngumiti lang ito sa 'kin.

-

Ilang araw na ang nakalipas , hindi parin ako iniimikan ni Brylle , dahil siguro sa ginawa ko.Nandito ako ngayon sa kwarto ni Bie , sinusuklay ang buhok ko , at nakatitig lang sa salamin.

Iniiwasan din ako nito , hahayaan ko muna siya ngayon.May kasalanan din naman ako sa naging desisyon ko.Pagka-tapos kong ayusin ang sarili , naisipan ko nalang na pumunta sa silid aklatan.

Nababagot ako sa katahimikan nang palasyo.Namimili pa ako sa libro na pwede kong basahin.Nabigla naman ako nang may malaking libro ang nahulog sa sahig.Kumunot naman ang nuo ko , kung saan ito nanggaling.

Humakbang naman ako papalapit dito , pinulot ko naman ito.Napa-ubo pa ako sa sobrang alikabok ,pinaypay kopa ang kamay ko.Tinignan ko naman ang pabalat nito , Es Tivos Pastanian Vaprian
Wala akong maiintindihan sa nakasulat sa pabalat.

Hinawakan ko muna ang pabalat nito , halatang napaka-luma na nito.May nakita naman akong pabilog , na gawa sa bakal.Hinawakan ko naman ito , nang biglang may tumusok sa daliri ko.

Dahilan para dumugo ito nang kunti , nakita kopa ang pagtulo nang dugo ko.Nabigla naman ako , nang gumalaw ang bilog na bakal.Kasabay nang pag-ilaw nang marka ko sa dibdib , napahawak pa ako dito.

Nanginginig ang kamay kong binuksan ito , hanggang sa isang bahagi nang aklat ang nabuksan ko.Wala siya laman , naisipan ko namang pahiran nang dugo ko.

Hangang sa unti-unti na akong may nakikitang sulat , nagulat naman ako nang bumukas ang pinto.Nakita ko si Brylle , na naka-kunot ang nuo tinignan naman niya ang ginagawa ko.

Bahagya pa itong napa-urong , at gulat na tinignan ang libro na hawak ko.

"Where did you get that book?" sambit naman nito sa 'kin , peru bago pa ako makapag-salita , nang mabilis na umikot ang paningin ko , parang may kung anong humihigop sa 'kin.

"Fhia! no!" huling rinig ko na sabi ni Brylle.

--

Napa-ubo naman ako , nang maramdaman kong nasa isang sapa pala ako.Bakit nandito ako? may narinig naman akong kaluskos niyakap ko naman ang sarili ko , kahit basa na ito.

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now