Chapter 6

2.5K 64 11
                                    

Chapter 6

My mouth hanged while looking at him. Ang aking puso ay hindi makalma marahil ay dahil sa inis ko sakaniya. 

"I'm not jealous!"

My brows furrowed. Thinking that he think I'm jealous because of her girlfriend is frustrating me! Oo, crush ko siya pero hindi ako nagseselos dahil lang sa girlfriend niyang halos kita na ang kaluluwa. Atsaka hindi ko ugaling magselos 'no, sa past relationship ko nga ay kahit na may makita akong lumilingkis sa boyfriend ko ay hindi ako nakaramdam ng katiting na selos o inis sa babae. I don't know why but I just feel to not mind the girl since ako naman ang laging pinipili ng mga naging boyfriend ko.

But in Apollo's situation, I quickly get irritated every time I'd see him with a girl trying to flirt with him. Hindi ko alam at wala akong planong alamin. Crush ko lang naman siya at hindi na iyon aabot pa sa kung saan.

"Hmm..." sagot niya na ikinainis ko.

Hmm? Hmm niya mukha niya! Kung ibato ko kaya sakaniya ang hawak kong mga pagkain nang matauhan siya sa mga pinagsasabi niya, ha? Nakakainis, nakakainis pati ang mukha niyang nakangisi.

Muli akong naglumikot sa bisig niyang nakayakap pa rin saakin. "Stop saying that I'm jealous because I'm not!" siniko ko ang tagiliran niya pero ako ata ang nasaktan imbes na siya dahil sa tigas niyon. "At pwede ba? Huwag mo nga akong yakapin!"

Humalakhak lang siya na nagpatulala saakin. "Okay..."

Bumalik ako sa wisyo at tiningnan siya ng masama. "Anong okay?!"

He laughed again. Ano ang nakakatawa at kanina pa siya tawa nang tawa? Mukha ba akong joker at tawang tawa siya dahil saakin? Kainis.

"Sabi nang bitawa-"

"Ano 'yan? Porn!"

Mabilis pa sa alas-kwatrong tinulak ko si Apollo dahilan kung bakit kami nagkalayo sa isa't isa. Napapakamot sa ulong kinuha ko ang mga pagkain at dinaanan si Diem na parang tangang nakaturo pa saamin na animo'y nahuli kaming may ginagawang masama na kung tutuusin ay wala naman talaga.

"Medyo oa ka d'yan, Diem." sabi ko at inirapan siya bago nilagpasan. Iniwan ko silang dalawa doon dahil pareho silang makapal ang mukha at nakakainis.

"Natagalan ka, nag-kiss kayo ni Ekkes, 'no?" Mabilis kong nilingon habang nakangiwi si Cemet nang bumulong siya habang ako ay umuupo at inilalagay ang pagkain sa coffee table.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ginaya mo pa ako sa'yo."

Sumandal ako, ganu'n din siya. "Hoy, hindi ako gano'n ha."

Hindi ako sumagot at inirapan lang siya.

"-kaming mga babae ang bibili nang makakain at kayo namang mga lalaki ang bahala sa inumin dahil alam kong expert kayo diyan," ngumisi ang mga kalalakihan dahil sa sinabi ni Kerannie. Humiyaw si Diem na kakarating lang mula sa kusina kasama si Apollo na mukhang seryoso, napangiwi ako. Nakalimutan kong matagal na pala siyang mukhang seryoso. "Saamin na lang na kotse ang gamitin niyo dahil hindi tayo kakasya sa isa. So, bale dalawa ang dadalhin nating kotse. Okay ba iyon sainyo?"

"Uh, we have a ca-"

"No, we insist. Ang kotse ko na lang ang gamitin niyo at saamin naman ang kay Scayans." dahil ako ang nakatuka sa linggo.

"Nakakahiya naman, sayang ng gas mo. We have a car for our group." dugtong ni Ammiel sa pinutol ni Kerannie na dapat sana'y sasabihin niya.

"It's really okay, besides, nabalitaan ko na sikat kayo dito. Once na makita nila ang car niyo, tiyak na dudumugin kayo nu'n." May punto si Kerannie. Sikat talaga ang grupong Rinceoir dito at bakit late ko na silang nakilala? Kainis.

Warmth of Home | Home Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon