Chapter 17

2K 52 9
                                    

Chapter 17

"Grabe! Ang sarap ng luto mo, Scayans!"

I smiled at Menoan who praised my dish. "Sige, kain ka pa."

Pinanood ko silang kumain ng niluto kong dinner. It's a sinigang na baboy, adobong manok and Apollo's favorite, sinigang na shrimp! As usual nasa sahig kami at doon ay nakapabilog na nakaupo. Si Apollo ang nasa kanan ko habang sa kaliwa naman ay si John na sumunod kay Luke, Menoan, Gabriel at Ammiel. 

"I wish you are always here." si Gabriel na punong-puno ang bibig.

Tumaas ang kilay ko. "Para lagi niyo akong asarin?"

Tumawa ito. "Hindi, para laging hindi sunog ang pagkain namin." sabay sulyap sa nananahimik na si John.

Tiningnan ko si John. "Hindi ka marunong magluto?"

Sinamaan ako ng tingin nito.

"Insulto, Scayans?"

Humalakhak ako. "Joke!"

"Here, eat this." lahat kami ay napabaling kay Apollo nang ilahad niya ang nabalatang shrimp sa harap ng bibig ko. Naghiyawan ang Rinceoir habang napanguso naman ako at kahit na nahihiya ay kinain ko pa rin ang isinubo niyang shrimp sa 'kin.

"Thank you..." 

"Welcome," he smirked. "... baby."

Sinamaan ko kaagad siya ng tingin.

"Hindi ka pa rin titigil e, 'no?"

Umiling lang siya at muling sumubo. Napapairap na lang akong kumain habang bumungisngis naman ang mga kasamahan niya.

"Thank you, Scayans! Balik ka ulit, ha?" Ngumiti ako sakanilang lahat. Tapos na kaming kumain at ngayon ay papauwi na sa condo ko. Ihahatid ako ni Apollo pero babalik din kaagad siya para magpractice ulit.

"Sige, ano ba ang gusto niyong kainin para sa susunod na pagpunta ko dito ay may mailuluto ako para sainyo?"

Natawa ako nang isa-isa silang magsabi ng gustong kainin. Nag-uunahan pa na 'tila isang paligsahan sa pagtakbo dahil sa bilis ng kanilang pagsasalita. Umiling-iling na lang ako at tinandaan kung ano ang nais nilang kainin.

"Goodbye!" I said as I waved my hand at them, we are now on the elevator.

"Goodbye, Ekkes' baby!" pahabol pa ni Menoan. Natawa na lang kami ni Apollo at umiling-iling. Tuluyan na ngang nagsara ang elevator. Buntong-hininga namin ni Apollo ang tanging maririnig sa buong elevator. Napasulyap ako sakaniya sa salamin at napangiti. Ngumiti din siya habang nakatitig saakin na para bang mawawala ako na parang bula.

"Hindi ka pa ba pagod? Sinamahan mo na ako sa grocery store tapos nagpractice ka pa tapos ngayon naman ay ihahatid mo pa ako."

He sighed. "I'm fine."

"Sure ka? Kaya ko namang mag-taxi."

"I'm sure and no, you are not taking a cab. I'll drive you home."

Gano'n nga ang nangyari, hinatid ako ni Apollo sa condo ko at siya pa ang nagdala ng lahat ng pinamili ko. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya.

"Dito na lang." Saad ko at itinuro ang mesa sa dining area. Doon niya ipinatong ang pinamili ko. "Napagod ka pa tuloy. Salamat ha?"

"You're welcome." He looked at me. "Mauna na ako."

Agad na tumango ako. "Sige."

Sumabay ako sakaniya at inihatid siya sa may pinto.

"Apollo..."

Humarap siya saakin, nagtataka marahil kung bakit ko siya tinawag.

"Hmm?"

Warmth of Home | Home Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon