Note: Play this song (⬆) while reading. Enjoy!
Chapter 29
"So you are not a maid?"
Nawala lang ang ngiti nito nang itanong ko iyon. Hindi na kasi ako nagulat nang sabihin nitong kapatid niya si Apollo dahil halata naman at noong una pa lang ay nahalata ko na.
My Xienna were really look like her, para nga silang pinagbiyak na bunga. Siguro ay mas matanda lang ako dito ng ilang taon.
"Do I look like a maid?"
I shrugged and return eating. "You look and act like a maid, so I conclude that you are."
"Unbelievable!" Napapatampal sa noong aniya atsaka bumalik din sa pagkain pero ngayon ay nakanguso na. Gusto kong matawa dahil kamukhang-kamukha talaga siya ni Xienna kahit na sa pagnguso nito.
We finished our meals and then she went out with the serving cart without uttering a words. I thought she will come back but I was surprised when she knocked again. Halos humagalpak ako sa tawa nang mapansing nagpalit ito ng suot at simple shirt na lang ang sinuot.
"You know, I'm a big fan of yours but you are laughing at me." nagdere-deretso ito sa kama at doon nahiga na para bang ito ang may-ari niyon. "Nabawasan na tuloy."
Napailing-iling ako at tumabi sakaniya ngunit naupo lamang ako.
"Mga ilan?"
"One percent."
I chuckled and pinched her cheeks. She pouted and glared at me.
"How old are you?" Sa halip ay tanong ko.
Umirap muna ito bago sumagot. "Twenty."
My lips formed to 'O'. "You are twenty years old yet you act like a six year old kid."
Muli na naman itong umirap na ikinatawa ko. "Paki mo ba?"
Napangiti lamang ako. Kung kanina ay nakangiti ito ngayon naman ay nagsusuplada, walang duda, kapatid nga ni Apollo. And speaking of Apollo, hindi na siya nagpakita buong maghapon. Iyon tuloy ay si Amilia lang ang nakakuwentuhan at nakasama ko. Walang kaso iyon saakin dahil napakaganda nitong kausap at masarap biruin.
"Let me guess," Ani ko habang nakahiga at nakatingin sa kisame. Magkatabi na kami at ngayon ay nakayakap na siya saakin. Sa nagdaang oras ay naging close na kami at masasabi kong mabuting bata itong si Amilia. Napaka-clingy pa at napaka-cute kahit na apat na taon lang ang tanda ko sakaniya. "Your second name is Check?"
"Huh?" Noong una ay hindi nito nakuha ang biro ko pero nang mapagtanto ay kinurot ako nito sa baywang. "Ate Scayans naman e!"
Natatawang hinaplos ko ang buhok nito. "Oh bakit? Mali ba?"
"Mali!" Humigpit ang yakap nito saakin. "It's Amilia Ellieh Geontri for your information, okay?"
Tumango-tango lang ako. "Ganda naman ng pangalan mo."
Ngumiti ito. "Syempre, maganda ako e."
Ngumiti din ako. "You are really pretty, you looks like my Xienna."
Huli na nang mabawi ang sinabi ko.
"Who's Xienna?"
Natutop ang aking bibig at walang maiusal na sagot.
"Ate Scayans?"
"I... uh," I trailed off. "She's uh, my-"
Halos magpasalamat ako sa lahat ng santo at santa nang may kumatok at naagaw ang atensiyon nito dahilan kung bakit ako nakahinga ng maluwag.
BINABASA MO ANG
Warmth of Home | Home Series #1
Romance[COMPLETED] Everyone needs warmth. Scayans Gaile Rimathy seeks for love and care, she wants a warm, a warmth of home. Then she found this man that gave her everything that she didn't expect. As an exchange for his care, she loved and gave him what s...