Chapter 25
Dahil sa sinabi ng doktor ay mas inalagaan ko ang sarili. Kahit na may masamang panaginip ay pinipilit ko pa rin ang matulog ng maaga lalo na't ngayon na may supling na sa aking tiyan. Tanging kami pa lang ni Cemet ang nakakaalam nito kung kaya't grabe siya kung mag-alaga.
Naroroon na habang nagwawalis ako ng alikabok ay pipigilan niya ako at papaupuin lang dahil baka daw ikasama ng baby ko. Minsan natatawa na lang ako sa pagka-OA niya. Daig niya pa ako.
Hindi pa rin nawawala sa isipan ko si Apollo, kung nasaan ba siya ngayon, kung ayos lang ba siya, kung iniisip niya din ba ako kagaya ng pag-iisip ko sakaniya.
Iniisip ko rin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang magkaka-baby kami. Pero bumabalik ang lungkot ko sa tuwing naghihintay ako sakaniya ngunit hindi siya dumadating kahit ni isang beses.
"Huwag ka ngang simangot nang simangot diyan, baka mamaya maging ganiyan pa ang itsura ng inaanak ko."
Tiningnan ko nang masama si Cemet na ngayon ay nagluluto ng sinigang na shrimp na gusto ko para sa hapunan, bagama't hindi siya marunong ay siya pa rin ang gumagawa. Ang rason niya ay dahil; baka raw ikasama ng baby ko ang paggalaw-galaw ko dito.
Sinabihan ko nga na baka mas ikasama ng baby ko ang niluluto niya pero ang gaga, inirapan lang ako.
"Kahit naman nakasimangot ako, maganda pa rin ako."
"Anong maganda? E mukha ka ngang patu-" naputol ang sinasabi ni Cemet nang may nag-doorbell. Sabay kaming napatingin doon at kagaya nang palagi niyang ginagawa ay siya ang nagpresinta na mag bukas ng pinto. Pinayagan ko na lang dahil minsan lang ito, sulitin ko na.
Katext ko si Ammiel tungkol kay Apollo at hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung nasaan na siya.
"Sino daw?" tanong ko kay Cemet nang mapansin ang paglapit niya saakin habang ako ay nagtatype ng irereply kay Ammiel.
"Wala e, regalo lang. Buksan na natin." kunot noong napatingin ako sakaniya ngunit gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang hawak ni Cemet. Huli na nang mapigilan ko siyang buksan iyon at naibagsak niya na nang makita kung ano ang laman niyon. Nanlalaki ang matang napatingin siya saakin.
"I-Is that a d-dead rabbit?"
Hindi na bago iyon saakin kung kaya't napapabuntong-hiningang tumayo ako at dinampot ang kahong naibagsak niya dahil sa gulat. It's the gold box and it has a dead animal again, it is rabbit this time.
"What the hell is that, Scayans?!"
Hindi ko pinansin ang pagkakagulat ni Cemet at sinuri ang kahon. Kagaya ng inaasahan ay may papel na nakadikit sa takip ng kahon na agad ko namang kinuha.
IT'S BEEN A WHILE, SCAYANS. I MISS GIVING A PRESENT FOR YOU. THAT IS WHY YOU HAD THIS. SO ANYWAY, I SAW YOU WENT OUT OF AN OB-GYNE'S CLINIC, WHAT IS THE MEANING OF THAT, HMM? I WAS RELIEVED WHEN EKKES LEFT YOU AND NOW THESE, DON'T MAKE ME ANGRY, HONEY. I CAN DO WHATEVER I WANT. BE CAREFUL...
FROM: A
"What's that, Scayans?" tanong ni Cemet atsaka sumilip upang makita kung ano ang hawak ko. Hindi ako nakasagot at nangilid lang aking luha saaking mga mata. Wala sa sariling napahawak ako saaking t'yan at nang maisip ang magiging baby ko ay doon na ako napaluha.
How did she or he knows? What if this person knows that I will having a baby? Sasaktan niya ba ito o... papatayin?
Napasinghap si Cemet nang mabasa ang nakasulat sa papel na hawak ko.
"Holy shit! Is that a death threat?"
Napaiyak ako nang maisip ang kung anong puwedeng mangyari saamin ng magiging anak ko kapag nalaman ng kung sino mang nanakot saakin ang totoong kalagayan ko.
BINABASA MO ANG
Warmth of Home | Home Series #1
Romance[COMPLETED] Everyone needs warmth. Scayans Gaile Rimathy seeks for love and care, she wants a warm, a warmth of home. Then she found this man that gave her everything that she didn't expect. As an exchange for his care, she loved and gave him what s...