Chapter 15

2.3K 56 6
                                    

Chapter 15

My heart was pounding so fast while looking at Apollo who was now walking towards us. Hindi ako mapakali at parang gusto ko na lamang na umalis doon dahil sa galit na makikita sa mukha ni Apollo. He's jaw was clenching, Indeed, he look pissed.

"She started it! I was just walking around here then she grabbed my hair!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa sinabi ni Anitha. Binabaliktad niya ang nangyari! I was the one who is quite sitting here then she arrived and accused me nothing but pure lies!

Hindi ako sumagot at masama lang ang tinging ipinupukol kay Anitha. When Apollo neared us, she hold on Apollo's arm like a cat who's hurt. But she is more likely a hyena.

Malamig lang na nakatingin sakaniya si Apollo. 

"Nakita ko ang tangka mong pag-sugod, Anitha." madiin at malamig na tugon ni Apollo.

Ako naman ang napangisi. Akala mo, kakampihan ka niya? E saating dalawa ay ikaw ang pala-away. Gusto ko sanang sabihin iyon ngunit baka ako naman ang madali kapag nagsalita pa ako. As much as possible, I want to end this day. Hindi pa nga nagsisimula ang araw, pagod na ako.

"It is because she started it! Gaganti lang ako but you stop me." Depensa pa ng animal na ito.

I wanted to roll my eyes because of her ugly acting, my gosh, hindi bagay ha.

Bumaling saakin si Apollo. "Is it true?"

Kumunot ang noo ko at nawala ang ngisi. Is he accusing me? I thought he will go with my side but my thought was wrong. Nagduda siya saakin. I felt a pang in my chest. Sigurado ba siyang ang babaeng iyan ang paniniwalaan niya? Didn't he trust me? Dahil sa isiping iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili na sumama ang loob kay Apollo. Do I look like a girl who lit a fire and make a war? Bullshitness! 

"Bahala ka kung ano ang paniniwalaan mo..." Iyon lang ang sinabi ko, sa tonong pagod. Tumalikod na ako at dinampot na ang bag ko atsaka nagsimulang maglakad. Apollo called me but Anitha stopped him, kahit na hindi siya pigilan ng babaeng iyon, wala na akong balak na lumingon pa.

I am just so tired...

Tama ang hinala ko na mali-late ang mga kaibigan ko dahil halos mag-sesecond subject na silang dumating, mabuti na lamang at walang quiz kaya kahit papano ay maipapakita ko pa sakanila ang notes ko. Hindi ko na din ikinuwento ang nangyari kanina dahil alam ko na susugod sila doon at baka mas lumala pa ang away. And I'm tired to speak.

They gets my mood today, hindi lang nila alam ang dahilan. Hula ko ay iniisip nila na dahil umuwi ako ay ganu'n na ang mood ko. But in my self, I knew it is something with Apollo. Me and my father didn't had a fight, so I'm in a good mood but Anitha came and ruined it. That crazy girl...

Hindi ko alam kung anong oras natapos ang klase namin basta ang alam ko lang ay nasa cafeteria na kami at kumakain, lahat sila ay nakatingin saakin pero ako ay tulala lang. Nagulat na lang ako nang kurutin ako ni Keru sa pisngi. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin habang napangisi naman siya.

"Kumusta?" tanong ni Cemet. Doon ko lamang sila napansin. Siguro kung hindi ako kinurot ni Keru sa pisngi ay hindi ko malalaman na nakatingin pala sila saakin at nag-aabang ng kuwento.

"Anong kumusta?" tanong ko at kumuha ng fries at dumutdot sa sauce ng fries ni Diem.

Umingos si Diem at agad na inilayo ang pagkain mula saakin. "Aangkinin mo na naman."

Natawa ako. Gosh, with my friends I easily forget my problems, masuwerte ako.

Dahil gumaan ang mood ko dahil sakanila, ikinuwento ko ang nangyari sa weekend na iyon. Well, except sa part na naroroon si Apollo. I think, ako na muna ang makakalam nu'n at si Apollo. Sa ibang pagkakataon ko na lang ikukuwento sakanila.

Warmth of Home | Home Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon