Chapter 36

2.4K 48 8
                                    

Warning : For 18 above only.

Chapter 36

"So sa una pa lang, gusto mo na ako?"

"Yes."

I looked up to see Apollo who was busy playing with my fingers. Nasa kwarto niya kami at paupong nakasandal sa headboard ng kama niya. Nakaakbay ang isang kamay niya saakin habang ang isa ay pinaglalaruan ang kamay ko.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang magkatiklop naming kamay. Mula kanina ay hindi na niya binatawan ang kamay ko kahit nahiga na kami dito sa kama niya at nag-usap. Halos mag-iisang oras na din kaming nakahiga dito.

"Hindi ba tayo babalik sa labas? Baka hinahanap na nila tayo du'n?"

Akmang tatayo na ako ngunit muli niya akong hinila at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko na naging dahilan kung bakit napaupo muli ako.

"I'm sure they are busy. Hindi nila mapapansin na nawawala tayo." Kaswal na saad niya at mas inilapit ako sakaniya. Napanguso na lamang ako at yumakap na lang sakaniya dahil una, wala na akong magagawa at pangalawa, na-miss kong yakapin siya.

Dahil sa isiping iyon ay napangiti ako ngunit biglang mapangiwi nang maalala si Anitha. Hindi ko alam kung bakit muli kong naalala si Anitha, basta'y bigla na lamang nagpop-out sa isip ko ang mukha ng inggratang iyon.

Nakakainis.

"Hoy." Tawag pansin ko sakaniya at tumingala para makita ang buong mukha niya. Napatingin naman siya saakin.

"Hmm?" He kissed my forehead.

Sumingkit ang mga mata ko. "Kung ako ang girlfriend mo ngayon, ano mo si Anitha? Hmm? Your babe?"

"Huh?" He said like an innocent boy.

Napairap ako.

"Remember at the mall? When I saw you with Anitha and she called you 'babe'?" Diniinan ko pa ang huling salitang binanggit ko para madama niya ang pagkairita ko sakaniya.

"Wait, I'll explain." He said and sat up to face me. He hold my both hands and then kissed it before looking back at me. Nakataas lang ang kilay kong nakatingin sakaniya.

"Look," he spoke. "Anitha and I never had a relationship because I don't like her as more than friends. She is just like a sister to me. Nothing more..."

Hindi ako sumagot dahilan kung bakit bumuntong hininga siya.

"What you saw on the other day was nothing. She always call me whatever she wants to call me and I just let her because it's nothing serious. Sanay na kami sakaniya. At isa pa, ikakasal na siya."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

What?! Si Anitha? Ikakasal na?!

Woah, I can't believe it. Well, hindi ko naman sinasabing hindi siya pwedeng ikasal pero nagulat lang ako kase, ilang araw pa lang ang nakakalipas nang makita ko siya at tinawag na babe si Apollo tapos malalaman ko na lang na ikakasal siya!

With whom?!

"Are you sure na hindi ikaw ang groom?"

Agad siyang napatingin saakin.

"What? Of course not!" he said as if he had been arrested but denied the allegations against him.

Natatawang yumakap ako sakaniya at inilapit ang bibig sa tenga niya.

"Siguraduhin mo lang." Bulong ko.

Matapos naming mag-stay sa kwarto niya ay lumabas na kami at halos patapos na ang party! Mabuti na lamang at napilit ko siya dahil tiyak akong doon lamang kami sa kwarto at naghaharutan.

Warmth of Home | Home Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon