Chapter 1
"Shot! Shot! Shot!" My friends were cheering for me to drink the beer that I'm holding. Nasa isang bar kami dahil naisipan naming uminom. Madadaya nga ang mga 'to! Ako lagi ang pinagkakatuwaan.
I drank my beer.
Mas lumakas pa ang hiyawan nila.
I grimaced. "Argh! Ang sama ng lasa!"
Nagtawanan sila.
"Mas masama 'yang pagmumukha mo."
Napataas ang kilay ko nang magsalita si Diametre Cemet Rei, ito 'yong laging nang aaway sa akin. 'Di ko nga alam kung bakit nandito 'to e. Hindi ko naman kaibigan pero kung makalait 'kala mo walang kalait-lait sa kanya.
For her information, it's her attitude. Tsk!
Laging galit sa akin e hindi ko naman inaano.
"At sino ka naman? Kilala ba kita?" Nang-uuyam na sabi ko sa kanya. Kung hindi lang 'to kaibigan nila Maral, malamang ay matagal ko nang pinatulan 'to.
I tsked.
At dahil nakatayo ako ay umupo ako nang mangalay. We're at the bar because we are celebrating our success.
Nakapasa kasi kaming mag-babarkada sa isang unibersidad na pinapangarap namin. Maral, Kerannie and I took Civil Engineering.
Alam namin na challenging kaya nga iyon ang kinuha naming course kasi we wanted the challenge. And besides, pangarap nilang dalawa iyon. Sa akin kasi ay pangarap lang ng tatay ko.
I want to be a model but my father was against it.
Ang mga lalaki naman which is Maru, Keru at si Diem ay nag-take ng Business and Management. Mayayaman at may sariling kompanya ang mga ito. Iyang kambal na sina Maru at Keru may tig-isa ng kompanya mula sa pamilya nila.
"I'm Maral's best friend." She rolled her eyes at me.
"And so? No one cares!" I also rolled my eyes at her.
"Oh! Nag-aaway na naman kayong dalawa." Ipinatong ni Diemereth ang bote ng alak sa lamesa na pumapagitna sa amin ni Cemet.
I saw her glaring at me. I just smirked at her to annoy her more. Nasa isang U-shape couch kami nakaupo at nasa dulong bahagi kami pareho ni Cemet.
Ewan ko nga ba kung bakit nandito 'to. May galit sa akin pero lumalapit pa 'din.
Napairap ako sa hangin.
Nakita kong umangat ang tingin ni Cemet kay Diemereth at pati si Diem ay nadamay sa masamang tingin niya.
"Umalis ka nga d'yan! Pareho kayo ni Scayans, nakakairita." Tumaas ang dalawang kamay ni Diem.
Ngumuso sa akin si Diem na agad ko namang naintindihan. Umusod ako ng kaonti para makaupo si Diem na hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang dalawang kamay kay Cemet, tila sumusuko.
"Wow naman. Kayong dalawa 'yung nag-aaway tapos sa akin mo na naman binubunton 'yang galit mo. Seriously, anong nagawa ko sa 'yo at parang may galit ka sa 'kin?" Pabirong tanong ni Diem kay Cemet.
Nakilala ko si Cemet noong first year high school kami. Best friend siya ni Maral mula noong elementarya hanggang ngayong magko-kolehiyo na kami. Noong una pa lang e, alam ko na talaga na may galit 'to saakin.
Iyon nga lang ay hindi ko alam ang dahilan. I'm a good girl for all that I know.
Natawa nga ako noong ipinakilala siya sa amin ni Maral. Aba ang gaga! Inirapan ba naman ako nang ako na ang makikipag-kamay. Iyong iba naman na kaibigan namin ay maayos ang pakikitungo niya, sa akin lang talaga gano'n. It's unfair. Favorite ata ako nito, favorite awayin. Favoritism?
![](https://img.wattpad.com/cover/161500562-288-k552364.jpg)
BINABASA MO ANG
Warmth of Home | Home Series #1
Romance[COMPLETED] Everyone needs warmth. Scayans Gaile Rimathy seeks for love and care, she wants a warm, a warmth of home. Then she found this man that gave her everything that she didn't expect. As an exchange for his care, she loved and gave him what s...