Chapter 9
Hindi ako nakapagsalita dahil sa tinuran ni Ammiel na nagpagimbal sa puso ko na nagkukumahog na tumibok. Wala akong masabi, 'tila ba'y nawala na lang bigla ang aking dila. Namumula ang aking pisngi pero nag-aalala pa rin ako kay Apollo.
"Sige na sumama ka na, Scayans." Tinulak pa ako ni Maral. Ako naman ay hindi pa rin makapagsalita dahil sa sinabi ni Ammiel.
"Mamaya ka na namin tutuksuhin." sabi pa ni Maral.
Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. Natatawa lang ang ibang nakatingin saamin.
"Sama ako." napabaling ang lahat kay Cemet dahil sa sinabi nito. Ngayon ko lang nagustuhan ang pagpapapansin niya. Nahihiya kasi ako na ako lang ang mag-isang sasama at wala akong lakas ng loob na kausapin si Apollo lalo na't nalaman ko na may paghanga pala ito saakin, kung totoo man iyon. Pero wari ko ay nagsasabi naman ng totoo si Ammiel. But like what I've always said, don't assume.
"Yeah, you can come. Actually, lahat kayo pwedeng sumama." saad ni Ammiel.
Umiling-iling ang mga kasamahan ko.
"Pass muna kami." sabi ni Maral.
"Are you sure?"
Tumango naman si Maral. "Yeah, napagod akong makipag-sagutan sa ex ni Ekkes e."
"Maral!" Magkasabay na sita namin ni Keran kay Maral.
"Ex? Who's ex?" kuryosong tanong ni Ammiel.
"Si Anitha." Huli na bago pa namin matakpan ang bibig ni Maral dahil naisiwalat na nito kung sino ang 'ex' ni Apollo.
"What did Anitha do this time?"
"Huh? What do you mean? May sinugod na din siya dati?"
"Yes, and it's impossible that Anitha is Ekkes' ex because there nothing going on between those two."
"What the hell!" sabay na bulalas ni Keran at Maral. Maski ako ay nagulat. How dare she accused me that I'm the reason why they broke up when there's no she and Apollo? The nerve of her face!
Dahil doon ay mas lalong nainis ako sa babaeng iyon. Girlfriend, girlfriend e wala naman palang sila. Dapat pala mas naniwala ako kay Apollo dahil totoo ang sinasabi niya. In the first place, why did I believe her? I don't even know her! What a liar bitch she is!
"Grabe, ang kapal naman ng mukha nu'n."
"Tinanggap ko pa 'yung pagtawag niya saaking ng bitch e siya naman pala iyon." sabi ko naman. Napakamot ako sa ulo dahil sa inis.
"Tara na nga! Makita ko pa nga iyong bruhang iyon. Aahitan ko talaga siya ng kilay, makita niya."
Natawa ang mga kalalakihan dahil sa sinabi ko.
"Though, Anitha is nice."
"Huwaaat? Nice? Where? Saan banda du'n ha?"
Si Ammiel naman ang napakamot sa ulo. "Fine, she's nice but she also had a bad little attitude, sometimes?"
"All the time kamo!"
Buong biyahe patungo sa studio nila Apollo ay naghihimutok ako at sinasabi ang sinisigaw ng damdamin ko patungkol kay Anitha. Grabe talaga 'yung inis ko sa babaeng iyon. Hindi ko nga alam kung bakit nagawa ko pang maawa sakaniya kahapon na kung tutuusin ay nababagay lang iyon sakaniya.
At ito namang si Apollo, bakit niya pa pinapakisamahan itong babaeng ito kung may iba naman palang pag-uugali. Bakit hindi katulad ko? Mabait naman ako, slight lang. Pero kahit na! Sana naman ay pumili siya ng maayos-ayos ang pag-uugali!
BINABASA MO ANG
Warmth of Home | Home Series #1
Romance[COMPLETED] Everyone needs warmth. Scayans Gaile Rimathy seeks for love and care, she wants a warm, a warmth of home. Then she found this man that gave her everything that she didn't expect. As an exchange for his care, she loved and gave him what s...