Chapter 19

2.1K 50 14
                                    

Warning: SPG [Li'l bit, hehe]

Chapter 19

Nakaawang ang labing nakatingin lang ako sakaniya, hindi alam kung ano ang sasabihin, hindi alam kung ano ang isasagot sakaniyang tanong na labis na nagpagulat saakin. He was just looking at me with his serious eyes. I bit my lower lip. 

"It is okay, no pressure, I can wait." he softly said while caressing my hair. I can wait daw e nauna pa ang halik kaysa sa label, saan doon ang wait? I wanted to roll my eyes but it's not the right time to do that.

"I... uh," I trailed off and doesn't know what to say.

He chuckled and kissed my forehead. "You are so cute."

Napanguso ako habang yumakap sakaniya. Natatawang niyakap niya din ako.

"I'm not good on reading actions but does these mean you agreed to be my girlfriend?"

Idiniin ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Yes." pero dahil sa nakasandal ang mukha ko sakaniyang dibdib ay nag-iba ang tunog nito tapos sabayan pa na mahina iyon kaya hindi niya masyadong narinig.

"What?" sinasabi ko na e, ayaw ko nang ulitin iyon e, nahihiya ako! But then, I nodded, agreeing to what he said. Hindi siya sumagot at natigilan. Napaangat ang tingin ko sakaniyang mukha at ganu'n na lang ang gulat ko nang muli na naman niya akong halikan sa aking labi! Napapikit ako at tumugon, naramdaman ko ang pamilyar na kiliti saaking tiyan habang magkalapit ang aming labi. 

Napakalambot ng labi ni Apollo at kaysarap halikan, ang halik niya ay iyong nakakabaliw at masarap na gusto mong ulit-ulitin. Hindi pa kasabay iyong para akong nakalutang sa alapaap dahil sa lambot niyon at sa tamis pa. Ngumiti ako habang nasa kalagitnaan ng aming halik. Kung hindi pa namin kailangang huminga ay hindi pa kami maghihiwalay.

Ngumiti ako sakaniya at siya naman ay ngumiti din at inilapit ako sakaniya at mahigpit na niyakap. Natawa lang ako nang pinugpog niya ako ng halik sa buong mukha at sa labi.

"Abuso ka masyado." sabi ko at sabay kaming natawa.

"I can't get enough." he said. Natawa lang ako at yumakap sakaniya pero nakaharap na sa city lights na saksi sa pagsagot ko sakaniya. From tampuhan to in a relationship, real quick! But I don't want to missed these chance. Tama na iyong nagtampo ako sakaniya, doon pa lang nga ay naiiyak na ako, paano pa kaya kung may makita akong ibang babae na kasama niya? Hindi ko ata kakayanin iyon dahil kapag tungkol sakaniya, madali akong magselos.

I know it is kinda fast to answer him. Kung tutuusin ay pareho lang iyon, sasagutin ko naman din siya kaya bakit ko pa patatagalin? Tama na iyong kami na dahil at least may karapatan ako sakaniya hindi iyong hanggang sa gilid na lang ako at titingnan siya na kaylapit lang pero 'tila kay layo. After all, puwede ko naman siyang kilalanin habang kami. 

I smiled at the thought of him, being my boyfriend. I wanted to scream and giggle because of many thoughts popped up in my mind. Like, we are going to have a date in the park, travel together and I can hugged and kiss him even without his permission! How's that, right?

"Sabi ko na, crush mo talaga ako." sabi ko habang nakangiting tumingala sakaniya na ngayon ay natatawang tumingin saakin.

"You really have an air in you."

Tumaas ang kilay ko. "Bakit? Hindi ba? Ha?"

He chuckled and hugged me tightly before kissing my cheek. "Opo, crush po kita, matagal na po."

I giggled. "Ha! I knew it!"

Hindi siya sumagot pero nakangiting nakatitig lang saakin. Nailang ako at napanguso.

Warmth of Home | Home Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon