Chapter 13

2K 51 5
                                    

Chapter 13

Nagmamadaling inayos ko ang nakakalat kong mga gamit at inilagay ito sa coffee table. Napatingin sa 'kin ang mga kasamahan ko na nagtataka dahil sa pagkakataranta ko.

"Anong nangyari?" Kerannie asked. Hindi ako sumagot at nagtungo sa kwarto't sinarado iyon dahil ako ay magbibihis. Humablot lang ako ng tee-shirt at jogging pants. Nagmamadali ko itong isinuot bago lumabas. Nakaabang na sina Kerannie sa labas ng pinto nang lumabas ako.

I grabbed my wallet and keys on the top of coffee table. Sumunod sila sa 'kin at nahinto lang nang humarap ako sakanila. Nasa labas na ako ng pinto.

"Home emergency..." I said. Naintidihan nila iyon at tumango-tango. "Paki-lock na lang ng condo ko, ha?" May pag-aalala sakanilang mga mukha pero tumango pa rin sila sa 'kin.

Tumalikod na ako but Maru stopped me. "I'll drive you home." he said. 

I smiled and shook my head, sinasabing hindi na. "Huwag na, I'm okay, kaya ko."

He nodded. Lumapit sila saakin at niyakap ako ng mga kababaihan habang hinalikan naman ako sa noo ng mga kalalakihan. They whispered me to take care and I nodded. 

"Update us, ha?" Maral said and caressed my cheek, I smiled at her and nodded.

Nagtungo na ako sa elevator at kumaway sakanila. "See you on monday!" I shouted before the elevator's door closed. I sighed and looked at my phone.

To: Love
I'm coming.

Muli akong bumuntong hininga. Umangat ang tingin ko at pumikit. Oh, God, sana walang nangyaring masama sakaniya.

Napatingin ako sa harapan nang bumukas na ang elevator, lumabas na ako at dali-daling nagtungo sa sasakyan ko. I was about to go to the driver seat when someone called me.

"Scayans?" I looked at the direction where the baritone voice came from. Nagulat ako nang makita ang Rinceoir. Natuon agad ang tingin ko kay Apollo na madilim lang na nakatingin saakin. I smiled at them one by one.

"Hey!" I greeted them. Humarap ako kay Menoan na siyang tumawag saakin.

"Where are you going?" Menoan asked with a friendly tone.

"Ah, uuwi."

Nagtaka sila. "I thought your pad is your home."

"Ah, hindi, sa dati kong bahay."

"Oh," Tumango-tango sila. "Alright, take care." 

"Yes, thanks." Kumaway na ako. "Ah, sige mauna na ako, ha? Nasa pad ko ang iba, bumisita na lang kayo du'n." I smiled.

They nodded. Kumaway na sila habang nakatingin lang sa 'kin si Apollo. Nginitian ko siya bago ako pumasok sa sasakyan ko. I sighed and starts the engine. Bumusina muna ako sa Rinceoir bago ko minaobra ang sasakyan. 

Tahimik lang ako sa biyahe, nag-aalala. Hindi naman iyon ganu'n kalayo kaya agad akong nakarating. Bumusina ako sa tapat ng malaking gate na agad namang binuksan ng mga katulong. Pinasok ko ang kotse ko sa loob bago lumabas. Binati ako ng mga katulong pero hindi ko na sila nagawang pansinin dahil sa matinding pag-aalala.

Pumasok ako sa loob ng mansion at luminga-linga. "Sandrei! Where are you?!"

Ngunit walang sumagot. Humarap ako sa kasambahay. "Where is he?"

"Nasa kwarto niya po, Miss."

Umangat ang tingin ko sa grand staircase atsaka ako umakyat doon. Nang makarating sa taas ay kumaliwa ako at nagtungo sa kwarto niya. I knocked on his door.

Warmth of Home | Home Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon