Chapter 8
I'm just looking at his dark eyes that hypnotize me. I was wondering why I'm always lost every time I look at his eyes, it's like he's dragging me down but there's a thought that kept popping on my mind.
Why am I feeling comfortable with it?
"Are you alright?" Napabalik ako sa wisyo dahil sa tanong saakin ni Apollo. Hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin ako ni Apollo saaking baywang na kaniyang hinapit upang hindi ako tuluyang matumba.
Napatitig ako sa mukha ni Apollo. Sinusuri kung ano ang mali at kung bakit tumitibok ng 'kaybilis ang aking puso sa tuwing nalalapit ako sakaniya.
"I-I'm fine-"
"You bitch!" Napatingin kaming lahat kay Anitha nang sumigaw ito at nanggagalaiting dinuro ako. Sumiksik ako kay Apollo dahil parang bubuga na ng apoy si Anitha dahil sa galit. Nagulat si Apollo ngunit itinago niya pa rin ako sa likod niya, tuloy ay hindi ko makita si Anitha.
"Look what she have done to me! She ruined my top!" Hindi ko man makita ang mukha ni Anitha pero nasisiguro ko na may inis sa mukha nito. "Wait," natigil ito. "Why are you hiding her from me?"
Hindi ko napigilan ang sarili at sumilip kay Anitha mula sa braso ni Apollo. Nagtataka itong nakatingin kay Apollo pero bumaling ito saakin nang silipin ko siya. There's a hint of irritation on her eyes when she looked at me. Tinaasan ko ito ng kilay at tiningnan din ng may iritasyon sa mga mata. Hindi ako magpapatalo sakaniya, ha, in her dreams.
"It's an accident, Anitha." baritonong ani Apollo.
Ngumisi naman ako kay Anitha at binelatan. Nanlalaki ang mga mata nitong itinuro ako. "What accident?! Sinandya niya iyon! Tingnan mo, binelatan ako!" agad kong itinikom ang aking bibig nang humarap saakin si Apollo. Umiling-iling ako, nagpapaawa.
Bumalik ang tingin nito kay Anitha. "She's not."
Hindi makapaniwalang suminghap ito. "Wow..." napatigil ito, nagtataka sa mga aksyon ni Apollo. "Wait, bakit mo siya kinakampihan? I'm your girlfriend!"
Bingo!
Napabuntong-hininga si Apollo habang napaubo naman ako.
Napatingin saakin si Apollo ngunit hindi nagsalita. Hindi din siya sumagot kay Anitha kaya walang kasagutan sa tanong ko. Ang akala ko ba'y wala siyang girlfriend? Ngunit sino itong Anitha na ito? Napailing-iling ako. Hindi man pinatutuohan ni Apollo kung kasintahan niya nga ba talaga si Anitha o hindi ay itinatak ko na lang saaking isipan na kasintahan niya nga ito.
Napakagat-labi ako nang maramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot. Napapabuntong-hininga akong lumabas sa pagkakatago sa likod ni Apollo, pinigilan ako nito ngunit hindi ako nagpapigil, lumabas pa rin ako mula sa likod niya't hinarap si Anitha. Bigla akong nawalan ng gana na makipag-asaran kay Anitha dahil sa mga nalaman ko.
Kung patuloy ako na makikipag-away sa girlfriend niya, ano naman ang mapapala ko? Walang kakampi saakin dahil tiyak na mas kakampihan ni Apollo si Anitha dahil nga 'girlfriend' niya ito.
"I'm sorry." Walang ganang paghingi ko ng tawad. Malakas na napabuntong hininga si Apollo ngunit hindi ko ito pinansin. "Babayaran ko na lang 'yung na-damage ko." tumingin ako sa damit niyang punong-puno na ng kape. Namumula na rin ang nakalitaw nitong balat na natapunan ko ng kape. Napabuntong-hininga ako dahil sa kasamaang nagawa ko. Ano ang iniisip ko't naisipan ko itong tapunan ng kape? Para tuloy ako ang kontrabida dahil sa nagawa ko. Maling-mali iyon kung kaya't humingi ulit ako ng tawad.
"Sorry..." This time, mas sincere na ako. Kawawa naman si Anitha. Nakonsensya tuloy ako. Ano ba itong nagawa ko? Naglabas ako ng pera at ibibigay na sana kay Anitha nang biglang hawakan ni Apollo ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Warmth of Home | Home Series #1
Romance[COMPLETED] Everyone needs warmth. Scayans Gaile Rimathy seeks for love and care, she wants a warm, a warmth of home. Then she found this man that gave her everything that she didn't expect. As an exchange for his care, she loved and gave him what s...