Chapter 31

2.4K 52 2
                                    

Chapter 31

Next morning, I was feeling well and Apollo took care of me, he even feed me even if I said that I can, kaya naman sa sumunod pang araw ay mas naging mabuti ang pakiramdam ko. Amilia and I just talk and bond a lot that is why we are more close right now.

Hindi na nga kami mapaghiwalay.

"You know when Mom and Dad was out because of their works, Kuya Apollo will always took care of me." Isang gabi habang nagbobonfire kami sa labas ng resthouse ay ikinuwento iyon ni Amilia sa 'kin habang magkaharap kami at sila Apollo naman ay nag-iihaw ng aming kakainin para ngayong gabi. We decided to eat outside since sawa na kami sa loob. Kidding aside.

"Dalawa lang ba kayong magkapatid?" I asked her.

Ngayon ko lang napagtanto na wala ako masyadong alam tungkol kay Apollo. Before, I only know that he is a member of a group named Rinceoir, Dancer and a criminology student. And now, he have a sister and his father is Amilio. Nothing more... kaya gusto kong malaman lahat ang tungkol sakaniya.

Naiinis ako sa sarili ko dahil iyon lang ang nalalaman ko tungkol sakaniya habang siya ay napakaraming alam tungkol sa buhay ko.

I feel down knowing that he suffered a lot without telling me what his problem. Kung sana'y may lakas lang ako ng loob na tanungin siya at alamin ang tungkol sakaniya, sana man lang nabawasan ang bigat na dinadala niya.

My poor Apollo...

"Yes, we are only two." she answered while sipping on her juice that she was holding. "He became my Mom and Dad that's why we are both close to each other. He is the very best Kuya for me and I love him for that."

Napangiti ako. Amilia was so sweet and Apollo was so caring. They are both cute.

"I admire how he took care of you." I said. I am very proud of you, Apollo...

Napangiti naman si Amilia.

"He is overprotective too!" her eyes glittered. "I remember when I had my first suitor. Dinaig niya pa si Dad nu'n dahil ang sama ng tingin sa boy! Kaya nga kinabukasan ay natigil din iyong mangligaw." natawa ito. "Natakot ata."

Natawa din ako. "Nagalit ka ba kay Apollo?"

"Bakit ako magagalit? Alam ko namang ginawa niya lang iyon upang maprotektahan ako. At isa pa, at least nalaman kong manok ang isang 'yon. Pa'no na lang kung may mang-away sa 'kin, edi tatakbo iyon at iiwan ako? Kaya hindi ako nagalit, nagpasalamat pa nga ako kay Kuya e."

Natawa lang ako. Apollo was such a great sibling.

"Anyway, iyong sinabi ng Dad mo." Amilio and I become civil to each other, he will asked, I will answered, that's how we talk. Though, kapag kaming dalawa lang ay natatakot pa rin ako kaya siya na ang nag-aadjust at nagpapaalam na lang. At masasabi ko, talagang mabait ang tatay nila.

"Alin?" Amilia asked with a furrowed brows.

"The other day, when I had a flu?" I gave her a hint. 

Napabilog ang kaniyang bibig at ang mga mata 'saka namula.

"You don't need to know that!" she panicked, she even waved her palm.

Napangisi ako. "Hmm? Why is that?"

Namula ang kaniyang mukha. "Ate Scayans naman e..."

I crossed my arm while I looked at her behind the fire. Humangin kung kaya't nagulo ang aming mga buhok, but we don't budge.

"You know, you can talk to me anytime."

She pouted but then sighed. "I cried because of my ex."

Warmth of Home | Home Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon