Chapter 16

2.2K 56 14
                                    

Chapter 16 

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang nararamdaman kong ito. Basta ang alam ko lamang ay mas higit pa ito sa pagkakagusto sakaniya, hindi ko lang mapangalanan, o sadyang ayaw ko lang pangalanan...

Tahimik kami habang nasa biyahe patungo sa grocery store. I pouted and secretly pinched my thigh, just to stop my self from talking. As much as possible, ayaw kong magsalita dahil baka kung ano na lang ang masabi ko.

Agad din naman kaming nakarating sa grocery store. Dahil sa pagkailang at sa nararamdaman ko ay hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto at ako na lamang ang nagbukas para sa sarili. Nanguna ako sa paglalakad, sumunod din naman siya saakin matapos niyang mai-lock ang sasakyan. I grabbed a cart when we entered at the grocery store. Iyon lamang at si Apollo na ang kumuha nito at sinabing siya na daw.

Dahil sa sariling nararamdaman ay hindi na ako nagreklamo at hinayaan na lang siya. Sa may milk section kami unang nagtungo, hinanap ko ang brand ng gatas na iniinom ko at nang matagpuan iyon ay kumuha ako na kakasya sa isang buwan. Kumuha din ako ng kape para sa mga kasamahan kong ayaw sa gatas.

Parang isang batang masunurin si Apollo at sumusunod lang. Hindi ko natiis ang katahimikan kaya agad na akong nagsalita.

"Hindi ba't lagi na kayong may practice ngayon? 'Di ba ngayong buwan na iyon?" tanong ko habang nasa biskwitan kami at tinitingnan ang labels noon. Hindi ko alam kung nakatingin ba siya saakin o ano dahil nga binabasa ko ang label ng biscuit pero sumagot pa rin siya.

"Yes and yes, mamaya pa ang practice namin." saad niya. Napatingin ako sakaniya habang hawak ang biscuit.

"Really? Pwedeng manood? Pero kung makakaabala ako ay hindi na lang." I said and returned my gaze at the biscuit that I'm holding.

"It's okay, you can watch. Hindi ka abala..."

Tumango na lang ako kahit na nakatalikod sakaniya. I bit my lower lip. Shit, ano na ang sasabihin ko?

Nang masiguradong matagal pang mag-eexpire ang biscuit ay kumuha ako ng ilan at inilagay sa cart na naging dahilan kung bakit kami nagkatinginan ni Apollo. Nag-iwas ako ng tingin at sa damit niya na lang itinuon iyon. Ngumuso ako, ngayon ko lang napansin ang suot niya. He was wearing a blue fitted coat at sa loob niyon ay isang plain black shirt. He partnered his shirt with blue slacks and leather shoes. Hindi ko alam pero bakit ang gwapo niya sa paningin ko? Suot niya ang kuwintas na suot-suot niya nang una ko siyang makita sa fastfood.

Gustong kong mangiti dahil medyo may pagkakatulad ang suot namin ngayon.

"Tara, sa meat section tayo." anyaya ko at nanguna na sa paglalakad. Habang nagchecheck ng karne ay hindi ko maiwasang patagong sulyapan si  Apollo na parang tamad at  nakatukod ang kamay sa hawakan ng cart, pero kapag tumitingin ako ay napapatuwid ng tayo at ngumingiti na para bang hindi siya nababagot. Tuloy ay gusto kong matawa, alam kong tamad na tamad na siya pero ito at parang excited pa kapag tumitingin ako.

May mangilan-ngilan na babaeng napapatingin sakaniya at nagbubulungan. Umirap ako, ang lakas talaga ng charm ng lalaking ito at kahit mukhang tinatamad ay nakakaagaw pa rin ng atensyon ng mga babae. Pero gusto kong mapangiti dahil kahit ni isa ay wala siyang pinansin.

"Hello, do you know where the drinks section is?" May isang babae ang lumapit sakaniya. Dahil malapit lang naman ako sakanila ay dinig ko kung mag-uusap man sila. Napabaling ako kung nasaan nanggaling ang babae at nakita doon ang tatlong babae pa na naghahagikgikan habang pinapanood si Apollo at ang kaibigan. Napaingos ako, magtatanong pa, gusto lang kamong makipagkilala.

"Ask the saleslady not me, because I'm not a employee here." dinig ko ang masungit na pagkakasabi ni Apollo sa babae. Halos mapatalon ako dahil sa tuwa. Excuse me, girl! Suplado 'yan sa lahat, maliban sa 'kin, ha!

Warmth of Home | Home Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon