Chapter 4
My face were blushing. Hindi tumitigil sa mabilis na pagtibok ang puso ko. Naghihiyawan ang mga kaibigan ko at mga kaibigan niya. Siya naman ang naka-ngisi saakin, iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at tumikhim.
"Uh, what's happening?" Nakahinga ako ng maluwag nang dumating ang isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay kagrupo rin nila.
Hindi ko napansin na kulang pala sila ng isa, I thought they are completed. Well, I'm wrong then. I looked at him, he must be Menoan based on what I remember. Doon lang din natigil ang kanilang hiyawan pero naroroon pa rin ang mapanuksong tingin nila sa amin.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni John.
Nagkamot ito ng ulo. "I forgot the way."
Natawa ang mga kaibigan niya. Tumingin sa amin si Menoan, he shyly smiled.
"Uh, hi?"
Muling pinakilala kami ni Kerannie kaya natagalan kami doon. Nagyaya din si Ammiel na kumain na pinaunlakan naman ni Kerannie nang walang pasabi mula sa amin! Pero laking pasasalamat ko at mukhang nakalimutan na nila ito.
Iyon lamang at mukhang nagkamali ako dahil nang makaupo ako sa upuan sa restaurant na kanilang pinili ay humiyaw sila nang umupo sa tapat ko si Apollo.
Wala akong makitang masama roon dahil ang katapat ko na lamang ang nananatiling walang nakaupo kaya naman doon pumwesto si Apollo.
Nasa isang pahabang mesa kami at katabi ko sa kanan si Cemet dahil ako ang nasa dulo. Katapat namin ang Rencoir, mula kay Apollo, Gabriel, Menoan, John, Luke hanggang kay Ammiel.
At mula naman sa akin, Cemet, Maral, Diem, Keru hanggang kay Maru. Habang nasa kabisera naman si Kerannie.
Nagsimula na kaming pumili ng makakain at napag-desisyunan na lang namin na si Kerannie ang pumili dahil siya naman ang maalam.
Nang dumating ang pagkain ay nagsimula na kaming kumain at kasabay nito ay ang pag-uusap nila habang ako ay tahimik lang na kumakain. Mahirap na at baka matukso na naman ako pero kahit ganun ay may panunukso pa rin ang makikita sa mga mata ng kasamahan namin tuwing napupunta ang paningin nila sa akin o kay Apollo.
I pouted when I looked at Apollo who's busy eating his food. Parang may sarili silang mundo ng pagkain niya. Hindi man lang ito sumulyap sa mga kaibigan niya kahit na tinatawag ito. Natigil lang sila dahil mukhang wala talagang balak si Apollo na pansinin sila.
Iyon lamang at ako ang napagdiskitahan nila.
"Scayans, right?"
I looked at Ammiel when he asked me. I nodded my head and smiled.
"Yes, why?"
"If you don't mind, can I ask you a question?"
Tumango ako kahit na nagtatanong na rin naman siya.
"Sure."
"Why is your name is Scayans? No offense meant..."
I chuckled. Natigil lamang ito nang umangat ang tingin sa akin ni Apollo, bumaba ang paningin ko sa kinakain niya dahil akala ko tapos na siyang kumain, iyon pala ay hindi pa.
Nakakapagtaka na nagbigay na ito ng atensyon sa amin kahit na hindi pa ito natatapos sa kinakain, iyon kasi ang napansin ko.
Umiwas ako ng tingin dito at itinuon kay Ammiel ang atensyon na ngayon ay nakangisi na! Mukhang napansin din nito ang pagtingin ni Apollo sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko sa gilid ng mga mata ko na muling bumalik ang paningin nito sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Warmth of Home | Home Series #1
Romance[COMPLETED] Everyone needs warmth. Scayans Gaile Rimathy seeks for love and care, she wants a warm, a warmth of home. Then she found this man that gave her everything that she didn't expect. As an exchange for his care, she loved and gave him what s...