Chapter 7

2.5K 54 4
                                    

Chapter 7

My tears didn't stop from falling. I keep asking myself why I'm crying like this and then I remember, my mother died because of my stupidity. I laughed and remember what I've done.

"Ang tanga mo, Scayans..." kausap ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko basta't namalayan ko na lang na nasa harap na ako ng isa pang falls na wala masyadong mga tao.

Naisip ko na naman ang nangyari saakin ngayon. Naalala ko na naman si Apollo at wala sa sariling napatampal sa noo.

"Bakit ko ba siya winalk-out-an?" Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkaka-ganito. Tuwing nagagalit ako ay umaalis ako sa takot na baka makasakit ako kaya nga umalis ako doon at baga mabuhos ko kay Apollo ang galit ko sa sarili. 

I didn't blame Apollo. I know I'm just overreacting but then, I just remember a bad memories kaya ganu'n na siguro iyon. Kinabahan tuloy ako at baka maisip ni Apollo na pikon ako tapos ayaw niya sa ganoon edi na-turn off na siya saakin? 

"Ayan, tanga..." muli kong sabi sa sarili. Napapakamot sa ulong bumaling ako sa linakaran ko pero ganu'n na lang ang gulat ko nang makita si Apollo na nakasandal sa 'di kalayuang puno at nakatingin saakin, sinusuri kung ano ang ginagawa ko.

Natulos ako saaking kinatatayuan, iniisip kung dapat ko ba siyang lapitan o manatili lamang ako sa aking puwesto?

Sa huli ay nanaig pa rin ang kagustuhan kong makalapit sakaniya. Nakita niya akong naglakad patungo sakaniya kung kaya't napaayos siya ng tayo at hinintay akong makalapit sakaniya.

"I'm sorry..." Magkasabay naming sabi nang tuluyan akong makalapit sakaniya. Tatlong hakbang ang layo ko sakaniya ngunit bakit 'tila napakatangkad niya pa rin? Nakatingala kasi ako sakaniya dahil mas matangkad siya saakin.

Sandaling katahimikan ang namayani saamin. Hindi alam kung ano ang dapat na sabihin. Nakikiramdam sa presensya ng isa't-isa. 

"I know I'm overreacting a while ago but I just remember something that triggered me to be angry. Uh, not to you ha? But I'm angry at m-"

"I undertand." putol niya sa sunod-sunod kong sinabi. Napatigil ako at nakagat ang loob ng aking pisngi. Kung kanina ay nakatingin ako sakaniya ngayon naman ay nakayuko na ako at nakatingin lang sa daliri kong pinaglalaruan.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko pa rin kasi kayang sabihin ang lahat kaya nga nagpapasalamat ako sakaniya dahil pinutol niya ang dapat sanang sasabihin ko. Kung hindi siguro ay nagagalit na naman ako sa sarili ko.

"It's my fault..." Napaangat ang tingin ko sakaniya. Kunot ang noo at may pagtangging mababasa saaking mukha, tutol sakaniyang sinasabi pero hindi ako nakasagot agad dahil nagsalita ulit siya. "I scare you without me thinking right. So, I'm sorry... and... you don't need to tell me what's bothering you if you still can't, just remember I'm here."

Umiwas ako ng tingin at pasimpleng pinunasan ang aking luha. Nang matapos ay nakangiti akong humarap sakaniya. Alam kong nakita niya ang mga luha ko dahil kanina pa niya ako pinagmamasdan pero hindi na lang siya nagsalita at nagpasalamat ako doon.

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng tuwa, hindi ko man sabihin sakaniya ang kuwento ko ay sapat na saaking naririyan siya. I don't know but I'm glad he understand me kahit na hindi niya alam ang naranasan ko. Oo may mga kaibigan ako na nasasabihan ko pero iba pa rin iyong may isang taong nakakaintindi ng sitwasyon ko kahit na wala itong nalalaman at dagdag pa na may gusto ako sakaniya. 

Yes, I like him but I knew na he's already taken so I stop myself from liking him more, I think it's not healthy for me kasi ako lang naman ang masasaktan sa huli kaya nga ititigil ko na. Tinanggi man niya pero nasisiguro kong may girlfriend siya. At isa pa, siguro ay nadala lang ako dahil sa nakita ko kanina, may kausap siyang babae pero may girlfriend naman siya. Ay, ewan. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.

Warmth of Home | Home Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon