CHAPTER I

7.8K 31 0
                                    

“AAAAAHHH!”

            Dinig ni Sharmagne ang hiyawan at tilian ng mga fans na naghihintay na sa kanyang paglabas mula sa stage ng Araneta Coliseum kung saan siya magpeperform simula sa oras na iyon.

            Nakatayo na siya sa isang moveable platform sa ilalim ng main stage.

“Ready Sharmagne?” Tanong sa kanya ng floor director ng kanyang concert.

Nilingon niya ito. “Ready.”

“Okay. Good luck!” Ngumiti ito sa kanya saka lumayo ng ilang dipa. “In three, two, one! Hit it!”

Pumailanlang na sa buong venue ang introduction ng kanyang opening song. Unti-unti ay umaangat na siya mula sa ilalim. She blew a deep sigh then a sign of the cross. Ng tuluyan na siyang lumitaw mula sa entablado ay mas lalo pang lumakas ang sigaw ng mga manonood.

“Are you guys ready?!” Sigaw-tanong niya sa mga ito na sinagot naman ng mga ito sa pamamagitan ng hiyawan.

And there she goes. Doing what she was born to do. Sing. Act. Perform. She loves doing all of it. Hindi siya kailanman nagsawang magperform para sa mga taong walang tigil na sumusuporta sa kanya. Lahat na yata ng pangarap niya at ng kanyang pamilya ay natupad na. Malaking bagay ang kanyang trabaho sa lahat ng tagumpay na tinamasa niya. Biyaya niyang maituturing na sa kabila ng dami ng kanyang mga kasabayan na mahuhusay rin naman ay naroon pa rin siya magpahanggang ngayon. Could someone like her ask for anything more? She doesn’t think so.

“OH MY! Honey, that was great!” Bungad kaagad kay Sharmagne ng manager niyang si Ryan. Isa itong bakla. Ngiting-ngiti ng yakapin siya saka pinatungan siya ng tuwalya sa likod. “You never failed to amuse me, darling.”

Nginitian niya rin ito. “Thank you Ry.”

“You are welcome!” Umabrisete ang braso nito sa kanya. Naglakad na sila patungo sa back exit ng lugar.

Ganoon ang nakasanayan na nilang gawin ng staff niya. Pagkatapos na pagkatapos ng kaniyang last performance ay aalis na kaagad sa venue. Animo parating naghahabol ng oras para sa kanya. She got used to it. Kahit na kung minsan ay gusto niya munang silipin ang kanyang mga manonood at pagmasdan ang mga mukha at reaksyon nila. Wala naman siyang reklamo. Gaya nga ng parating sinasabi ng kanyang manager. You have to play mysterious sometimes Kahit pa nga mag-pa-sa ngayon ay hindi niya pa rin makuha ang punto ng pagiging misteryoso sa ganoong paraan ay hindi na lamang siya kumokontra pa..  

“Where’s Tita Demi?” tukoy niya sa kanyang tiyahin.

“She’s in the car.”

Napatigil siya. “Kanina pa ba siya doon?” Di maiwasang may lungkot na rumehistro sa kanyang mukha.

Tila napansin naman nito iyon. “Of course not! Kapapasok lang din niya. Ikaw naman. Ngiti na uy. You just had your biggest concert so far.”

She wanted to believe it’s true but she knows it wasn’t. Parati naman na ganoong ang tiyahin niya. Hindi na nito tinatapos ang bawat concert niya. Ang dahilan nito ay sigurado naman daw ito na laging tagumpay ang ano mang pagtatanghal niya kaya hindi na niya kailangan pa na manood pa ito hanggang sa pagtatapos niyon. Si Tita Demi ang maituturing niyang pangalawang ina. Kapatid ito ng nanay niya. Simula ng maulila sila sa magulang ng nag-iisa niyang kapatid ay ito na ang tumayong magulang sa kanila.

            Her father died on a car accident when she was 10 years old. Isa itong driver ng isang malaking kompanya nang ito ay mamatay. Oh how she loved him dearly. Ito ang kauna-unahang mentor niya. Ito ang nagturo sa kanya ng unang kanta na kanyang natutunang awitin. Ito ang rin ang nagpursige sa kanya at nagbigay ng lakas ng loob upang huwag sumuko sa tuwing natatalo siya sa mga kompetisyon na sinalihan niya noong siya ay bata pa. Kaya labis siyang nagluksa ng mawala ito sa kanila.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon