One

1.2K 29 0
                                    

One

"Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin yung mga binibigay sayo? Ang choosy mo Nadine alam mo ba yun?"

I hugged my laptop case and fixed my hair while we're walking. I roll my eyes at Mika because of what she's been telling me since the last few minutes.

"Bakit ko nga tatanggapin ang isang bagay kung hindi ko naman gusto, diba?"

"Hello? Joseph Lagdameo yung masugid mong manliligaw girl! The Joseph Lagdameo! Kita mo ba yung level ng beauty mo, ha?!"

Napailing nalang ako at inirapan siya. Kanina niya pa ako sinasabihan na tanggapin at pansinin yung kaklase namin sa Business Management na si Joseph.

Joseph Lagdameo is one of the campus crush here in our University. Pareho kami ng course na kinukuha which is Business Management at kalat na kalat na sa school na nililigawan ako ng isang Joseph Lagdameo.

He's handsome, no doubt. He's smart, he's rich and lastly he's friendly. But friendly in a way na hindi mo alam kung lumalandi na ba siya sayo o nakikipagkaibigan lang. Kaya kilala din siya sa pagiging matinik niya sa mga babae.

"Huy! Kanina pa kita kinakausap Nadine! Ano ba!"

Nilingon ko si Mika at nakita ko ang iritadong pagmumukha niya. Alam na naman niya na kapag nandito kami dumadaan sa court ay hindi na ako nakakausap ng matino.

"Alam mo sa susunod ipapatumba ko na talaga itong court na 'to eh! Tangina kapag napapadaan tayo dito hindi ka makausap ng maayos!"

Napangiti nalang ako at binalewala ang sinabi ng best friend ko. I focused on watching on their practice game and I am glad that their team won. Good job.

"Bakit kaya talaga may mga tao na pinipili pa rin nila yung alam nilang kahit kailan hindi sila mapapansin? Bakit kaya no?"

"Alam mo Mika tumigil ka nga diyan! Kung ako sayo sabihan mo nalang yung boyfriend mong hilaw na ipakilala ako sa kaibigan niya. Baka naman sakaling maging masaya ako sayo diba?"

"Ewan ko sayo Nadine! Ang ganda ganda mong nilalang pero hindi mo alam paano pumili. James ka pa rin ng James diyan eh hindi ka nga kilala niyan eh!"

Inirapan ko nalang siya at ibinalik ang mga mata sa may court. Kahit nasa malayo ako kitang kita ko pa rin ang kagwapuhan nitong taong ito.

Si James Reid. Yung crush ko na kahit kailan hindi ako napapansin at hindi ako pinapansin. Kung si Joseph kilala dito sa University, si James mas kilala hindi lang dito sa amin kung hindi pati na din sa ibang Universities.

He's very handsome, has this bad boy image, rough personality and lastly the eyes. Sobrang nakakalunod kapag nakatitig ka na sa mga mata niya.

"Why him? Hindi mo ba alam may girlfriend na yan sa katabi nating University? Wala kang pag-asa diyan Nadz sinasabi ko sayo."

I know and I am very much aware that he's currently in a long term relationship with his childhood best friend pero pakiramdam ko nasa human nature na ang pagiging tanga kaya heto ako. Hindi ko pa rin kayang hindi ko siya naiisip and everytime I see him, wala eh. Mas lalo lang akong nahuhulog lalo.

"Alam mo ikaw Mika ang epal mo talaga! Kahit kailan talaga hindi ka supportive sa akin!"

"Hello realistic lang ako no! Eh sa wala ka naman talagang pag-asa diyan sa Australianong yan!"

Everyday I hear that from my best friend. Sa sobrang paulit ulit ay kabisado ko na kung anong sasabihin niya. In short, nagpapakatanga daw ako at sobrang hopeless na daw ng case ko.

Our UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon