Another day, another stressful yet fulfilling day for me. Ever since James got into an accident, ako na ang palaging umaasikaso sa mga gawain sa kompanya. Pinipilit na nga sa akin ni James na pumasok pero hindi pa pumapayag ang doktor niya kaya sinabihan ko siyang huwag nalang muna.
After everything is already settled, I go to my shop to check if everything's just fine. Hindi lang naman kasi sa opisina ni James umiikot ang mundo ko because I have my own business. A clothing shop to be exact.
"Miss Nadine? Okay lang po ba kayo?"
Nadatnan ako ng sekretarya ko na nakahawak sa noo ko at nakapikit. I just smiled at her to let her know that I'm fine.
"Okay lang ako Diane. Don't mind me."
"Umuwi nalang po muna kayo Miss Nadine. Alam ko po na galing pa kayo sa opisina ni Sir James. Pagod na po siguro kayo."
Bumuntong hininga ako at napasandal sa upuan ko. Maybe my secretary's right. Uuwi nalang muna siguro ako para magpahinga at pagkatapos ay babalik nalang siguro ako kapag may oras pa.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at dumiretso na sa elevator para makapuntang basement. Pinaandar kaagad ang sasakyan at umuwi na. While I'm stuck because of traffic, my phone beeped and I immediately looked at it.
Si James.
I connected right away to the bluetooth speaker to answer his call. Napangiti pa ako nung narinig ko ang boses niya.
"Hi." He said on the other line
"Hi James. May kailangan ka ba?"
"U-uhm nothing. I-I just want to check on you."
Hindi ko napigilang mapangiti na parang timang dahil sa sinabi niya. Since he got into an accident naging cold siya at distant sa akin but as time passes by unti unti na siyang naging bukas sa akin.
"I'm actually on my way home. Magpapahinga muna sandali tapos babalik din ng office."
"T-talaga? U-uhm anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita."
Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Namiss ko ang mga luto ni James at mukhang matitikman ko na ulit yung specialty niya.
"Anything James. Ikaw na lang bahala."
"Alright. I'll see you later. Ingat sa pagmamaneho."
Kung kanina ay pagod ako, nung natapos ang tawag sa akin ni James ay parang gumaan ang pakiramdam ko. I don't know what's the logic behind it but it feels so good to be checked by the person you love the most. Alam ko naman na nay nagbago na dahil sa sitwasyon ni James pero ngayon masaya lang ako na unti-unti ng bumabalik sa dati ang lahat.
But still. I do acknowledge the part that I still have something to tell James what really happened.
"Magandang hapon Ma'am Nadine."
Our maid immediately greeted me as I went out of my car. I smiled back at her and headed my way inside our home.
Agad akong napangiti nung tumakbo papalapit sa akin ang aso namin. I picked him up and hugged him. He keeps on waving his tail and he started playing with me.
"Hi baby Milo. Mommy missed you so much."
"Buti pa yung aso namiss."
Napatingin agad ako kay James na biglang sumulpot sa harap ko. He's wearing an apron and he looks so hot wearing it. Damn it!
"A-ah."
Binaba ko na si Milo at tumakbo paakyat ng bahay. Hindi ko alam anong sasabihin ko sa kanya kaya nagulat ako nung bigla niyang kinuha ang bag ko.

BINABASA MO ANG
Our Universe
Fiksi PenggemarEverything was perfect for James and Nadine but not until he had forgotten everything. The life he had with Nadine, the love and the memories they had were all wiped out. Can the heart still remember what the mind had forgotten? 31st of OCTOBER 20...