Eight
Abala ako sa pag aayos ng mga papeles na nakatambak dito sa mesa ni James. Ito yung mga papers na kailangan niya pang tingnan at pirmahan bago siya naaksidente.
"Maam? Excuse me po."
Si Mia, sekretarya ni James ay pumasok sa loob at may dalang tatlong folders. Lumapit siya sa akin at mukhang may dalang balita.
"Ma'am sorry po pero si Miss Nicole po kasi kanina pa sa baba hinahanap po si Sir James."
Napataas ako ng kilay at napailing. The nerve of this girl to go here in our company?! How desperate!
Tumayo ako at napahalukipkip. Nakita kong biglang nakabahan ang sekretarya ni James at mukhang naghahanap ng magandang salitang sasabihin sa akin.
"Ma'am s-sorry po talaga pinigilan ko naman po kaso sobrang mapilit po talaga-"
"Mia, that's enough" I said as I tried to cut her off. "Papasukin mo nalang siya dito." I said.
"H-Ho? S-sigurado po kayo Ma'am?"
Napatingin lang ako sa kanya at napatalon siya. Napagtanto niya sigurong mali ang naging tugon niya sa akin kanina kaya dali dali siyang lumabas ng opisina.
Now what? Ano na naman ang gusto nitong babaeng 'to?!
Hindi nagtagal ay dumating na si Nicole. Sinarado ni Mia ang pinto at naiwan na kaming dalawa sa loob. Pinasadahan ko ng tingin ang suot ni Nicole at napailing.
Mukha atang naubusan ng tela ang isang 'to. How pathetic!
"I will cut the formality and all shit Nadine but where's James? Are you locking him up in his own house?! The nerve of you to do that!"
Napataas ang kilay ko dahil sa nakakatawa niyang paratang sa akin. Talaga ba? Ganon ba ang tingin niya sa akin? Kawawa naman pala siya?!
"Excuse me?! What makes you think I can do that one, huh Nicole? And for the record it's our house. Not only his." I said proudly.
"Aba malay ko sa iyo Nadine! Kaya mo ngang agawin siya sa akin dati at nakaya mo siyang landiin? Ang ikulong siya sa bahay at hindi palabasin ay malabong hindi mo kayang gawin!"
Napasinghap ako sa sinabi ni Nicole at napatawa dala ng pagiging sarkastiko. Hanggang kailan ba titigil ang babaeng 'to?! Sumusobra na siya!
"You know what Nicole, just believe whatever you want to believe then coz I don't owe you any piece of explanation. Now if you want to see James then you can now go and leave this office because he's not here and I don't have any fucking idea where my husband is right now."
The last sentence made my heart shatter into pieces. Totoo naman kasi! I don't know where's James right now kasi hindi naman siya sa bahay natulog kagabi at bago ako umalis para pumunta dito ay wala din siya sa bahay. Maybe he's at Bret? I just hope so.
I said and put an emphasis on the word husband just in case this nuisance missed this information.
Lumapit si Nicole sa akin at hindi ako natinag sa ginawa niya instead I looked at her with full authority.
"You know what you're really unbelievable, Nadine. Paano mo nakakayang nakikita si James na malungkot at miserable dahil sa hindi mo kayang sabihin kung bakit talaga siya nagkaganyan? You are very selfish Nadine! Very selfish!"
With that she left and stepped outside the office. Nung pagkalabas niya muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko dahil sa mga huling salitang binitiwan niya sa akin. It felt like that was the most accurate statement that Nicole has ever thrown at me.
BINABASA MO ANG
Our Universe
FanfictionEverything was perfect for James and Nadine but not until he had forgotten everything. The life he had with Nadine, the love and the memories they had were all wiped out. Can the heart still remember what the mind had forgotten? 31st of OCTOBER 20...