"And the day that I first saw your smile was the day that I swore to myself that I'm going to take care of you for the rest of my life."
I smiled as James said those sweet words while he was holding my hand. I can feel his tight grip and it feels like he doesn't want to let go of it. I tried to smile even though tears started to fell down on my cheeks.
"Magsimula mang mawala ang lahat, makalimutan man tayo ng mundo, lagi mong tatandaan na kahit kailan hinding hindi kita kakalimutan Nadine. Your face, your eyes, your lips, everything about you, it will be forever stored in my heart. I just want you to remember that okay? Mahal kita mas higit pa sa inaakala mo."
Patuloy na lumandas ang mga luha sa aking mga mata habang nakatitig pa rin ako kay James. The day I decided to marry him was the most precious day in my life. When I was about to wipe the tears from James' cheek, nagulat ako nang bigla siyang nahimatay.
"James!"
And that moment I realized that that was just a dream. Iginala ko ang aking mga mata at nakitang nakatali pa rin ako sa kinauupuan ko kanina. Biglang tumunog ang pinto at nakita kong pumasok ang private investigator na kinuha ko. The nerve of this guy!
"Ma'am Nadine kumain na kayo."
He said politely and tried to feed me with some trashy food. Agad ko itong iniwasan dahilan kung bakit natapon yung laman sa sahig. Kapal ng mukhang lumapit sa akin pagkatapos nang ginawa niya?!
"Mas gugustuhin ko nalang mamatay kaysa makita ang pagmumukha mo ng harapan! Ang kapal ng mukha mo! After all this time kakampi ka pala ng kalaban ko? Paano mo nagawa sa akin ito ha, Inspector?"
Hindi na siya sumagot at nakita ko ang pagkairita niya dahil sa natapon na pagkain. Mabilis na ang paghinga ko dahil sa sobrang galit at inis at mas lalo kong nararamdaman ang kirot sa kamay at paa ko dahil sa pagkakatali.
"Oh my God anong nangyari? Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko para sayo, Nadine? Grabe ka naman."
My attention turned to Nicole as she entered into the room. Mas lalong nagliyab ang galit ko kanina at konti nalang ay parang gusto ko nang manakit.
"But anyways I know naman na you're maarte and wala na akong magagawa diyan but I just want you to know that your hubby is already here."
"Don't you dare touch my husband! Huwag na huwag mo siyang sasaktan Nicole sinasabi ko sayo."
Nicole laughed and she went near to me. She grabbed my hair at napatingala nalang ako. I endured the pain at kung hindi lang nakatali ang kamay ko ay kanina ko pa siya sinampal.
"Of course I will not kill him. Alam mo kung bakit ko siya pinapunta dito? Gusto kong makita niya kung papaano kita papatayin. Isn't it a wonderful show?"
"Baliw ka na Nicole! Baliw ka na!"
Sumigaw ako at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Pilit kong kumawala sa pagkakatali pero sobrang higpit nito at pakiramdam ko ay nasusugatan na ang mga kamay ko.
"Nicole! Let go of my wife!"
A familiar voice echoed into the room and I saw James. Mas lalo akong napaiyak dahil hindi ko kayang tanggapin na kailangan pa niyang madamay sa gulong 'to.
"Oh hi baby. Masyado ka na namang galit diyan."
James looked at me as if he's also in pain because of my current situation. Lalapit na sana siya sa akin pero hinarangan siya ng investigator at saka tinutukan ng baril sa gilid.
"Please, huwag niyo siyang sasaktan. Please."
Wala na akong nagawa kung di ang umiyak. I hate it that I look like a hopeless case in front of my husband when in fact I should be the one who's saving him and not the other way around. James is still not in his good state. Mahigpit na bilin sa akin ng doctor na dapat hindi siya maistress at dahan dahan lang sa pagkwento tungkol sa mga nangyari dati.
"Alam mo Nadine hindi naman kasi dapat tayo aabot sa ganito eh. Kung tutuusin ikaw lang din ang may kasalanan kung bakit nandito tayo ngayon. Dapat ikaw yung nawala eh pero dahil sa putanginang pagmamahal ni James sayo, tingnan mo anong nangyari. He lost his memories. Thanks to you Nadine."
Mas lalo akong naiyak dahil naalala ko kung ano ang nangyari dati. Dapat hindi nalang ako nagalit kay James at naunang maglakad palabas ng opisina niya. Sana pinakinggan ko muna siya bago ako nag-inarte at tumawid bigla sa kalsada. Sana ako nalang yung nasagasaan at nawalan ng alaala. Sana ako nalang yung mawala.
"That one night when you had a fight dahil masyado kang nagpapaniwala sa mga naririnig mong kwento and you made a scene kasi nag walk out ka. That moment I was ready to kill you but since James loves you so much, sinagip ka niya kaya siya yung nasagasaan."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Nicole. Paano niya nalaman ang nangyari? Ang tanging alam lang naman niya ay nasagasaan si James pero hindi niya alam ang rason.
Is she?
"And yes Nadine. I was the one who drove that fucking car. Sinisisi kita kung bakit kailangang si James pa ang magdusa. Ikaw na sana yun that was already close but he chose to save you Nadine. Ikaw kasi ikaw ang mahal niya and I am so stupid for forcing myself to him to the point that I was already desperate to have him for myself."
Hindi ko alam kung anong sasabihin dahil sa mga naririnig ko ngayon. After all the investigations I did on my own just to find the suspect, nasa harap lang pala namin. Kung nalaman ko lang sana hindi na umabot sa ganito.
"Hindi naman kasi dapat ganito Nadine. We were so happy but then you came at inigaw mo si James sa akin."
Umiling ako at patuloy na lumandas ang mga luha sa pisngi ko. "Hindi ko inagaw si James sayo Nicole. He already left you because you cheated on him! Nasaan ka ba nung nasasaktan siya dahil nakita ka niyang may kahalikan sa labas ng bar? Nasaan ka nung sinabi mong pupunta ka sa anniversary date ninyo pero hindi ka nagpakita? Nasaan ka nung umiiyak at lasing na lasing si James dahil nabasa niyang may good morning at I love you galing sa ibang lalaki? Diba hindi mo alam lahat ng iyan kasi ako yung nandoon para sa kanya nung panahong kailangan ka niya."
Nakita kong namumula na ang mata ni Nicole dahil naiiyak na siya. After all this time ako yung nasa tabi ni James kaya wala siyang karapatang isumbat sa akin na inagaw ko siya sa kanya dahil hinding hindi ko yun kayang gawin sa kanya. Hindi ko kayang agawan ang sarili kong kapatid.
"Alam mo tama nga yung sinasabi nila sa tuwing may okasyon sa bahay natin dati. Si Nadine yung mabait na anak ng mga Lustre samantalang si Nicole ay ang kabaliktaran. Buong buhay ko pakiramdam ko inaagaw mo lahat sa akin. All the love, the attention. Everything. Kaya alam mo ba nung naging kami ni James pakiramdam ko ang laki na ng lamang ko sayo kasi naisip ko may mga bagay ka pa rin palang hindi kayang makuha. But I was wrong. Nadine gets what she wants kaya naagaw mo nga si James sa akin."
Bago pa ako makasagot ay lumapit na sa akin si Nicole at tinutukan ako ng baril. Napapikit ako at napadasal nalang na sana kung ano mangyari ay ligtas si James.
"Ngayon James, mamili ka sa amin. Ako o si ate?"
Pilit na lumapit si James pero pinigilan siya ng investigator. Alam kong nagagalit na siya dahil namumula na ang leeg niya. Sumenyas ako kay James na huwag nang lumapit pero nagulat ako ng biglang inagaw ni James ang baril ng investigator at binaril niya ito. Napabagsak ang investigator at kaagad na lumapit sa amin si James at tinutukan ng baril si Nicole.
"Kalagan mo si Nadine or you want me to kill you."
Hindi na umangal si Nicole at tinanggal na kaagad ang pagkakatali ko. Hindi pa rin binibitawan ni James si Nicole hanggang sa nakatayo na ako. Tinulak ni James si Nicole at kaagad akong niyakap pagkatapos.
"Let's go out first okay? Tara na."
Tumakbo na kami ni James palabas pero bago pa namin maisalba ang mga sarili namin, we just found ourselves lying on the floor with our own blood.
BINABASA MO ANG
Our Universe
FanfictionEverything was perfect for James and Nadine but not until he had forgotten everything. The life he had with Nadine, the love and the memories they had were all wiped out. Can the heart still remember what the mind had forgotten? 31st of OCTOBER 20...