Sixteen
Nagising ako nang naramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I saw how the curtains were now open because of my dorm mate Mika. What's her problem?
"Mika ano ba inaantok pa ako! Ang aga mong nagising wala namang pasok!" Reklamo ko
"Good morning beh! Gumising ka na diyan kasi may lakad tayo today!"
Padabog akong umupo sa kama at tiningnan ang wall clock sa loob ng kwarto namin. It's still eight in the morning and seems like Mika is preparing for something big and good today.
Anong meron?! I just want to sleep!
"Pag uwi ko kagabi tulog ka na eh. Gigisingin sana kita para sabihin na may lakad tayo kinabukasan pero ang aga mong natulog kaya hindi nalang kita ginising. Bait ko diba?"
Umirap ako sa kanya at kinuha ang isang hair tie na nasa mesa para matali ang buhok ko. I checked my phone and I saw some messages from James. Medyo napatulala pa ako sa screen at nag-iisip kung dapat ba akong mag reply o hindi.
"Hoy gising ka nga diyan pero tulala ka! Ano na?"
Umiling lang ako at saka tumayo para makapunta sa tukador namin. "By the way anong oras ka na nakauwi kagabi? Siguro kakauwi mo lang no?" I said.
"Grabe ka naman! Hindi ah! Uhm mga 12:01 am ata yun?" Sabi niya sabay tawa. Napairap nalang ako at napailing dahil sa kapilyuhan ni Mika.
Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas kami ni Mika para mag breakfast sa malapit na fast food chain dito banda sa dorm namin. Tinatamad kasi kaming magluto kaya dito nalang kami kakain.
"What's our agenda for today Mika? It's supposed to be our rest day before the graduation. Ano na naman ang binabalak mo?"
Ngumiti siya habang hinahalo ang spaghetti na nasa plato niya. "Well Bret decided to have a mini party later with our squad. You know since we're all graduating, he decided to make it a one party with us. Isn't it exciting?"
Oo nga pala kaming lahat sa grupo namin ay magtatapos na sa kolehiyo at di ko maiwasang hindi mapangiti. After how many years we're now ending our academic career together given na ang mga kurso ng mga kaibigan ko ay hindi biro. Masaya akong napagtagumpayan at napanindigan nila ang giyerang pinasok nila.
"By the way James will be there as well. Iniinform lang kita since yung boyfriend ko yung may pakana ng party mamaya at syempre magkaibigan tayo edi nandun talaga yun."
I know at hindi naman ako ganun ka close minded para lang hindi papuntahin si James sa party. Ang babaw ko naman kung hindi ako pupunta just because James will be there.
To be honest I'm not mad at him it's just that I'm afraid that I'll destroy his name and his reputation while he's with me. Hindi naman ako ganun ka worth it para lang masira yung pangalan niya dahil sa issue ko.
Or is it really an issue in the first place?
Umuwi kami sa dorm pagkatapos at naghanda nalang ako kung ano ang susuotin ko mamaya para hindi na ako mahirapan pa.
"Mika what do you think? Okay na ba ito?" I said while I am busy looking at my own reflection at the mirror. Napalingon ako sa kanya nung nahuli ko siyang tumatawa habang nagtitipa ng message sa phone niya.
Of course sino pa ba ang ibang kausap nito?
"Hoy Mikaela Bianca! Kanina pa kita tinatanong kung bagay ba sa akin yung damit para mamaya! Kanina ka pa diyan sa cellphone mo para kang baliw na tumatawa mag-isa!"
"Bagay naman sayo lahat Nadine. Diyos ko kahit magsuot ka pa siguro ng sako diyan you'll still get the attention of the crowd kaya if possible wag mo na masyadong gandahan te!"
BINABASA MO ANG
Our Universe
FanfictionEverything was perfect for James and Nadine but not until he had forgotten everything. The life he had with Nadine, the love and the memories they had were all wiped out. Can the heart still remember what the mind had forgotten? 31st of OCTOBER 20...