Nine

577 21 3
                                    

Nine

Pumasok ako sa school na inaantok at halos hindi maibukas ng maayos ang mata. Paano ba naman kasi hanggang sa pagtulog kagabi iniisip ko yung nangyari pagkatapos ng defense namin ni James.

Humigop ako sa mainit na kape na binili ko sa 7/11. Sana naman magising ako ng kapeng iniinom ko. Ayoko pa namang maging sabaw ngayon since halos lahat ng subjects ko ngayon ay major subjects.

"Hoy babaeng biglang hindi sumasagot sa mga tawag ko kagabi! Anong nangyari sayo?!"

Napatalon ako ng biglang sumulpot si Mika sa likod ko. Napairap nalang ako at humigop kaagad sa kape ko.

"Ay hala grabe siya o! Meron ka ba ngayon?! Ang sungit sungit mo ah?!"

Kumapit siya sa braso ko at muntik pa akong masamid dahil sa biglaang ginawa niya.

"Kulang ako sa tulog. Huwag mo akong aasarin ngayon wala ako sa mood."

Tumawa siya dahil sa sinabi ko at kinurot ang pisngi ko. I'm very sure Mika and I can vibe but except for this situation right now. Umirap ako sa kanya at uminom ulit sa kape ko.

Well, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising at sa kinulang sa tulog.

When I arrived in our assigned room, I decided to scan first my previous notes kasi baka may biglaang quiz or oral recitation. Mahilig pa naman yung Ethics Professor namin ng ganun.

"Hey."

Tamad akong tumingala at tiningnan ang taong tumabi sa vacant seat sa gilid ko. It was Joseph sweetly smiling at me.

"H-hi." Tipid na bati ko.

"I bought you some pancakes. Sure akong hindi ka na naman nakapag breakfast."

Nagulat ako kasi may dala nga siyang paperbag galing sa isang fast food chain. Narinig ko kung paano magwala ang aming mga kaklase para sa subject na 'to at kung paano nila ako tinutukso kay Joseph.

Medyo nahiya na ako kaya kinuha ko nalang kaagad ang paper bag. Joseph doesn't need to do this kind of stuff. Well, I mean he's not obliged either.

"Salamat Joseph but you don't have to."

"But I want to." He just smiled at kinuha na ang kanyang notebook galing sa bag niya.

Himala at hindi naging late ang aming propesor para sa subject namin ngayong umaga. At kagaya nga nang sinabi ko kanina, tama nga ang hinala ko at may biglaan nga siyang pagsusulit na ibinigay sa amin.

40 items "short" quiz and a graded recitation.

Parang mas lalo akong napagod dahil sa unang klase ko palang sa araw na 'to ay grabe na ang naging gawain. Mabuti nalang ay nagkamali lang ako ng tatlo at naisagot ko naman yung tanong na naibato sa akin.

"Grabe talaga si Sir walang patawad! Saan ba banda ang short sa 40 items?! Nakakaloka!"

"Oo nga tapos pinagsabay pa niya ang oral recitation natin! Ugh God my brain cells!"

"Stop it Jamie. Wala kang ganun."

At nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa mga pang-aasar nila. Napangiti nalang ako habang nililigpit ko ang aking mga gamit. Paalis na sana ako kaso mukhang alam ko na ang gagawin ng mga babaeng kaklase ko sa Ethics.

"Hetong si Nadine nasagot niya kanina yung tanong ni Prof tas tatlo lang ang mali sa quiz. Iba ba ang epekto ng pagmamahal sayo ni Lagdameo?"

"Oo nga Nadz. Grabe ka! Ikaw na girl! Iba talaga kapag inspired."

Our UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon