The loud music and the party lights were evident as James was still find a spot to park his car. Mukhang nagkakasiyahan na sa loob dahil marami na ding sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bahay nila Bianca.
James went out first and opened the door for me. I fixed the hem of my dress as I went outside his car as James was silently waiting for me.
"Shall we?"
Tumango ako at ngumiti sa kanya saka niya pinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Medyo nagulat ako sa ginawa niya kaya napatingin ako sa kanya habang cool lang ang expression niya.
Ang unfair. Mamamatay na ako sa heart attack pero siya chill lang.
"Hey there they are!"
Binati kaagad kami ng mga kaklase namin at agad napansin ang kamay ni James na nasa bewang ko. Tinampal pa ako ng mga kaklase kong babae dahil pati sila ay kinikilig.
"Bro, hindi naman yan mawawala. Sayong-sayo na yan!"
Umiling lang si James sa sinabi ng isang kaklase namin at pumunta na sa loob. Hinanap ko si Bianca pero maraming tao sa kanilang living room kaya medyo hindi ko mahanap.
Habang busy ako sa kakahanap kay Bianca, napansin ko ang mga barkada ni James na lumapit sa kanya. Nilingon ako ni James at medyo nakuha ko iyong ibig sabihin niya.
"Ok lang Love. Sumama ka muna sa kanila."
"Are you sure? How 'bout you?"
Hinawakan ko siya sa balikat niya at ngumiti. "I'll be fine James. I'll just find Bianca."
Tumango siya at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi. Narinig ko pa yung hiyawan ng mga kaibigan niya dahil sa ginawa niyang paghalik. Medyo uminit ang pisngi ko dahil hindi ko iyon inaasahan.
Sumama si James sa mga kaibigan niya habang ako ay hinahanap kung nasaan si Bianca. Habang sinusuyod ko ang bahay nila ay nakikita ko ang mga ka batch mates namin at minsan ay binibigyan pa ako ng maiinom.
"Thank you." Sabi ko pagkatapos akong bigyan ng mojito. "Have you seen Bianca?"
"Baka nasa garden Nadine."
Tumango ako at dumiretso sa garden nila. Hindi ko ineexpect na ganito pala karaming tao ang dadalo sa party niya. Akala ko kasi maliit lang ang batch namin pero hindi pala.
Nang nakalabas na ako, I saw Bianca grilling some barbecue and the like. Hinila ko ang buhok niya at napamura siya dahil doon. Napatawa nalang ako dahil sa naging reaksyon niya.
"You bitch!" Sabi niya habang umaaktong tatapunan ako ng pinggan. "Ang tagal mo naman!" Reklamo niya.
"Anong matagal? Kanina pa kaya ako. Sadyang ang laki lang ng bahay niyo kaya hindi kita mahanap."
Binaba na ni Bianca ang tong na hawak niya at sumama sa akin. Hindi kami ganoon ka close ni Bianca kasi nga si Mika ang best friend ko pero since hindi naman kami magka same course ni Mika, si Bianca yung naging kasabayan ko.
"Yung jowa mo? Kasama ba?"
Tumango ako at parang kinilig siya sa sinabi ko. Napairap nalang ako at tumawa dahil sa naging reaksyon niya.
"Tara doon tayo sa may pool area. Nandoon halos lahat. Masaya doon."
Dinala ako ni Bianca sa may pool area ng bahay nila at hindi nga siya nagkamali sa sinabi niyang masaya doon. The loud music welcomed us and some of our batch mates are already partying like a wild animal.
Binigyan niya ako ng maiinom at tinanggap ko iyon. Hindi naman na ako baguhan sa mga ganitong bagay dahil kapag may oras kami ni Mika ay pumupunta kami sa mga bar para mag party. And besides I know how to control myself.

BINABASA MO ANG
Our Universe
Fiksi PenggemarEverything was perfect for James and Nadine but not until he had forgotten everything. The life he had with Nadine, the love and the memories they had were all wiped out. Can the heart still remember what the mind had forgotten? 31st of OCTOBER 20...