Three
"Sinamahan mo ba siya sa check-up niya kahapon? Ano daw sabi nung doctor? Is he getting better already?"
"Sorry Nadz but I wasn't able to accompany James yesterday. I was busy with some office stuff. Sorry."
I sighed after I heard Bret. Ibig sabihin mag-isa lang si James na pumunta kahapon sa doktor niya. I felt sad thinking that he did it alone without even knowing where and how to go there.
Nag effort talaga siyang alamin kung paano para lang hindi niya ako makasama sa check-up niya.
Thinking that way made my whole system feel low. The feeling of being unwanted by the person you loved and you cared the most. Ganito pala ang pakiramdam ng dahan dahang pinaparamdam sayo na ayaw sayo ng isang tao.
Kailan kaya ako masasanay sa sakit?
I went to our company after I finished processing some stuff. As usual I did some paper works and finished those pending papers that James didn't finished. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit.
As I closed my eyes, I can't help but remember that day where our second interaction happened.
"Hoy sabi ko anong section ka? Hindi ka na naman nakikinig sa akin eh! Kainis ka talaga Nadine!"
"H-ha? Nasa A na ako. Ikaw ba?"
Hindi makapaniwala si Mika nung narinig niya kung anong section ako. Of course even myself cannot believe that I am already in the pioneering section. Is this even true?!
"Puta bakit ganon?! Sabay naman tayong nag-aaral pero bakit hindi na tayo magkaklase at tsaka nasa honor section ka pa talagang bruha ka!"
Natawa nalang ako at pumunta sa may bulletin board para makita kung saang room ako. Hindi ko inaasahan na mapupunta ako sa honor section kasi hindi na ako nag expect na mapasali doon. Basta walang bagsak, okay na ako.
"O sa PL building ako. Ikaw ba?" I asked Mika.
"Sa SD besh. My God magkabilang mundo ba ang drama?!"
Naglakad na kami ni Mika para makapunta na sa classroom namin. Since magkaiba kami ng building ay nagpaalam na kami sa isa't isa at nagkasundo na mag text nalang pag tapos na aming klase.
Habang paakyat ako ay nagulat ako nung biglang may sumulpot sa tabi ko. Napatingin ako at nakita kong si Joseph iyon. He's smiling sweetly to me at ngumiti nalang din ako sa kanya.
"I couldn't believe it. Nasa second semester na tayo. Konti nalang matatapos na natin ang college." He said lively.
Ngumiti ako at hindi maiwasang isipin na sobrang bait na tao ni Joseph kahit na minsan may pagka lapitin ito sa mga babae. I mean he's very nice and welcoming and everytime I see him, I couldn't help but to feel bad about myself. Maybe because I know I am too hard on him and I judged him right away.
"By the way, anong section mo na nga pala Nadine?"
I was drawn back to the present when he called my name. Napatingin ako sa papel na hawak ko saka ako sumagot sa tanong niya.
"A-Ah section A na ako."
He clapped his hands out of excitement and I was confused. He looked so happy and excited when he knew what section I belong.
Di kaya?
"We're on the same room. Finally magkaklase na tayong dalawa!"
Dahan dahan akong tumango at ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko nung nalaman kong magkaklase kami ngayon ni Joseph. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero kasi hindi lang ako komportable na makikita ko siya halos araw araw lalo na ngayon na malapit na ang internship namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/166021825-288-k211770.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Universe
FanfictionEverything was perfect for James and Nadine but not until he had forgotten everything. The life he had with Nadine, the love and the memories they had were all wiped out. Can the heart still remember what the mind had forgotten? 31st of OCTOBER 20...