Hinahanap kaya ako ni Mika? Ano nalang ang sasabihin nung land lady namin kapag nalaman niyang hindi pala ako umuwi?!
"Can you please sit down? Kanina ka pa lakad ng lakad diyan nahihilo na ako!"
"Bakit ba? Sinabi ko bang tingnan mo ako dito?!"
Kanina pa ako nag-iisip ng ibang paraan kung papaano kami makakalabas dito habang ang kasama kong si James ay nakaupo lang sa sahig, nagpapakagwapo.
"Don't stress yourself over something that you cannot even change. Wala ka bang sense of survival skills?!"
Inirapan ko lang siya at napabuntong hininga. Tama din naman siya. Ako lang mapapagod dito kakalakad eh wala din naman akong mapapala dito.
Napaupo nalang ako at mas lalong napabuntong hininga. I gave up!
"Good. That's right. Now, let's just sleep. I'm tired."
Pumikit na si James at tiningnan ko lang siya. He really look so fragile and innocent when he sleeps and I just can't help but stare into this beautifully made creature.
Sometimes, life is really unfair. And James' existence is one living proof about it.
"Done checking out? Malapit na akong matunaw kakatitig mo sa akin."
Halos mapabalikwas ako nung nagsalita siya. Umayos ako sa pagkakaupo at napabuntong hininga. Damn Nadine! Umayos ka nga!
"F-feeler ka ah! Hindi kaya! Ang presko mo!" Angal ko.
"Edi hindi na. Sinabi mo eh."
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Kahit na pagod ako hindi ko alam kung bakit hindi pa ako inaantok. Kanina pa ako nakatunganga dito samantalang ang kasama ko ay natutulog na siguro.
"Tell me about yourself. Let's get to know each other."
Nagulat ako nung biglang nagsalita si James. Napalingon ako sa kanya at saktong nakatingin din siya sa akin. Napalunok ako at biglang napausog ng konti.
Puso, kalma lang.
"Bakit atat na atat kang makalabas dito? Anong meron?"
"Siyempre may mga taong naghahanap sa akin. Lowbat na ang phone ko paano papaano nila ako matatawagan? Bakit ikaw ba? I bet Nicole's worried about you."
Tumawa siya pero alam kong plastik iyon. Napakunot ang noo ko at napaisip kung para saan yun.
"How I wish."
"How I wish? Bakit? What do you mean by that?"
Hindi siya sumagot at napatakip nalang ako ng bibig ko. Oh God my bad! Wala na pala sa linya yung pagtanong ko ng dahilan kung bakit. You're such an insensitive woman, Nadine! Control your mouth!
"S-sorry. H-hindi ko sinasadya."
"We already broke up. It's all over between us."
Napalunok ako at parang nasaktan sa sinabi niya. Maybe because I knew all along how James loves Nicole so much.
"She cheated on me and for the record, not only once but I don't know how many times already for God's sake. I know I'm so naive no need to mention it but yeah thats it."
Nagulat ako sa nalaman ko at hindi ko alam kung anong sasabihin. It was unexpected and I don't know if I should comfort him or what?
"S-sorry 'bout that." Yan lang ang nasabi ko and I saw him smiled weakly.
"I bet that's how life works. No matter how much you give everything that you have to the person you love it will never be enough and I wonder if I was really enough for Nicole."
Dahan dahan kong inangat ang kamay ko at tinapik ko ang balikat niya. Masyado naman atang masakit ang mga sinasabi ni James ngayon. Hindi naman ako brokenhearted pero dama ko siya ngayon.
"Diba naalala mo yung sinabi ko? Maybe you're just asking the wrong person to appreciate all of your efforts. I may not know the whole story but I feel like you already did your part. Life is just about accepting what happened and how you cope with the pain."
Napatingin lang siya sa akin at hindi umimik. I was the one who looked away first because it felt like it was already getting awkward for us. Napangiti lang si James at napangiti.
"You're really good at this huh? Ilan na ba ang nakasakit sayo at mukhang marami ka nang napagdaanan?"
"Wala? Ay basta! Siguro ganyan lang talaga ang trabaho ng mga single. Magbigay ng mga advice akala mo naman nagka boyfriend na."
"Wait, what? You're single? I thought you and Joseph were together?"
Napatawa ako at napailing. Seryoso? Bakit naman niya maiisip ang ganun?
"Hindi ah! Magkaibigan lang kaming dalawa at tsaka halos magkaklase kasi kami sa mga subjects ngayon kaya palagi kaming magkasama."
Nagkibit balikat lang siya at mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Ay ewan basta yun na. Matulog ka na nga lang James kung saan saan na tayo umaabot eh."
Pumikit nalang ako at pinilit ang sarili na matulog. Paminsan talaga naiinis ako sa sarili ko sa sobrang daldal. Nakakahiya hindi pa naman kami ganun ka close ni James.
"Hey. Hey Nadine wake up."
Kinusot ko ang mata ko at napatingin sa paligid. Umaga na pala at naptingin ako sa relo ko. Alas sais na ng umaga!
"Kayong mga bata kayo! Kung anu-ano nalang ang ginagawa ninyo sa buhay ninyo! Dito pa talaga sa lugar kung saan dapat mag-aral! Kayo talaga!"
Napataas ako ng kilay dahil sa sinasabi nung janitor namin. Kuya kung alam mo lang ikaw yung nag lock sa amin dito! Kainis ah umagang-umaga!
"Don't mind it. Just get your things so we can go home already."
Bulong sa akin ni James at kinuha na din ang gamit niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at napatingin lang ako sa kanya. Kapag talaga inaantok ako wala talaga ako sa mood.
"I'll be going on this way. How about you? You sure you're fine about it?"
Dahan dahan akong tumango at tipid na ngumiti kay James.
"S-sige alis na ako." Paalam ko at tumalikod na pero bigla niya akong tinawag ulit.
"Nadine!" Napalingon ako at napahinto ulit.
"T-thanks for your words last night. It somehow made me feel better. Thank you."
And in that moment it felt like there was a party going on inside of my tummy. Is this what they call butterflies in your stomach?
"W-walang anuman. S-sige ha alis na ako. I-ingat ka."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at tumalikod na ako kaagad at umalis na. Baka kasi makita niya ang mala kamatis sa pula na mukha ko.
Buong araw iyon lang ang nasa isipan ko. I'm kinda happy that what I have with James is way better than before. But, there this small portion of me where it felt like it is not appropriate to be this close to him knowing his current situation.
Ay ewan ko. Bahala na basta alam ko sa sarili ko wala naman talaga akong ibang intensyon at wala naman akong ginagawang masama. Maybe that will be an enough reason that I should not feel this way.
BINABASA MO ANG
Our Universe
FanfictionEverything was perfect for James and Nadine but not until he had forgotten everything. The life he had with Nadine, the love and the memories they had were all wiped out. Can the heart still remember what the mind had forgotten? 31st of OCTOBER 20...