Six

601 13 1
                                    

Dumaan ang ilang araw at naging busy na ang lahat dahil na din sa nalalapit na finals at sa bawat araw na iyon mas naging malapit kami ni James sa isa't isa.

And credits to our professor for giving us this shitty research paper.

Halos araw araw kaming magkasama ni James para gumawa lang ng research. Blessing in disguise as what I call this one pero kahit na sobrang nahihirapan at pagod na kami dahil sa paper works na 'to, mas nagkaroon pa ako ng chance ma kilalanin ang taong 'to.

"Okay class dismissed. Don't forget to pass your projects next week."

Hinilot ko kaagad ang noo at leeg ko pagkatapos lumabas ng prof namin sa classroom. Today is such a long day for me at pagod ako. Napayuko nalang ako sa arm chair ko at parang gusto ko nalang matulog dito.

Habang nasa ganung posisyon ako, nagulat ako ng biglang may tumapik sa ulo ko. I was really thinking that that was Mika goofing around kaya tinampal ko kaagad yung kamay at nagulat ako sa naging reaksiyon pagkatapos ko siyang tampalin.

"Ouch! Grabe ang bigat ng kamay mo!"

Napatayo ako at nakitang hindi pala si Mika iyon kung hindi si James. Deep inside I was silently panicking kasi alam kong mukha akong dinaanan ng ilang bagyo dahil hindi pa ako nakapag-ayos simula kanina.

"It's already late in the afternoon but your face says good morning, huh."

Tumawa si James pagkatapos niya akong asarin. Napanguso nalang ako at agarang itinali ang buhok ko. I made it into a messy bun para hindi magulo kakalipad dahil sa hangin.

"Are you not feeling well? It's kinda strange coz you're not talking. Nakakapanibago."

Nilagay ko sa bag ko ang mga gamit na natira sa desk ko habang nanunood lang si James sa ginagawa ko. Wala ng ibang tao dito sa loob ng classroom kaya tanging ingay lang ng mga gamit ko at ingay ng aircon ang ibang maririnig dito sa loob.

"Wow ha? Ganoon na ba ako kadaldal? Inaantok lang ako kaya wala ako sa mood."

He just slowly nodded and he playfully smiled as if he's not convinced with what I said. I rolled my eyes on her at saka siya tumawa. Ano bang meron ngayon at bakit inaasar ako nito?!

Lumabas na ako ng classroom at binilisan ang paglalakad ko para makauwi na. Hindi ko alam kung bakit sumusunod pa rin sa akin si James at kung anong gusto niya.

Don't tell me ha na nagkaka crush na 'to sa akin kung kailan nag momove on na ako?!

But of course that will be in my wildest dreams.

"Where are you going?"

Napataas nalang ako ng kilay dahil sa tanong niya. Seriously?! Anong trip nitong lalaking 'to?!

"Uuwi? Malamang! Saan pa ba pagkatapos ng klase? Edi sa dorm?!"

"Have you forgotten? We're supposed to continue our thesis paper? Baka nakakalimutan mo na next week na ang defense?"

Napabuntong hininga ako at mas lalong nanghina. Akala ko pa naman makakapagpahinga na ako ngayong araw pero parang hindi pa pala.

"Let's go."

Nauna na siyang maglakad papunta sa direksyon kung saan ako umuuwi. Nagtaka ako kung bakit at nag-isip kung saan ba niya planong gumawa ng thesis.

"Hoy bakit diyan ka papunta?"

"Obviously we're on our way to your dorm. Doon tayo gagawa."

"Excuse me pero bawal ang lalaki sa dorm namin. Bumalik nalang tayo ng school at sa library nalang natin tapusin."

Our UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon