Thirteen
"I just want you all to know that outside of these corners of our university lies the reality. Don't be afraid to chase your dreams and do the things you are passionate about. This is not goodbye because there will surely be a next time. Congratulations everyone! You made it to the finish line! Happy graduation in advance!"
Everyone clapped and some of us were crying. Napapaluha nalang din ako dahil sa kanila. Our professor who just made her speech went to us and we did a group hug. Kahit na minsan may pagka strikta 'tong teacher namin hindi naman siya nagkulang sa mga pangaral na maaring dalahin namin paglabas namin sa unibersidad na ito.
"At dahil umiiyak na halos kayong lahat, magpicture tayo." She announced and everyone laughed.
Nagtawag si Ma'am Gomez ng janitor na napadaan sa labas ng classroom at ibinigay ang kaniyang cellphone. Pumwesto kaming lahat sa harap, ngumiti at nag wacky pose. Pagkatapos nun ay nagkagulo kami para tingnan ang mga litrato.
"I'll just send this in your class email so that you can have your copy. So for the last time I'll have to say this, class dismissed."
Halos humiyaw ang lahat dahil sa huling sinabi ni Ma'am. I just can't believe it that after how many years of sleepless nights and for everything, tapos na ako. Natapos ko din. Magtatapos na ako sa kursong gusto ko.
"Hoy mga kupal! Pumunta kayong lahat mamaya sa party ha! Ang hindi pupunta hindi makaka graduate!" Anunsyo ni Bianca na siyang nagpasimuno ng thanksgiving party namin.
"Oo nga wag na pabebe ha. Last na 'to kaya pumunta kayo!"
Bianca who initiated to have a house party later tonight invited almost half of the Seniors under our course. Hindi ko nga alam paano niya napapayag ang parents niya since halos alam ng lahat na strict din ang mga ito.
Naglabasan na kaming lahat sa classroom at nagpaalam sa isa't isa. Inaya ako ng ibang mga babaeng kaklase ko na sumama sa mall para mamili ng susuotin mamaya sa party pero tumanngi ako. I have other plans to do for this day.
"Happy graduation baby!"
Napangiti kaagad ako nung nakita ko si James sa labas ng classroom at may dalang isang box ng paborito kong chocolates. He immediately hugged me and wrapped his arms on my waist and gave me a kiss on my lips.
"Love! Baka makita tayo hindi pa tayo maka graduate!" Biro ko kasi PDA ang ginagawa namin.
"Hindi ah. Mabilis lang kaya yun." He said and pouted his lips.
Umalis ako sa pagkakayakap niya at inilagay sa bag ko ang binigay niyang chocolates. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Hinila ko na siya para makapunta na kami sa parking pero pinigilan niya ako.
"Wait let's have a picture first baby. Our last day here in our beloved University wearing our school uniform."
Napatawa nalang ako dahil sa mga kalokohang naiisip ni James. Kung sabagay I cannot blame him coz he's into photography and besides tama nga siya. Ito na ang huling araw na maisusuot namin ang aming uniporme. Next week kasi civilian nalang para sa aming graduation practices.
Nagpicture kaming dalawa gamit ang camera niya at ang polaroid niya. Inutusan niya pa yung dumaan na estudyante para lang makuhanan kami ng litrato. Nagulat ako nung sa isang shot ay kinarga ako ni James kaya medyo napatili ako nun.
"Thank you bro." Pasalamat niya dun sa nag picture sa amin.
Tiningnan namin yung mga litrato habang nakangiti. Sobrang nakakagaan sa feeling na sabay kaming magtatapos ng taong mahal ko.

BINABASA MO ANG
Our Universe
FanfictionEverything was perfect for James and Nadine but not until he had forgotten everything. The life he had with Nadine, the love and the memories they had were all wiped out. Can the heart still remember what the mind had forgotten? 31st of OCTOBER 20...