Fifteen
"Sige break muna. Be back here after thirty minutes."
Nagsitayuan ang lahat ng mga estudyante pagkatapos inanunsyo ng isang professor na may break sa graduation practice namin. Tumayo na ako at agad akong sinalubong ni Mika.
"Biyernes Santo te? Bakit ganyan ang face natin ngayon?"
Umiling lang ako at inaya siyang lumabas ng gym para makapunta kami sa cafeteria. Hindi pa rin matanggal ang alis ni Mika sa akin at napabuntong hininga nalang ako.
"I heard what happened at Bianca's party. I'm sorry Naddie wala ako doon edi sana may kasama ka."
Umiling agad ako at pilit na ngumiti. "No, no ano ka ba Mika wala ka namang kasalanan its just that-"
"You're hurt even though that was not true? C'mon Nadine don't feel sorry about yourself. Alam naman natin lahat kung ano yung totoo hindi ba?"
Alam ko nga kung ano yung totoo pero hindi ko naman maiiwasang isipin kung ano yung magiging tingin ng ibang tao sa akin.
"Okay fine given na na gusto mo nga si James pero hindi mo naman siya pinilit na mahalin ka niya and for the record hindi mo rin naman pinilit ang sarili mo sa kanya diba? James fell in love with you because he loves you not because you flirted with him."
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Mika. I'm thankful to have this kind of best friend who knows how to lift up your feelings whenever you're down. That's why I love Mika and I wouldn't trade this tackless woman to any friends that I met.
"Kaya kung ako sayo Nadine sagutin mo na yung mga tawag ni James. He keeps on calling me asking where are you and what are you doing. Mukha tuloy akong informer nito."
Ngumiti lang ako sa kanya at pumasok na kami sa cafeteria. I guess I need more time for myself in terms of contemplating if this is really right or not. Hindi pa ako handa sa ngayon na harapin si James. I'm just too embarrassed.
Pagkatapos nung nangyari sa party, alam kong nag-iba ang paningin ng iba sa akin. Yung mga taong naniwala agad sa sinabi ni Nicole just because she's the Nicole Fortalejo. Kung anong ginagawa niya everyone praises her. Kung anong sasabihin niya paniniwalaan naman ng lahat.
Paano naman ako? Paano yung katotohanang hawak ko?
And I feel sorry for James kasi nadadamay siya dito. Alam ko na kung anu-ano nalang ang iniisip ng mga tao sa kanya. Baka ginawa niya lang daw akong panakip butas, baka hindi talaga niya ako mahal, baka hindi pa talaga niya nakakalimutan si Nicole.
Ayoko ng ganun. Ayokong masura siya dahil lang sa akin. Sino naman ako sa tingin ko para sirain ang isang James Reid? I'm just a nobody. I'm just ordinary. That's why as early as now I want to fix everything and I hope I can do it. I hope my heart will not betray me.
"Saan kayo pagkatapos ng graduation natin? Magbabakasyon ba kayo?"
"Oo kasi yung Tita ko niregaluhan ako. All expense paid daw eh."
"Taray naman niyan girl! Eh ikaw Nadine? Anong plano mo?"
Plano ko? Pumuntang sementeryo pagkatapos ng graduation ko para ipakita ko kanila Mama at Papa na iyong nag-iisang anak nila ay naging matagumpay.
"Wala. Siguro bibisitahin ko lang magulang ko."
Medyo natahimik sila dahil sobrang layo ng sagot ko kumpara sa kanila. Pero sa totoo lang excited na akong humarap sa mga magulang ko suot yung itim na toga at ang aking medalya dahil alam ko magiging masaya sila para sa akin.
I lost my parents when I was nine years old. It was because of the fire that burned our house before. And because of me, they were gone. Kung sana hindi lang nila ako binalikan ulit.
BINABASA MO ANG
Our Universe
FanficEverything was perfect for James and Nadine but not until he had forgotten everything. The life he had with Nadine, the love and the memories they had were all wiped out. Can the heart still remember what the mind had forgotten? 31st of OCTOBER 20...