Twenty Five

508 13 2
                                    

I woke up when I felt someone's caressing my face.

"Hi. Good morning. Sorry if I wake you up."

James with his husky voice greeted me as I woke up the next day. Kinusot ko ang mata ko at nakita ko si James na nakatingin sa akin habang nakangiti.

"Sorry. I know I look like a mess." I said and tried to hide myself on our comforter but he stopped me to do so. Instead he laughed and kissed me on my forehead.

"Ngayon ka pa ba mahihiya, Mrs. Reid?"

I blushed with what he said because I remembered what happened last night. It's been months since we did that and I don't know what to feel about it.

"You're really cute when you're shy." He added.

Ngumiti lang ako sa kanya at niyakap siya. Kung pwede lang ganito buong araw. Yung hindi na papasok sa opisina just to spend the rest of the day with my love.

Hindi ko na alam kung ilang oras kaming nakahiga lang sa kama at nagkwentuhan tungkol saan. I never felt so happy like this before pero sana hindi na ito bawiin sa akin. Hindi ko ata makakaya kung mangyari yun sa akin.

"Hatid na kita sa office."

Palabas na ako ng bahay namin pero kinukulit pa rin ako ni James na ihatid ako sa opisina. Nilingon ko siya at ngumiti at saka hinawakan ang kamay.

"James, kaya ko na okay? You should take some rest here okay? Uuwi rin ako kaagad pagkatapos."

Bumuntong hininga siya at saka tumango. Niyakap niya ako at napangiti nalang dahil sa ginawa niya. Ang clingy talaga nito kahit kailan.

"Yeah you're right. Kailangan ko nga magpahinga kasi pinagod mo ako kagabi." He said.

Tinampal ko ang braso niya at naramdaman ang pag init ng pisngi ko. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kagabi. My God Nadine you're mind!

I bid my goodbye to him and he kissed me on my lips. Pumasok akong masaya at sana magtuloy tuloy na. Ayokong masira ang mood ko ngayong araw.

"Ang puta ang fresh naman nitong babaeng 'to! Skincare mo te?"

"Skincare ka pa eh sex lang katapat niyan."

Pinandilatan ko sina Kiana at Barbie dahil sa pinagsasabi nila. We're getting ready here in our conference room kasi may meeting mamaya and here they are asking me about some personal stuff.

Nakakahiya.

"Saya ka ah? Sana always."

Ngumiti lang ako at napailing. It's true. Yung saya ko ngayon pakiramdam ko walang paglagyan kasi kahit na alam kong hindi pa natatapos yung mga issue sa paligid namin, atleast little by little James and I are almost back just like how we used to be.

"Pero alam mo ba Ki natatakot ako. Alam mo yun? These what ifs. It's scary."

"Andiyan ka na naman napaka best in overthinking mo talaga. Diba nga sabi ko sayo seize the moment? Masyado kang nega ha."

Napabuntong hininga lang ako at napasandal sa upuan ko. This is what I hate about myself. Ako lang din kasi yung sumisira sa sariling kaligayahan ko dahil sa kung anu-anong naiisip ko. But I just can't help it. Nagiging open lang naman ako sa mga possibilities and at the same time nagiging realistic.

Because I know life is not always about the sweet moments with the people close go your heart. Sometimes life will make you hate everything and you'll just have to learn from it the hardest way possible.

"O anong balita na doon sa investigator na kinuha mo? May progress ba?" Kianna asked.

Isa pa 'to sa mga iniisip ko. May progress naman kaso hindi alam ni James itong tungkol sa sariling imbestigasyon na ginagawa ko kasi ang pagkakaalam niya ay tapos na ang kaso.

"Magkikita kami mamaya. May lead na daw siya sa akin."

Thinking about the news that the investigator will tell me, I got anxious and nervous at the same time. Ang daming hinala sa isip ko at sana hindi tama itong mga naiisip ko.

"Well, good luck Nadz. I know justice will prevail."

I smiled to assure Kiana that I am fine. Kinuha ko ang phone ko para mag send ng message kay James na matatagalan ako ng konti sa pag-uwi. Nangako pa naman akong uuwi agad ako pagkatapos ng mga gagawin ko dito.

"Please just send me the file later and I will look at it. Salamat Barbs."

"Sure sure. Ingat ka sa alis mo ha."

Umalis na ako sa opisina at papunta na sa lugar kung saan napag-usapan namin ng investigator. Hindi naman ganun kalayo galing sa opisina kaya hindi nagtagal ay nakarating na ako.

Naghanap muna akong parking sa may basement at nung nakapag park na ako ay lumabas na ako ng sasakyan. Just when I'm about to enter the building I saw a familiar stance near the entrance of the restaurant.

"Nicole?!"

And the next thing I knew, everything went black.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi it's been awhile and sorry for this long overdue update hehe. Ngayon lang ako medyo nagkatime to write a full blown story and medyo nahihirapan ako to continue this kasi nasanay ako sa twitter serye na maliit lang and hindi ganun kahaba.

I know this is somehow a fluff update hahaha sorry I somehow lost track on the plot but don't worry, I'm about to finish this one soon yaay! I hope you enjoyed reading this chapter and if you have time check my twitterseryes as well hehe!

Thank you and God bless! Love lots xx

Our UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon