-

421 13 1
                                    

"Bilisan mo na kasi diyan ang bagal mo naman!"

Dali dali kong niligpit ang mga gamit ko at wala na akong pakialam kung maayos ko bang naipasok lahat. Kanina ko pa sinasabihan si Liam, yung kaibigan ko na bilisan sa pagliligpit dahil malapit na magdilim.

"Alam mo ikaw pare-pareho lang naman yung hitsura ng paglubog ng araw pero parang naninibago ka pa rin ngayon."

Hindi ko na siya sinagot at parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko dahil naalala ko ulit kung anong meron ngayon.

"Ay ewan ko sayo bahala ka. Sumunod ka nalang sa akin kung gusto mo akong samahan."

Hindi ko na nahintay ang pagsagot ni Liam at tumakbo na ako ng mabilis sa may gate at pumara ng taxi. Sana lang talaga hindi traffic para maabutan ko yung gusto kong makita.

Habang nasa loob na ako ng sasakyan ay tumunog yung alarm ko. Hudyat na limang minuto nalang ang natitira bago lumubog ang araw.

"Please. Sana makaabot ako."

Tanging mga salitang naibulong ko sa sarili. Hindi nagtagal ay nakikita ko na ang pamilyar na lugar at nabuhayan ako ng loob dahil nandito na ako. Agad akong kumuha ng pera sa pitaka ko at ibinigay iyon sa driver. Hindi ko alam kung may sukli pa ba pero agad na akong lumabas ng taxi at tumakbo ulit papasok.

"Ma."

Agad na nangilid ang luha ko nung nasilayan ko ang paglubog ng araw. Daan daang alaala ang nasagi sa isipan ko habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Napaupo nalang ako sa buhanginan at agad pinunasan ang mga takas ng luha sa aking pisngi.

"Ang ganda talaga."

Naalala ko si Mama. Dito, sa mismong dalampasigan, dito ako dinadala ni Mama at kinukwento sa akin kung gaano nila kamahal ang isa't isa at kung papaano rin sinubok ang pagmamahalan nila ni Papa.

Dito rin sa mismong dalampasigan na pinuntahan ko, dito nawala ang tanging importanteng tao na nagmamahal sa akin bukod kay Papa. Dito, dito binawian ng buhay si Mama. Habang tinitingnan din ang paglubog ng araw.

"Ma, nakikita niyo rin ba 'to ngayon? Ang ganda. Grabe."

Parang hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko dahil sa mga naaalala ko. Espesyal ang araw na 'to sa akin dahil death anniversary ngayon ni Mama at dito mismo sa lugar na 'to ako pumupunta sa tuwing malungkot ako at gusto kong mapag-isa.

Hindi man pinalad sina Mama at Papa na ipagpatuloy yung pagmamahalan nila, atleast ngayon sigurado akong magkasama na silang dalawa at pareho nila akong binabantayan.

Their love will always be my favorite story to tell. It proves that no matter how hard it is, no matter how many struggles you'll encounter, as long as your love for each other is strong and pure you'll still choose to stay and hold on even if it's hard already.

And with that I will always carry James' and Nadine's story here in my heart. I will always carry my parents' greatest love story.

Our UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon