ethereal ; prologue

219 1 21
                                    

rebeldeng otor.

- - - - -

"Gusto mo si V, di ba?" Tanong ni Talia sa akin, at nginitian ko naman siya.

Alam naman yata ng lahat na gusto ko siya? Pero siya hindi niya alam. At higit sa lahat, hindi naman siya ang pinakagusto ko. Kahit na kaibigan pa namin si Jimin, best friend nga ni Charlene, at nagkatuluyan si Charlene at si Yoongi, para bang wala pa din kaming koneksyon kasi hindi niya ako kinakausap at hindi ko rin naman siya kinakausap dahil nahihiya ako.

"Alam naman ng lahat. But I don't deserve him. He's too amazing for me," sabi ko, at si Charlene naman na nasa tabi ko na pala ang ngumiti sa akin.

"Hey, I thought so, too, with Yoongi. Pero tignan mo kami ngayon. He's my lazy ass, and I'm his lazy ass," sabi ni Charlene and I smiled at her. Kung sana lahat tulad nila. Pero nag-aalangan ako.

"Sadyang lazy kayong dalawa. Bagay talaga kayo," sabi ni Hana, kaya naman napangiti kaming lahat. Mahirap na tumawa. Matalim dila niyan.

"What?" Tanong ni Charlene, at nag-act naman si Hana na wala siyang sinabi.

"Wala talaga akong sinabi. Are you hearing things, Cha?" Sabi ni Hana, kaya naman tinaasan siya ng kilay nito.

"Alam niyo, sabi talaga ni Marione sa akin kanina crush niya si V Monteverde. Naniniwala ba kayo sa akin?" Sabi ni Chisae, kaya naman I looked at her with narrowed eyes.

"Sino nagsabi sayo na magsinungaling ka? Gusto mo bang hindi kita papasukin sa kwarto ko? Bawal ka na din makikain sa cookies ko?" Sabi ko, at agad naman siyang umiling.

"Wala talaga akong sinabi. Manood na nga lang tayo," sabi ni Chisae, at nagsmirk naman si Charlene.

"Bahala kayo dyan." Sabi ni Charlene, at pinlay na yung pinapanood naming video sa TV. Nakaconnect kasi yung laptop niya at nagpplay lang kami ng random vids.

Itinutok ko na yung atensyon ko sa TV, at agad naman na tumambad sa akin ang Bangtan appreciation video. Tumama sa akin ang paningin nila pero inignore ko yun.

Aamin na ako. Sabihin na natin na celebrity crush ko nga si V Monteverde, or talagang crush ko na. Kaso nga lang whenever I look at the pictures of Exo and whenever I watch their music videos, agad na nagdadalawang isip ako.

Nakikita ko si Baekhyun, at agad na pumapasok sa isipan ko yung smiles and laughs niya. At higit pa sa lahat ay pumapasok din sa isipan ko yung kung paano soya kagentleman pagdating sa akin.

And he's actually reachable dahil madalas ay siya pa ang nagyaya na lumabas kami minsan kaso nga lang ay kasama ang buong Exo or ang buong Dreamcatchers.

Pero nandyan din si V na ginugulo ang utak ko kapag nakakapanood ako ng videos niya. But he isn't reachable. He's ethereal. Too ethereal for me.

Too out of this world.

And it doesn't even help na magkahawig sila.

Napansin ko na hindi na pala ako nakakanood sa pinapanood namin, at naubos na ni Chisae ang cookies sa plate ko kaya naman ay agad na akong tumayo para naman ayusin ang laman ng isipan ko.

Isa lang naman ang tao na nakakausap ko kapag ganito.

"Unnies, is it alright if I go out for a bit? May kailangan lang akong bilhin," sabi ko, at tumango naman sila.

"Just remember to take care," sabi ni Charlene, and I nodded while smiling at them.

Nakasuot ako ng cropped na cotton candy pink hoodie and mint green sweatpants. I'm feeling so DC today. Dreamcatchers official colours ba naman.

ethereal ♧ kim taehyung auWhere stories live. Discover now