ethereal ; twenty six - weird but mine

25 1 0
                                    

"Kapag sinabi ko sayong takbo, tatakbo ka. Okay?" Sabi ni Charlene sa akin, and i nodded.

Nasa beach kasi kami ngayon and we held one of those beach parties again. Ewan ko ba kung bakit. This time, hindi naman kami ang naghost kundi ang Bangtan. Kaso nga lang, hindi nakasama ang Exo dahil masyado daw busy ang schedule nila ngayon lalo na sa pagrerecording ang shooting ng teasers ng MVs nila.

Ang nakasama lang namin ngayon ay Bangtan at Seventeen. Yung Starlight kasi, nasa China sila ngayon at nagpopromote ng newest single nila. Nakakainis na nasakto pa. Namimiss ko na sila Hyerim e.

"Anong tatakbo? Bakit mo patatakbuhin yan? May responsibilidad yan!" Sabi ni Jeonghan, habang nakapout pa.

Paano ba naman, kami ang naatasang mag-iihaw ng foods namin. Kami daw ang mag-iihaw dahil sila daw yung magseset up ng tents and kung ano ano pa. Hindi na kami umangal, kaso nga lang ay pinapaalis ako ni Charlene dahil bata daw ako. Hindi naman ako bata pero agree ako na aalis na ako kasi I don't wanna cook e. Bahala sila mausukan dyan.

Minsan talaga having unnies is both a blessing and a curse. Blessing dahil lagi ka nilang poprotektahan samantalang curse dahil madalas kang mautusan at pasahan ng inutos.

Ewan ko ba dito.

"Ani! Walang responsibilidad yan dahil papalitan mo, Jeonghan!" Sabi ni Charlene, and he gasped.

"No! Bakit ako? Wala akong ginawa para maparusahan ng ganito. Hindi ako masama," sabi ni Jeonghan, at tinignan ako. Nagtatawanan naman sila sa background habang V and Mingyu are holding me hostage para hindi makatakas sa obligasyon.

"Mga madaya! Anong wala? You took my shampoo! The whole bottle, Hannie! The whole bottle! For your information, maiksi na ang buhok mo!" Sabi ni Charlene, kaya naman mas nagtawanan kami. Ang cute kasi kapag nagsama sama kami.

"Wag niyong inaaway si unnie, napakabait na tao nyan. Hindi yan nagmumura. Hindi niya kami minumura sa recording. Promise. Hindi niya rin kami tinatawag na tarsier at grasshopper or something. Mabait yan kaya pagbigyan niyo na kapag nagiging mabait siya sa akin. She's being an angel and saving ms from sickness." Sabi ko, lumulusot, kaso nga lang ay tumawa si V. "Yah, panira ka."

"Hindi ako panira. Ang cute mo lang kasi," sabi niya, and I groaned habang tumatawa naman si Gyu.

"Babanatan kita sa mga banat mo, e." Sabi ko, joking, and he laughed.

"Yah, pakawalan niyo na yung baby ko. Ako ang bahala na magpagawa ng kung ano sa kanya kaya hindi siya maaring mag-ihaw! Kawawa ang baby ko!" Sabi ni Charlene, at natatawa ako sa kanila ni Jeonghan.

Tinignan naman ako ni Jeonghan and gave me his angelic face.

"Yah, Marione, nugu aegi?" Sabi ni Jeonghan, dahilan para magsilakasan ang tawanan namin.

"Hannie! Wrong maknae!" Sabi ni Jimin, at nagtawanan naman kami.

"Most certainly not yours," sabi ko, and he clutched his chest, kunwari ay nasaktan habang nagtatawanan naman kami.

"Fine. Pero hindi ako ang papalit sayo. Dino? Nugu aegi?" Sabi ni Jeonghan, kaya naman Dino groaned and went towards us.

Habang naghihintay kami na makarating si Dino dito na tila nagpapabagal pa yata sa paglalakad, napunta ang atensyon ko sa Bangtan na nagtatayo ng mga tent.

"Gago ka Jimin! Bobo, hindi dyan yan!" Sabi ni Yoongi, kaya naman tinawanan siya nila Jungkook at ng iba pang Seventeen members na naghahanda ng kung ano.

"Ahhh! HAHAHAHA Bobo daw bobo," pang-aasar ni Vernon, kaya naman hinabol siya ni Jimin at naghabulan sila. Tawa pa sila ng tawa lalo na nun natisod si Jimin at tumalsik sa tubig.

ethereal ♧ kim taehyung auWhere stories live. Discover now