ethereal ; ten - shooting

27 1 4
                                    

"Sigurado kang kumakain ka? Baka mamaya ginugutom ka nila dyan? Babalik ako sa Korea sinasabi ko sayo. Kahit na maganda dito sa Japan. Buti may break kayo?" Rinig na rinig ko si Woozi sa kabilang linya ng tawag.

Naririnig ko din sila na sumisigaw ng 'Hoshi, hwaiting!' kaya naman hindi ko mapigilan ang pagtawa. Pinagtitripan nanaman nila si Hoshi, e. Mamaya mainis yan. Para pa namang hamster. HAHAHA.

Nakaupo ako ngayon sa grass habang hawak hawak ang phone ko. Ang scene kasi na shinoshoot namin ngayon ay yung opening scene. Yung kung saan nakahiga si Areum sa grass at first day palang ng school. Lunch period at nasa tabi niya yung lunch niya.

Pinag-cut muna saglit dahil hindi tumigil sa pagtawa si V habang tinitignan ako. Para bang may pinagtatawanan siya. Tumatawa din si Baekhyun, kaya naman hindi ko alam kung ano pa bang gagawin ko sa kanila. Pinagkakaisahan pa yata nila ako e.

Tinignan ko naman sila sa gilid ng mga mata ko. Nagtatawanan pa sila habang kausap yung cameraman at yung director.

"Yah, Marione. Kumain!" Sabi ni Woozi, at tsaka ko lang naalala na katawag ko pa nga pala yung best friend kong inabandona ako dito sa Korea na busy habang nagsasaya siya sa Japan. Urgh.

"Kumakain naman ako! Pinagtatawanan nga pala ako ni Baekhyun at ni V hindi ko alam kung bakit. Kumakain lang naman ako ng fries," sabi ko, and pouted while looking at them from afar. Kung nandito si Woozi, pinahabol ko na sila sa kanya habang may hawak na guitar. "First time ko nga palang kumain ng fries with ketchup! Be proud of me, teletubby."

Narinig ko naman ang tawa niya mula sa kabilang linya.

"Hindi mo talaga alam kung bakit? Pagtatawanan ka nila kasi pakalat kalat yang ketchup sa mukha mo," sabi niya, kaya naman agad akong napakapa sa bibig ko.

I widened my eyes, tsaka ko lang narealize na hindi nga maayos ang mukha ko. May mga ketchup ketchup sa gilid ng lips ko and it is so disgusting. Ang dumi kong kumain.

Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko at pinuntahan sila V at Baekhyun. Nang makita nila ang pagpunta ko sa kanila habang nakasimangot, agad naman silang tumakbo at hinabol ko sila.

Nagtatawanan yung mga staff dito pero hindi naman nila ako tulungan. Ang tangkad ba naman nila kumpara sa akin, edi malamang na magiging mas mabilis ang takbo nila! Nakakainis lang.

I was looking at the director for help kaso nga lang ay nakikitawa siya at hindi ako pinapansin sa nga daing ko na tulungan na niya ako.

"Yah! V! Baekhyun! Pinagtutulungan niyo ako!" Sabi ko, at nag-echo pa yung tawanan nila kaya naman I pouted and just went back to where I was sitting on the grass before.

"Tama. Habulin mo. Er, gotta go, Marione. May bagong katangahan nanamang ginawa si Seungcheol." Sabi ni Woozi at bago pa ako nakasagot ay pinatay na niya yung tawag. I sighed.

Inayos ko yung school uniform na suot ko at umupo ng maayos. I made sure na maayos na din ang hitsura ko para hindi na kailangan oang magtouch up ng makeup artists dahil sa kapabayaan ko sa ketchup. Nahihiya pa din ako sa hitsura ko kanina. Mukha siguro akong clumsy na bata.

"Okay, V, Baekhyun, balik na sa pwesto. Let's shoot. From the start. One, two, three-" sabi nung director, at nagfilm naman na yung cameraman matapos na naiayos ko na din yung sarili ko sa pwesto ko.

The bright lights were blinding me kaya naman hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong matulog kaso nga lang ay ang lakas ng araw at hindi ako nakakasigurado na ligtas akong makakatulog dito lalo na at mukhang pinag-iinitan ako ng mga students dito sa bagong high school na nilipatan ko.

Nakarinig naman ako ng footsteps at ng tawanan, pero hindi ko pinagtuunan ng pansin yun. Bigla naman akong nakaramdam ng 'natisod' sa paa ko kaya naman agad akong napamulat.

Tumambad sa akin ay ang mukha ng dalawang lalaki. Parehas silang gwapo at magkahawig pa, pero hindi yun ang iniisip ko ngayon. Ang naiisip ko ay ang natumbang lalaki na kasama nung nakatingin sa akin ngayon, at hindi ang 'pagsakit' ng paa kong natisuran niya.

"Sino ka, babae?" Tanong ni Jihyun, nang makita niya ako. Nakakunot pa ang noo niya ng kaunti habang nakatilt sa right ang ulo.

"A-Ah. I'm Han Areum-" sabi ko, kaso nga lang ay mas kumunot naman ang noo niya.

"Hanwoo. Mauna ka na sa cafeteria." Sabi ni Jihyun, at nagulat naman ako.

"Pero-" sabi ni Hanwoo kaso nga lang ay tinignan siya ni Jihyun na parang sinasabi na kailangang sundin bi Hanwoo ang sinabi niya. Wala namang nagawa si Hanwoo kundi ang sumunod. Tinignan ako ni Jihyun nang makaalis na si Hanwoo at blangko at ekspresyon nito.

"Hindi ko tinatanong ang pangalan. Ibig kong sabihin ay sino ka para maupo sa grass patch na ito? Tambayan ko to," sabi ni Jihyun, at napatayo naman ako.

"Sayo ba? May pangalan mo? Asan titulo mo?" I asked, and he rolled hos eyes.

"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga," sabi ni Jihyun, at iniwan ako.

Natapos na ang scene at nagpalakpakan naman ang staff at pati na rin kami. Bumalik na sa kinaroroonan ko sina V at Baekhyun, kaya naman binatukan ko ba silang dalawa.

"Nang-aano kayo. Bakit di niyo sinabi?" Sabi ko, at tumawa naman si V.

"Wala lang. Ang cute kasi e. Para kang inosenteng bata na unang nakakain ng ketchup," sabi ni Baekhyun kaya naman I blushed. Cute daw. Tsk.

"Hindi kaya cute! Para siyang batang cannibal na kakakain ng tao at dugo yung ketchup. Get me? Rawr!" Sabi ni V, at nagtawanan naman sila ni Baekhyun.

"Iba ka talaga mag-isip kahit kailan. Ewan ko ba sayo," sabi ko, at nagpout naman siya.

"Hindi kaya. Mas iba ka mag-isip kesa sa akin. Baka mamaya iniisip mo ba ngayon ang pagpapalaki ng manika," sabi ni V, at tumawa naman si Baekhyun.

"Hoy? Hindi sa akin nanggaling ang nga salitang yan! Kita mo? Ikaw mismo ang nagsabi niyang paraan ng pag-iisip na yan!" Sabi ko, at nag-frown naman siya.

"Hindi ako weird o ano. Sadyang minsan lang mas aktibo ang utak ko," sabi niya.





Nang matapos na kami sa pagshoshooting ay niyaya naman ako ni Chloe na lumabas, kaya naman I agreed. Hindi na kami nakakapag-hang out ni Chloe, at ngayon na lang siguro kami makakapagsama ulit. Ni hindi nga kami nakapag-usap nung Beach Camp Idols, e.

"Chloe Chen!" Tawag ko dun sa babaeng may unnatural coloured hair. Tumalikod naman siya and then grinned at me tapos ay sinugod ako ng yakap.

"Wah! Marione! Namiss kita!" Sabi niya, and I laughed as she squeezed me tighter.

"Miss ba kita?" Tanong ko, at tumawa naman siya. Malay ko ba sa kanya kung bakit siya tatawa kada salita ko.

"Is that Charlene?" Tanong niya, and i looked behind me kahit na alam ko naman ang tinutukoy niya.

"Huh? Nasaan si appa? Nakita mo?" I asked, at tumawa naman sila. Hindi naman siguro nila nahalata na peke lang na obliviousness yun.

Nakarating kami ni Chloe sa dorm ng Starlight, at binati nila ako ng hug.

"Omo! Hi Marione! It's been a while. Ang busy ng schedules," sabi ni Hyerim, na siyang unang sumalubong sa akin.

Inilapit naman nila ako sa sofa nila kaya naman ay naupo na ako at nakinood sa pinapanood nila. Nanonood sila ng Spongebob...?

I sat down comfortably sa pastel yellow na couch nila habang nanonood. Si Hyerim, bato ng bato ng mga tanong pero alam naman na ng lahat ang sagot.

Si Eunhye naman, kain lang ng kain habang nakatutok sa Spongebob sa screen. Para bang pagkain ang focus niya.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Which one of them do you really like?" Tanong ni Chloe, smirking at me, and I felt myself flush.

"Wala, ani. It's not like that." Sabi ko, at nagchuckle naman sila.

"Really?" Sabi ni Chloe. "Ship ko kayo ni V."

What on earth...?

ethereal ♧ kim taehyung auWhere stories live. Discover now