ethereal ; twenty three - time

19 1 2
                                    


Kinabukasan na nyan yung magpeperform kami kaya naman todo kami sa pagpapractice ngayon. 10 pm na, pero hindi pa rin kami pinapagpahinga ni Charlene kahit na isang beses mula nung lunch. Nakakapagod, pero naiintindihan namin kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami pinagpapahinga ni Charlene.

Habang tumutugtog yung song namin ay ginagawa naman namin yung dance namin. Hindi ko pa nararamdaman na napapagod na ako physically, but my mind is drifting somewhere.

My mind is ruining my mood. Sinasabi ng utak ko na kasalanan ko din ang lahat kung bakit ako nandito sa sitwasyon na to. Sinasabi ng utak ko na kasalanan ko kung bakit ako naiissue sa dalawang lalaki, and sa dalawang bias ko pa.

It doesn't help na ex boyfriend ko na ngayon si Baekhyun, at all. Hindi nakakatulong na halos wala na kaming privacy pagdating sa mga fans and bashers namin. They just have to know everything. Lahat ay inuungkat na nila.

Masaya nga ako dahil maswerte kami. Maswerte pa kami sa lagay na to dahil hindi na kami tinitira ng Sunflowers and that they are now disbanded. Hindi ko alam kung nasaan sila napadpad na pero I am sure na siguro nag-sink in na sa kanila na hindi nga mabuti yung mga ginagawa nila nuon.

Natapos na yung song, kaya naman tumigil na kami sa dancing. I breathed out, at tsaka ko lang narealize na pagod na pala ako. Nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo, kaya naman I placed my hand on Talia's shoulders.

"Hey? What happened to you?" Sabi ni Talia, at tinignan naman nila akong lahat.

"Huh? Anong mangyayari sa akin? Wala naman-" sabi ko, kaso nga lang ay naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko.

Hindi ko na narinig pa kung ano yung mga pinagsasabi ng mga kagrupo ko dahil nawalan na ako ng malay. I just realized na hindi pala ako nag-almusal, lunch and meryenda.



Ansakit sa mga mata ng ilaw, kaya naman dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. I was looking at a white ceiling na may napakalakas na ilaw kaya naman I was annoyed. Ansakit kaya sa mata ng ilaw tapos anlakas lakas pa. Bakit ganito naman yung ilaw dito?!

Inilibot ko yung mga mata ko, at nakita ko naman na nasa loob pala ako ng isang hospital room at puting puti yung walls. I then realized na someone was holding my hand kaya namn tinignan ko kung sino yun.

His hair was bright red, at nakayuko siya. Nakatulog pa yata siya sa mga kamay namin. This isn't Baekhyun. Hindi rin naman to si Woozi. Sino to? Hindi rin naman pwedeng si Taehyung to dahil basta't imposible lang. Alam ko na unnatural din ang kulay ng buhok niya ngayon pero hindi lang ako naniniwala na siya nga ito.

I then tried to take my hand away, kaso nga lang ay nagising naman yung may hawak sa akin kaya nagulat ako nang makita ko kung sino yun.

He was rubbing his eyes gently, and then when he opened his eyes, nagkatinginan kami. Mapupungay ang mga mata niya at mahahalata mo na kakagising lang niya pero pagod pa siya.

"Hey. You're awake," sabi ni V, kaya naman I furrowed my brows.

"Bakit nasaan sila Charlene? Last thing I remember, sila ang kasama ko," sabi ko, and he looked down.

"They went out. Bibili lang daw ng pagkain. Anyway, hating gabi na." Sabi ni V, kaya naman I sat up instantly causing pain to shoot up.

"A-Ah," I said, holding my forehead, and then he sighed at umupo sa hospital bed ko.

Inihiga niya ako, at hinayaan ko nalang siya dahil nahihirapan na din naman na ako.

Bigla namang bumukas na yung pintuan kaya sabay kaming napatingin sa direksyon nun. Nakita namin ang Dreamcatchers na may dalang pizza and soda.

ethereal ♧ kim taehyung auWhere stories live. Discover now