Matapos na pag-usapan namin ni Woozi yung tungkol sa blind date at naexplain ko sa kanya lahat, he was sure with himself na si Baekhyun daw ang gusto niya para sa akin. Siya lang daw ang pwedeng mang asar sa akin tungkol sa kambing thingy na yun because that was our thing magmula nung trainee days.
Kakadebut lang namin nun, at trainee pa lang siya nung nangyari yung eat grass scene na yun. I feel myself heat up dahil sa pagkaalala ko sa mga pangyayari na yun. Andami nang nangyari sa akin dahil sa utak ko at dahil na rin sa clumsiness ko.
"Marione, tara sa labas. Mingyu is calling everyone. Apparently, he made soup," sabi ni Woozi, and I nodded. Tumayo na ako at tumayo na din siya kaya naman sinundan ko na siya palabas.
Tumambad sa amin ang Seventeen na nakaupo sa floor habang hawak hawak ang bowls nila ng soup. Nasa harapan sila ng TV at manonood yata ng movie kaya naman pinaupo na ako ni Woozi.
"Marione! Dito ka," sabi ni Mingyu, kaya naman dun ako tumabi sa kanya. He laughed as he showed me the scene kung saan may nakakatawa. Pinapanuod kasi namin yung White Chicks, e.
"So, nagsungit ba sayo si Woozi hyung?" Tanong ni Dino, and I laughed a bit.
"He was the usual," sabi ko, at least, the usual sa akin. Kung harsh siya sa kanila ay less harsh naman siya sa akin.
"Kung pinag-iisipan mo na matuturn mo sa side niyo si Marione at sabihin na masungit ako ngayon, di niyo magagawa," sabi ni Woozi, at inabutan ako ng bowl ng soup.
"Thanks," sabi ko, at tumango lang siya tapos nag-umpisa na sa pagkain at pagnood ng movie.
I ate my soup and watched with them, until the movie was finished.
Nang makauwi ako ay 4:30 pm na. Hindi naman ako pinagalitan nila unnie dahil alam nila na nasa dorm lang naman ako ng Seventeen. Hindi nga ako makapaniwala na Hana unnie isn't nagging me.
Umupo ako sa may couch at pinagtuunan pa din nila ng pansin ang mga bagay na ginagawa nila bago ako nakarating.
Nanonood ng movie si Hana unnie sa laptop niya, at si Chisae at Talia naman ay naglalaro sa phones nila. Si Charlene unnie ay sinaniban ng kabaitan dahil pinagluluto niya kami ngayon. Hindi ko ba alam kung anong sumanib sa kanya.
"Yah. Anong ginawa niyo bakit ang bait ni appa ngayon?" I asked, and they all grinned at me.
"Sabi namin na umiyak ka dahil sa pagset up niya sa inyo ni V Monteverde sa isang blind date. She was really feeling guilty kaya naman tinanong niya kami kung paano siya makakabawi. Sabi namin na ipagluto niya ulit tayo ng dinner," sabi ni Chisae, and she grinned.
I raised my brows in surprise, at naggiggle lang sila.
"Just enjoy it while it lasts," sabi ni Chisae, and I just shrugged.
Ayokong naguiguilty si Charlene. Kasi hindi nanaman yan titigil sa kakasorry hanggang sa sabihin mo na ayos na talaga at nakabawi na siya. Mabilis siyang maguilty pero pinapakita lang niya yun sa mga tao na komportable siya o kaya naman kapag komportable siya ng panahon na yun.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kitchen para puntahan siya. She was cooking roasted chicken and fried rice, tapos may dish pa na hindi ko mawari pero mukhang masarap. Sa may gilid, may nakita ako na homemade cake, tapos may nakasulat. Andaming pagkain. Pakiramdam ko hindi lang kami ang makakakain nito e.
Hindi niya pa siguro ako napapansin kaya naman pinuntahan ko yung cake at tinignan kung ano yung nakasulat dun.
Mianhae, Maknae.
![](https://img.wattpad.com/cover/167557794-288-k240241.jpg)
YOU ARE READING
ethereal ♧ kim taehyung au
Fiksi Penggemar♧ bangtan series #2 ♧ ethereal /adj/ : something that seems out of this world. she thought he was out of this world, he thought she was out of this world. she likes him, he likes her. pero ni isa sa kanila ay wala man lang magawang pag-amin dahil s...