ethereal ; eight - busy

19 1 0
                                    

Alam ko on break pa kami pero mas busy ang schedule ko sa kanila. Charlene and Yoongi are always together. Vernon and Talia are always together. Jun and Chisae are always together. Hana and Sehun are alwayd together too. Manager and I are always together, too. Urgh.

Kung pwede lang, ayoko na muna na may ginagawa, kaso nga lang this show is like a dream come true and that I can never have an opportunity like this again. Hindi ko alam pero ang saya saya ko na natanggap ko yung role ko.

Hindi nga lang masaya masyado yung kung sino ang cast. Baekhyun is fine, and V is... ayos lang pero alam ko na kapag magshoshoot na kami ay baka mas maging komportable pa yan na asar asarin ako.

Naghihintay ako ngayon kay Manager dahil pupunta kami sa interview ngayon. Kasama ko sa interview sina Baekhyun and V, at alam ko na maaga pa, medyo, pero nakaayos na ako. Advance na ako mag-isip kasi gusto ko din advance na matapos yung interview.

Not really an interview, more like a press conference.

Wala ang mga unnies ngayon at pati sila Talia ay wala din. Malamang magkasama. Nasa Japan nga pala ang Seventeen ngayon. Malamang nagpaparty or naghahangout nanaman na magkasama yung mga yun. Hana is probably with Sehun. No doubt about that.

Ang tahimik sa dorm, for once. Hindi ko nga alam if that was a good thing or not.

Hindi naman ako masyadong naiinitan dahil hindi naman mainit ang suot ko ngayon. I was wearing a black top inside a black coat that was designed to look not too formal. Nakasuot lang din ako ng black na shorts kaya naman it looked formal yet casually stylish at the same time. My hair was up in its usual messy bun, and I could say that it looked kind of cute.

"Marione? Halika na, may naghihintay na sa atin," sabi ni Manager, na biglaang lumitaw sa harapan ko. Nagulat naman ako, kaya I raised my brows and widened my eyes causing herr to chuckle.

Minsan hindi ko talaga alam kung manager ba siya or member din namin pero mas may authority.

Tumayo naman na ako and she smiled at me. Nagtataka naman ako, sino ang naghihintay sa amin? Hindi ba siya ang magdadrive sa akin papunta sa presscon or something? I tilted my head to the left, and she raised her brows at me.

"May naghihintay sa atin? Hindi ba ikaw ang magdadrive sa atin?" I asked, and she chuckled at me before shaking her head.

"Oo nga. Ako nga ang magdadrive. May kasabay lang tayo ngayon. I kind of wanted to come with them since you are close with their group naman. Halika na. We don't wanna keep him waiting," sabi ni Manager, and I gaped.

"Sino?" Tanong ko, at hinawakan naman niya ang wrist ko at kinaladkad nalang papunta sa labas.

Nung nasara na ang pinto ay wala na akong magawa kundi ang pumasok sa van na dinadrive ni Manager. She was twirling the keys on her right hand as she smirked, pero hinayaan ko nalang siya. Uupo sana ako sa front seat kaso nga lang ay naalala ko na official seat para kay Charlene unnie yun.

Ang official seats kasi namin ay lagi naming sinusunod kahit na kulang or hindi lahat ay nakakasama. Ako naman, sa first row after ng driver's seat and front seat. Katabi ko lang ay ang mga dala ko. Sa second row naman ay sina Talia at Chisae. Sa last row naman ay ang mga bag o kung ano mang dala. To be honest, the van was really spacious, at kasya pa yata ang Seventeen dito e. Medyo.

Nasa harapan ko na yung van, at tinignan ko ng huling suspicious look si Manager causing her to chuckle bago na magpunta sa driver's side.

Binuksan ko na yung sliding na car door, at biglang tumambad sa akin ang sight na hindi ko inaasahan. Halos maibalibag ko na yata yung van dahil sa nakita ko.

ethereal ♧ kim taehyung auWhere stories live. Discover now