It's been weeks na nagshoshooting kami at hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong makausap na babae dito to ask for advice. Nagkaroon na din ng plans ang Dreamcatchers and sometimes, I can't just go with them dahil nirurush na itong shooting namin. Minsan pa ay inaabot kami ng madaling araw na nagshoshooting. And this is the day na isa sa mga yun.
2 am na, pero nandito pa din kami at kailangan na magshooting. Gabi yung scene na ishoshoot na namin kaya naman nakatulong din yung dark sky sa ibabaw. Hindi ko nararamdaman ang antok, sa totoo lang at hindi ko naiintindihan kung bakit.
Yung finifilm namin na sceme ngayon ay gabi, tapos umiiyak si Areum dahil sumosobra na yung pambabash sa kanya ng mga nasa school. Sa gabi naman ay pumunta siya sa convenience store para bumili ng alcoholic drinks kaso nga lang ay nakita siya ni Jihyun na bumibili at umiinom kaya pinigilan niya ito.
Kanina pa kami paulit ulit kasi natatawa ako, at minsan ay natatawa na din si V. Medyo napapagalitan na nga kami, pero hindi naman ganun kagalit. Natatawa kasi siya sa drunk na acting ko. Ano ba kasing malay ko sa pagiging lasing na yan. Ni hindi ko nga ginagawa yung pag-iinom because it is so just not my style kaya hindi ko alam ang gagawin ko kung tama ba o hindi.
"Finally! Tapos na din yung scene. Magpahinga muna kayo saglit. Then we will continue this later," sabi nung director, and I cheered.
Hindi kasama sa shooting ngayon si Baekhyun, kaya naman medyo parang may kulang, pero napupunuan naman ni V. Hindi ko alam pero parang hindi nabubuo ang araw ko kapag wala na tong dalawang mapang asar sa akin. Nasanay na yata ako na lagi nila akong inaasar sa set kaya parang may kulang kapag iisa lang yung lapastangan na pang-asar, e.
Naupo naman ako dun sa may gilid kung saan may kaunting semento na maaring upuan, at naramdaman ko na tinabihan ako ni V. Hinayaan ko nalang siya since magmula nun ay wala naman nang away o hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin. Para bang naging friends na talaga kami. Kung paano ako kay Baekhyun ay parang ganun din ako sa kanya. Pero magkaiba naman ang pakikitungo ko sa kanila, dahil kahit magkamukha sila ay hindi naman ibig sabihin na parehas din sila sa ugali.
"Hindi ka pa ba inaantok?" He asked me, and I shrugged my shoulders causing him to groan. "Pabibo ka naman. Hindi pa talaga?"
"Epal. Hindi pa nga. Pakainin kita ng damo dyan e," sabi ko, and he laughed.
"Hmm. Ewan ko sayo. Papakainin mo ako ng damo na hindi ikaw ang nagpalaki?" Sabi niya, and I laughed.
He then placed his head on my shoulder at wala naman akong dapat na maramdaman kaso nga lang ay parang pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Bakit parehas ako nang nararamdaman sa tuwing makakasama ko si V or si Baekhyun? Ano bang nangyayari? I don't even know about these stuff.
"Anong gusto, palakihan kita ng damo? Tapos ano?" Sabi ko, and he laughed.
"Oo. Kapag hindi mo lang ginawa, maaano kita," sabi niya, and I chuckled.
"Ano? Anong gagawin mo sa akin? Ikaw magdidilig?" Sabi ko, and he laughed even more.
"Baliw." Sabi niya, and I pouted.
"Mas baliw ka," sabi ko, and he whined like a little kid.
"Baliw kayong dalawa. Hoy, parang kelan lang hindi ka matahimik kakasabi na ang weird weird ni Marione tapos sinisisi mo pa ako na bakit sinet up ko kayo sa blind date?" Nagulat naman kami, kaya napalingon kami.
"Hoy, anong ikaw?! Aso ka. Dalawa tayong nagplano!" Sabi naman ni Charlene.
Nagpalakpakan naman at nagcheer yung mga staff dito kaya I was weirded out at pati na rin si V.
"Ano? May lihim na pagtingin ba kayo sa isa't isa?" Tanong ni Jimin, at sinampal naman ni Cha yung bibig niya dahilan para magtawanan kami.
"Baliw. Ang ingay mo. Bigyan mo ng kahihiyan yung baby ko at yung alaga mo," sabi ni Charlene, and I laughed.
YOU ARE READING
ethereal ♧ kim taehyung au
Fanfiction♧ bangtan series #2 ♧ ethereal /adj/ : something that seems out of this world. she thought he was out of this world, he thought she was out of this world. she likes him, he likes her. pero ni isa sa kanila ay wala man lang magawang pag-amin dahil s...