ethereal ; seventeen - shoot

24 1 1
                                    

Kinabukasan ay hindi na si Manager ang sumusundo sa akin. Hindi na rin ako binabawalan nila Talia na lumabas kasi alam naman na nila na hindi ako pababayaan ni Baekhyun. I don't know what I did to deserve such a gentleman like him, anyway. Siguro I was some heroine in my past life?

Naipalabas din pala ang nangyari, pero online lang at hindi sa television. Tinawagan ako kaagad ni Woozi nang mangyari yun and he told me, surprisingly, that he was fine by it kasi pinagkakatiwalaan niya si Baekhyun. Nag-usap na daw sila ni Baekhyun nun, and he found out about his story and his intentions.

"Marione? Inaantok ka pa ba?" Tanong ni Baekhyun sa akin, as he was unbuckling his seatbelt dahil nasa loob pa kami ng car niya. Nakalukot ang mukha niya at parang nag-aalala kaya naman I shook my head.

"Nope. I was just... thinking about some things." Sabi ko, and he smiled softly at me. He then leaned forward, at siya ang nag-unbuckle ng seat belt ko.

Kinakabahan ako dahil napakalapit niya sa akin at hindi ako makahinga ng maayos, at bigla naman siyang tumawa nang mapatingin siya sa akin.

"Anong ginagawa mo? Namumula ka? May sakit ka ba or sadyang kinikilig ka lang sa akin? Ang sweet ko ba masyado?" He joked, causing me to laugh and slap his back. "Ow."

"Tsk. Ikaw nga. Kaya ko naman kasing alisin mag-isa ko. Hindi na ako baby," sabi ko, and he smiled as he shook his head.

"Yah? Sabi ko sayo, kapag kasama mo ako, hinding hindi ka magpapagod o magbabayad ng kung ano ano. Kasi gusto ko I will treat you like my queen. Okay?" He said, and i smiled softly at him while nodding.

"Thank you. Baka mamaya kiligin na ng masyado si Stacy kapag nalaman naman niya?" Sabi ko, and he laughed.

"Siguro. Balikan natin siya minsan. Tapos sasabihin niya sa atin kung gaano tayo kabagay sa isa't isa. I can't believe that you really accepted me," he muttered, and I smiled sadly.

"Yah. Wag mo nang isipin yung ibang tao. Ano naman kung mas matanda ka sa akin? Love knows no limit. Wala akong pakialam kahit na ilang taon pa yung pagitan natin." I said, and he covered me in a hug.

"Thank you. Tara na?" He said, and I nodded.

Humiwalay na siya sa yakap at lumabas sa side niya. Knowing na may masasabi nanaman siya kapag inunahan ko siya sa pagbukas ng door ay hindi ko na yun binuksan. Hinintay ko nalang siya. He then opened my door, and held out his hand for me to take.

I gave him my hand, and he grinned widely. His eyes were almost unseen dahil na din sa lawak ng ngiti niya. Para bang ang saya saya niya. Knowing that I am the reason behind this flusters me.

He then brought my hand up to his lips, causing me to widen my eyes.

"Yah, wag ganyan. Nahihiya ako," sabi ko, and he chuckled before nodding.

"Okay. Tara na," he said, and then placed his arm around my shoulder.

Naglakad na kami papunta sa building at nang makarating na kami sa mismong set ay inalis na niya ang pagkakahawak niya sa akin. Wala namang nambanggit tungkol sa amin ni Baekhyun, kaya it was less awkward. It was as if nothing really happened and I was happy about it.




Nang matapos na kami sa pagshoshooting ng ilang scenes ay agad akong nilapitan ni Baekhyun kaya naman nagtaka ako. Anong gagawin niya? He has a worried face kaya naman hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Hey? Bakit parang ang lungkot mo?" I asked, and he looked down.

"I'm sorry. I'm such a bad boyfriend. Dapat ihahatid kita ngayon sa inyo, kaso nga lang ay tinawagan ako ng manager namin dahil aayusin na daw namin yung upcoming album namin. I'm really sorry," sabi niya, and then I smiled as I ruffled his hair causing him to loom up at me with slightly furrowed brows.

"Hey, bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan. It is your job. Trabaho yun kaya you should prioritize it. Kung ako naman yung nasa posisyon mo, uunahin ko pa din yung trabaho ko kasi alam ko na obligasyon ko yun," I said, and he hugged me tight causing me to widen my eyes.

"Thank you. Thank you so much. You're such an understanding person. Babawi ako, promise," sabi niya, and I nodded while smiling slightly at him.

"No need, Bacon. You're fine the way it is. I understand naman." Sabi ko, and he smiled at me.

"Wag mo akong mamimiss kapag umalis na ako, ah?" Sabi niya, causing me to laugh and hit his shoulder. Hinawakan naman niya yung mga kamay ko at natigil kami sa pagtawa. "I love you."

Hindi ko alam kung handa na ba akong sabihin sa kanya yun pabalik. I opened my mouth to say something but he raised his right hand to stop me.

"It's okay if you're not ready to say it back, yet. I understand. But I'll stay until and even after you do," sabi niya, and I nodded while smiling softly at him.

He was really gentle and thoughtful.




"Marione! Marione!" Sabi ng isang boses na hindi ko narinig kahapon. Agad naman akong napalingon at nginitian siya dahil kahit na nagkagusto ako nuon sa kanya, siya pa din naman yung kaibigan kong si Taehyung.

"Bulag! Bulag! Bakit?" Sabi ko, and he pouted as he placed his arm around my shoulders.

"Wala lang. Namiss ko yung wirdo kong kaibigan," sabi niya, and I groaned.

"Hindi nga ako weird, di ba?" Sabi ko, causing him to laugh even more and for me to pout.

"Hmm. Whatever. May gagawin ka ba mamaya? Tapos na shooting natin, o. Gala tayo? I remember Jimin and Charlene always go out in night escapades nun para maalis yung stress nila," sabi ni V, and I bit my lip.

Gusto ko sana. Gusto ko sana siyang kausapin at magpunta kami dun sa carnivals kaso nga lang hindi pwede.

Hindi naman masama ang gagawin namin, pero isa sa mga nalaman ko kila Chloe nun, dapat hindi lang wala kang masamang ginagawa. Dapat mukha rin na wala kang ginagawang masama dahil meron at merong mga  tao na pupuna ng mga ginagawa mo.

Tinignan ko naman si V. He was tilting his head to the left while his lips were slightly pouting. He looked cpnfused bakit hindi ako nagsasalita.

"Bakit? Ayaw mo ba? May plans ka? Okay lang naman. Pwede namang next time. We can hang out next time. Di ba? Ikaw lang yung pwede kong makasama e. Alam ko namang pagtitripan ako nila Jungkook kapag sa kanila ako nagpasama," sabi ni V, and I felt guilty even more. Tsaka ko lang narealize na may tumulo na palang luha sa mga mata ko nang mas sumimangot siya.

"I'm sorry, Tae. Hindi pwede. Hindi ngayon, hindi next time. Kasi, baka kung anong isipin ng mga tao sa atin, e. Gusto kitang samahan, gustong gusto kasi magkaibigan tayo, di ba? Kaso nga lang alam ko na meron at merong pupuna sa atin at magsasabi ng mga senseless rumours," I explained, and he parted his lips a bit.

"So you don't wanna be issued with me. Ganun ba ako kapangit para kapag nalink tayo ayaw mo din?" He asked, and I widened my eyes. I immediately shook my head rapidly, at tinignan naman niya ako ng parang nadisappoint siya. "Then what?"

"K-Kasi... Baekhyun is my boyfriend now. Hindi mo ba alam? Baka mamaya maissue pa tayo. Kahit naman sabihin natin na friends lang tayo, iisipin ng mga tao na hindi yun totoo at sinungaling tayo," I explained, and he smiled bitterly.

"I didn't know. Nakuha ka na pala niya. Right. Hindi ko alam. Sorry."

"Don't say sorry, V. Wala kang kasalanan."

"V? Right."

"No, Tae, I'm sorry,"

"Don't worry about me. I have to go. Bye,"

"Tae-! Oh."

ethereal ♧ kim taehyung auWhere stories live. Discover now