Ang saya saya ko. Ang saya ko kasi nakalabas na ako sa hospital and it has already been a week after that. Masaya din ako dahil nagbabalik na kami sa paggawa ulit ng isa pang album. Nagdie down na din yung mga bashers nung araw na yun kaya naman hindi ko alam kung totoo pa ba ang mga nangyayari.
Nandito kami ngayon nina Charlene sa Ross ent dahil nag-umpisa na kaming magrecord three days ago. Bale may ten songs kami sa album. Tatlo na yung narecord namin, and I am really thankful na wala na yung mga bashers. Hindi na nila kami pinapakialaman pa dahil may bago na silang pinakikialaman.
Yung leader ng Sunflowers, si Gail, naging prostitute na daw sa isang bar sa may Busan. May mga pictures pa at parang nag-eenjoy naman siya. Hindi namin alam kung anong plano nila sa buhay nila kaya naman hinahayaan nalang namin sila. Napariwara na yata yung mga yun.
Speaking of our new album, I was really excited dahil may gagawin kaming something exciting.
Yung first five songs ay lahat kami kakanta. Then yung sixth ay kay Hana and mine. Yung seventh naman ay kay Talia and Charlene-- rapper line. Then yung eighth ay kay Chisae. Tapos yung ninth ay saaming tatlo nina Hana and Chisae-- vocal line. Yung tenth naman ay sa amin, tapos featured sina Yoongi, at Sehun.
Nasa may studio kami at nagpapahinga ng saglit nang biglang nagbukas yung door at nakita ko na si V pala yun at ang lawak lawak ng ngiti sa amin.
"Hello! Nagbabalik ako," sabi niya, and I raised my brows at him.
"Anong ginagawa mo?" I asked, and he grinned at me.
"Inaaway mo naman ako. I brought food. Mga baliw. Baka mamaya kasi mawalan nanaman ng malay yung isang wirdo dyan," sabi niya, and I gaped then hinampas yung arm niya dahilan para tumawa siya ng malakas.
"Umamin ka nga, inutusan ka ba?" Sabi ni Chisae, smirking, at umiling naman agad si V kaya I laughed.
"Edi ano? Mabait ka lang talaga ngayon?" Sabi ko, and he grinned and nodded at me. "Imposible."
"Anong imposible? Nothing is impossible! Yung grass nga nakakain na pala ng tao-"
"Yah! Wag mong inuungkat yan Taehyung Monteverde, kundi mapapatay kita." Sabi ko, and he laughed.
Napansin ko naman na nananahimik sila Talia kaya nilingon ko sila. Kahit si V ay nilingon sila at nagkatinginan kami. We both waved our hands in front of their faces dahilan naman para magising sila at tignan kami na para kaming mga nababaliw.
"Yah. Ang weird niyo pag magkasama pero it looks normal." Sabi ni Charlene, and we both laughed.
"Eh hindi naman kasi kami weird, Charlene. Bata mo pa talaga. Hay," sabi niya, dahilan para mapanganga si Charlene.
"Bata? Gusto mong isungalngal ko yung kamao ko sa bibig mo?" Sabi ni Charlene, at nanlaki naman yung mga mata ni V dahilan para tawanan namin siya.
"Nangingilabot ako. Talaga ngang bagay sila ni Yoongi hyung. Nakakatakot." Sabi ni V, and even shivered.
"That wasn't even harsh," sabi ni Chisae.
"That wasn't harsh yet?!" Tanong ni V, at tumango kaming lahat.
"Natry mo nang matawag na parang tipaklong maglakad dahil masaya kang naglalakad? Natry mo nang matawag na tarsier na ginutom dahil nanlaki lang yung mata mo? Nope," sabi ni Talia, at nagtawanan kami. Lahat yun naranasan na namin pero alam naman namin na nagbibiruan lang kami. Minsan pa nga ugud-ugod tawag namin kina Hana at Charlene because they were the unnie line. Minsan pa nga, ninuno.
"Oh. That's another level. Sino si tipaklong?" Tanong ni V, at nagkamot pa ng ulo. Agad naman nila akong pinagtinginan at nagtawanan.
"Yah! Wag niyo akong tignan. Lahat tayo tinawag na tipaklong dati!" Sabi ko. "Kahit si Charlene bga natawag na nating tipaklong!"
YOU ARE READING
ethereal ♧ kim taehyung au
Fanfiction♧ bangtan series #2 ♧ ethereal /adj/ : something that seems out of this world. she thought he was out of this world, he thought she was out of this world. she likes him, he likes her. pero ni isa sa kanila ay wala man lang magawang pag-amin dahil s...