ethereal ; twenty one - let go

20 1 8
                                    

Lumipas ang ilang linggo, nagpapractice pa din kami ng Dreamcatchers ng ipeperform sa awards na gaganapin in two weeks. Yung sa idols? Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa situation namin.

Sa tuwing nasa social media ako, ang laging nakikita ko lang na minemention sa akin ay ang tungkol sa ships nila. Tungkol kay Baekhyun at kay V. Apparently, the fans thought na para daw sa akin yung kinanta ni V nuon sa show na Someone Like You. They kept saying na hindi daw kami ni Baekhyun ang dapat na magkarelasyon.

Tinatadtad na kami ng mga fans ni V, and I don't know what to do. Alam ko na nakikita na rin ni Baekhyun yung mga posts and I am worried na baka madown siya at sisihin nanaman ang sarili. Baka mamaya sabihin niya pa na hindi siya naging mabuting boyfriend dahil kung naging mabuti siya, hindi siya ikukumpara kay V. Alam ko na kung ano ang takbo ng utak ni Baekhyun.

Nasa practice room kami ngayon and kakatapos lang ng practice. It's already 3 am, pero hindi ko pa nararamdaman ang pagod. Para bang hindi pa ako nappaagod dahil sa pagsasayaw namin. Mas napapagod ako sa reaksyon ng mga fans sa relasyon namin ni Baekhyun.

Hindi ko gustong gawin na magpunta sa social media ulit, pero I had hopes na may matitinong fans si V na sasabihin na irespeto kami ni Baekhyun.

Umalis na sila Talia, Chisae at Hana, kaya naman mag-isa lang ako sa practice room ngayon. Si Charlene naman, nasa studio dahil may sinulat daw siyang kanta and she thinks na baka may maisip na siyang pwedeng beats.

Inilibot ko ang mga mata ko sa practice room. The lights were slightly dimmed, and it was silent. Walang kahit na anong ingay na naririnig. Silence is like a scream, whenever I have thoughts like this.

I fished my phone out of my pocket, at hindi na pinansin yung pumasok sa practice room, kung sino man. I went to twitter, at nakita ang ilang comments about sa isang fan na nagpost.

@shipshipshippp:
everyone, i need ur thoughts. kailan ba natin rerespetuhin yung relasyon ni baekhyun at ni marione? nagkalat na yung mga v stans dyan na pinipilit na kay v lang daw si marione. what are your thoughts about this?

1342 likes | 271 retweets

load more replies...

@marhyunisreal: well said. dapat na respetuhin naman natin yung relasyon nila marione at baekhyun dahil wala naman silang masamang ginagawa. they just fell okay? hindi naman mapipigilan yung magkagusto sa isa't isa. yung mga v stans naman na iba dyan, todo bash either kay marione or kay baekhyun dahil lang hindi nakatuluyan ng idol nila.

@vvvvvv: e kasi naman halata na mas bagay si v at marione. hindi deserve ni baekhyun si marione. isa pa, mas matanda siya ng marione ng... ilan? 7 years? it just can't be. mas bagay pa rin si v at marione.

@asdfghj: shut up lets face it hindi sila deserve ni marione

@marionestan: wow tangina ^ di mo deserve maging tao

@vvvstan: ang ingay niyo ang sama niyo bakit niyo ba kasi ginagawang issue?! kung sinong makatuluyan ni marione hayaan na natin!

@BANGTAN_OFFICIAL: we normally don't speak out kapag may mga issue na ganito pero sumosobra na kasi. okay lang sana na hindi niyo matanggap yung relasyon nila kaso yung ipamukha niyo sa kanila na hindi tanggap? wag ganun. tapos ididikdik niyo pa sa mukha na mas bagay si marione sa iba? tapos sasabihan niyo ng walang kwenta o na hindi deserve? kung hindi niyo gusto, wag niyo na lang pansinin. marione can date whoever she wants. sana naisip niyo yun. and wag niyo na siya o si baekhyun idamay dito. medyo nakakadisappoint. yun lang. - v

ethereal ♧ kim taehyung auWhere stories live. Discover now