Chapter 6

189 17 3
                                        

Yesha's POV

"Abby ang aga mo naman ata nagising!", nakakapanibago kasi ang alam ko laging ako ang nauunang magising sa kanya pero ngayon nakain palang ako bihis na sya.

"Hoy Abby!", pano ba naman parang hindi niya ako nakita eh, ano to bingi-bingihan ang peg??

"Abby, aalis kana ba?", ano to hangin ang kausap ko ganun???

"ABBY! PIPI KA NA BA? SINONG DAHILAN NG PAGKAPIPI MO,SABIHIN MO SA AKIN AT HINDI YAN MAKATWIRAN...SINONG MGA WALANG PUSO ANG GUMA-------

"Dumating na daw si Manong Isyong galing sa bakasyon, pwede ka munang magpahatid kung gusto mo!", ano daw ang haba ng sinabi ko tapos ganun lang yung isasagot nya.Yung totoo kailangan ko na ba syang dalhin sa albularyo???

"Meron ba kayong gagawing play or something kaya mauuna kanang pumasok???", nagtataka kasi talaga ako

"Wag kanang masyadong matanong at pwede kumain ka na para maaga ka makapasok!", naging cold na sya sa akin simula nung umalis sya, tapos pagdating nya, aba ang lola nyo naging isnabera na! Artista???

"Sige Insan, una ka na bibilisan ko na lang ang kilos", at aakma na syang umalis ng tinuloy ko ang sasabihin ko.

"Abbelane kung may problema ka andito ako, wag kang mahiyang lumapit sa akin. Alam mo naman na you can always count on me diba???", tumango lang siya at tuluyan nang umalis.Sana naman effective ang pagiging cold ng boses ko para kausapin nya na ako about sa problema nya. Parang baliw na siya..... O hindi lang ako sanay??

*sigh*

"Abby alam kong may problema ka pero hindi kita pipiliting sabihin sa akin kasi alam ko ang salitang privacy, pero sana pagkatiwalaan mo ako", sana kaya ko yang sabihin sa harap nya, ang kaso hindi e.Hahayaan ko nalang muna syang mag-isip ng malalim may tiwala naman ako sa kanya.

Abby 's POV

Hindi ko intensyon na sungitan si Yesha, wala lang talaga ako sa mood....Magulo ang nararamdaman ko ngayon malulungkot, nagagalit, nasasaktan, umaasa kaya hindi ko kaya na magsabi pa ng kahit ano sa iba kung sa sarili ko palang gulong-gulo na ako.

"Pisti ka Juding ang sama ng ugali mo. Akala ko totoo yun, ang akala ko nagkasakit ka lang pero ano hindi pala!", kahapon pumunta ako sa park para sana makalanghap ng sariwang hangin, kasi nga diba naalala ko nanaman ang mga nangyari sa nakaraan na pilit kong kinakalimutan kaso mas malala pala ang magiging bunga nun.

~FLASHBACK~

"Lagi na lang bang ganyan Abbelane sa tuwing maalala mo ang mga nangyari nung bata ka pa iiyak ka nalang? Napakaimmature mo naman kung ganun, tumigil ka na pwede ba? Wag kang tanga", ayan na naman po ako at kinakausap ang aking sarili sa mga bagay-bagay.Sana naman this time makinig na ako sa sarili ko.

"I like you", hala yung totoo minumulto na ba ako dito kasi kanina pa ako nagdadrama? Pero may mali e parang pamilyar yung boses san ko nga ba yun narinig

"Paano ko ba yun sasabihin sa kanya parang ang hirap", pamilyar talaga sa akin yung boses kaya naman hinanap ko kung sino sya.......... na sana di ko nalang ginawa

"Yesha, I like you dati pa, alam mo ba na hindi ko nagawang tuparin ang pangako ko sa kababata ko dahil lang mas pinili ko na makasama ka"

O_O

Si Klyde to ah

Totoo ba yun? Aamin na siya kay Yesha about sa feelings nya?

"Sana tanggapin mo ako", hindi nya ako binalikan because of Yesha??? Yun lang ang dahilan? Ang pinsan ko, ang babaw naman ng dahilan nya kung ganun. Shet lang tutulo nanaman ang luha ko.

Two Is Better Than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon