Chapter 2

349 24 3
                                        

Yesha's POV

"HOY! pagkatapos mo akong iwan at takbuhan makikita kita na nakatulala dyan.Ano bang nangyari sayo??",hindi ko napansin na andito na pala sa tabi ko si Abby, iniisip ko parin kasi si Koya na nakabangga ko kanina

"Sorry may iniisip lang talaga ako",nakita ko na kumunot ang noo niya

"Ano naman ang iniisip mo ha???May nangyari ba sayo?Ikaw kasi bigla-bigla ka nalang tumatakbo! Magsalita ka naman, may nanggago ba sayo o nambastos? Asan yung mga loko-lokong yun at masapak mga walang modo magsalita ka Yesha...Ano b------"

"PAANO AKO MAKAKAPAGSALITA E WALA KANG TIGIL SA KAKADAKDAK DYAN! WALANG NANGYARI SA AKING MASAMA AT OKAY NA OKAY AKO", baliw talaga tong pinsan ko pero tignan nyo naman kung gaano yan mag-alala pag ako na ang pinag-uusapan. Lalake ulo ko nito eh

"Akala ko kung napano ka na sa susunod kasi wag mo na akong takbuhan, kahit lahat ng hair clip ko sayo nalang basta wag mo na akong tatakbuhan ha??", yan ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko ang pinsan kong iyan

"Salamat Insan", tapos nagyakapan kami na parang mga baliw sa gitna ng kalsada

"Tara na nga sa school malelate na tayo sa ginagawa natin e.",tapos naglakad na kami papuntang school

SA SCHOOL

"GOOD MORNING CLASSMATES!!", bati namin ni Insan sa kanila

"Bakit parang nalate na kayo ng dating, may nangyari ba??", close na kaming lahat malalaman nyo mamaya kung bakit

"Wala naman", secret ko muna yung nangyari kanina. Pero parang di ko naman pala crush yun...Ewan ko lang ah magulo rin utak ko eh

Kasi sa school namin yung mga classmates namin nung first year ay siya ring magiging classsmate namin hanggang fourth year, pwera nalang kung baba ang average nila sa 85% kasi natatanggal sila sa section namin.....Yun yung dahilan kung bakit close na kami kahit first day of school palang! O DIBA BONGGA...Yan ang rason kung bakit close na kami ^____^

"Good morning Yesha, Good morning Abby"

"Good?? Anong good sa morning e nakita ko nanaman yang pangit mong pagmumukha", ito talagang si Insan inaaway nanaman si BBF ko

"Ano ka ba Insan wag mo na nga awayin si BBF, kawawa naman yan hindi mo na tinigilan sa pambubully e", simula ng magkakilala sila lagi nalang silang nag-aaway na dalawa

"Bahala kayong mag-usap na dalawa, baka nagkakaintindihan kayo e", tapos umupo na siya sa upuan nya

Klyde Kristopher Espanto,BBF ko stands for boy-bestfriend. Matalino,mabait,gwapo,responsable sabi nila boy version ko daw siya kaya siguro naging magbestfriends kami

"Namiss kita Yesha ang tagal nating hindi nagkita",ang bait talaga nito kaya minsan napagkakamalang bakla e

"Namiss din kita, naging busy kasi kami nung bakasyon ni Insan sa pagpapractice para sa Theater Club",sobrang pinaghandaan talaga namin yun ni Insan

"HOY YESHA UMUPO KANA DITO,TIGILAN MO NA ANG PAKIKIPAG-USAP KAY JUDING!!", kung makasigaw naman tong pinsan ko napakataklesa

"Oo uupo na!", ang mean talaga nya kay Klyde 'JUDING' ang tawag juding - bading ganun yung meaning nun

Sa wakas matapos ang ilang dekada dumating na din ang aming butihing guro

"Good morning class, bago ang lahat may announcement ako", first day of school may pambungad agad si Sir, ABA MATINDE

''Anu kaya yun?"

"Baka naman mag-aasawa na si Sir"

"Hindi rin bakla daw yan e."

Two Is Better Than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon