Yesha's POV
Walang nangyaring kakaiba sa weekend ko, maliban nalang sa napagkamalan akong baliw ng nanay at pinsan ko. Minsan nga tinatanong nila ako kung nakuha akong endorser ng colgate or close-up dahil sa hindi matanggal kong ngiti sa mga labi ko.
"Mommy aalis na po kami!", pero mas maninibago ako kay Insan kasi parang hindi siya si Abbelane na palaging bangag. Eto nanaman po siya sa pagiging tahimik.
"Sige. Ingat.", akala mo kung nasaang mundo kami ni Mommy kung magsigawan kami eh nasa kitchen lang naman siya
"Psst!", tawag ko kay Insan
"Hoy! Tulala??!", aba pafamous ang bruha at hindi namamansin
"May problema ka ba??"
"Insan anong gagawin ko??", teary-eyed na si Abby....Nag-aalala na talaga ako sa kanya
"Ano bang nangyari?? Tungkol ba sa play?? Diba ikaw naman ang diba?? Kaya mo yan?" nabalitaan ko na siya ang bida sa gaganaping play sa school
"It's not about the play.", plain na pagkakasabi niya
"Then, bakit ka nagiging ganyan? Sabihin mo naman kasi nag-aalala ko kapag hindi ko nakikita sayo yung baliw at kalog na Abbelane."
"Insan....sabi ni Klyde....he likes me."
O_O
Hindi ko alam kung paano magrereact. Alam niyo yung feeling na sa sobrang gulat at tuwa parang hindi na nagalaw ang katawan mo. Yung parang naestatwa na? Ganun yung feeling ko ngayon...
"Eh bakit parang hindi ka masaya?", alam ko ang totoong nangyari kay Insan at BBF. Alam ko na matagal na silang magkakilala sumula pagakabata, kung gaano katagal naghintay si Insan sa pagbabalik ni Klyde....nitong mga nakaraang linggo ko lang nalaman...medyo nagtampo nga ako kasi ngayon-ngayon ko lang nalaman pero naiintindihan ko naman, at least diba, hindi ko sa iba nalaman...
"Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa kanya. Alam mo naman ang mga nangyari diba? Tsaka wala na akong nararamdaman para sa kanya nawala na, isa pa natatakot lang ako na maniwala at magtiwala ulit. Insan natatakot na akong masaktan", at sa tingin ko yung mga luhang kanina niya pa pinipigilang lumabas, tuluyan nang tumulo.
"Bakit hindi mo subukan na magtiwala ulit? Wag mo munang isipin ang masamang mangyayari kasi wala ka pa namang ginagawa, be positive Insan. At kung masaktan ka man ulit at least sumubok ka na buksan ulit ang puso mo, ngayon kapag nasaktan ka ulit alam mo na kung paano ihahandle ang ganoong klase ng problema. Alam ko Insan, may tiwala ako na hinding-hindi ka sasaktan pang muli ni Klyde, nakikita ko sa mata niya yung lungkot nung mga panahon na binalak mo siyang iwasan na nasasaktan siya."
"Paano ako makakasigurado na totoo ang lahat ng sasabihin niya. Gusto ko kong pagbigyan siya. Gusto ko na magsimula ulit kami kaso bilang magkaibigan nalang..pero paano ku----
"Tignan mo siya sa mga mata. Isa sa mga katangian ni Klyde yun, mababasa mo ang emosyon niya sa mga mata niya at malalaman mo din kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Abby maniwala ka mahal ka nya nararamdaman ko yun", hindi ako gaanong kamanhid para hindi malaman na ako ang pinagselosan ni Abby dati. Yung mga panahon na naclinic siya...Alam ko din na may nararamdaman para sa akin si Klyde DATI, hindi sa pagmamayabang pero hindi ko iyon pinansin dahil parang kuya lang talaga ang trato ko sa kanya at alam ko dahil nararamdaman ko na si Abby naman talaga ang sinisigaw ng puso niya, natatakot lang siyang aminin yun. Kaya masaya ako at sa wakas ay nagkaroon na din siya ng lakas ng loob para umamin.
"Salamat Insan. Mahal ko siya , Oo. Pero hindi na tulad ng dati. Mahal ko nalang siya bilang isang kaibigan......balak ko talaga sana na iwasan nalang siya pero salamat at tinulungan mo akong palinawagin ang isipan ko. Tama ka hindi solusyon ang pag-iwas para malutas ang problema", masaya ako kasi nakikita ko na unti-unti nang sumasaya ang pinsan ko, kaso hindi na niya mahal si Klyde. Naiintindihan ko naman siya dun. Sana naman maging ayos na ang lahat para kay Insan. Sa murang edad kasi ay nawala na sa piling niya sila Tito at Tita...namatay sila sa isang car accident, kaya sa amin na talaga siya lumaki at alam kong hindi sapat ang pagmamahal bamin alam kong may kulang parin. Sana lang mahanap na niya ang taong yon.
BINABASA MO ANG
Two Is Better Than One
Novela JuvenilSa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ~Ayesha Blaire Montaire Diba mahirap mamili? Lalo na akung ang pagpipilian ay parehong...