Chapter 23

77 11 1
                                    

Abby's POV

Alam ko naman na hindi ko dapat sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari kay Klyde. Alam ko na wala ako noong mga panahon na naaksidente siya pero sa mga sinabi ni Tita Kyla sa akin kanina sa tingin ko, wala ngang ibang dapat na sisihin kundi ako. Nabangga si Klyde kasi gusto niya akong sunduin at makasama pero noong mga panahong iyon....ang iniisip ko ay kung paano ko malilimutan lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Ang sama-sama ko kasi kung kelan alam ko na... na mahal niya ako nawala rin lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Pero di ko naman masisi ang sarili ko kasi nasaktan din ako. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na ibibigay niya kung nagkataon. Wala akong kasing sama, dahil sa akin napahamak si Klyde. Kung meron mang mangyaring masama sa kanya.....hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Buti pumunta ka! Nakokonsensya ka na ba?", napatingala ako dahil may babaeng nagsalita mula sa harap ko. Nandito ako ngayon sa coffee shop malapit lang sa hospital kung saan andoon si Klyde.

"Naaawa ako sa anak ko! Bakit.....bakit nangyayari ito sa kanya?", nagulat ako kasi bigla nalang umiyak si Tita Kyla sa harap ko. Pati ako hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Alam ko naman na hindi kita dapat na sisihin. Pero wala akong magawa, sa tingin ko kasi naging pabaya at makasarili rin akong ina! Wala na nga akong magawa para sa kanya noong bata pa siya, feeling ko ako pa mismo ang nagpapahirap sa kanya", hinahayaan ko lang siyang magsalita. Hindi ko alam kung saan pupunta ang usapan na ito pero ito nalang ang pwede kong gawin para makatulong sa pagpapagaan ng kalooban ng Mommy ni Klyde.

"Noong mga bata pa kayo....pinilit ko siyang ilayo sayo. Maraming tao ang ayaw sayo. Mga taong galit sa pamilya mo at pati ikaw dinadamay, noong una naawa ko sayo pero magulang lang ako ayoko na pati ang anak ko madamay sa pangungutya sayo ng mga tao. Kaya nilayo ko siya sayo, sinabi ko na may sakit ang lola niya sa Canada kahit wala naman", nalulungkot ako sa mga sinasabi niya. Nasasaktan ako, si Tita Kyla pala mismo ang nagpalayo kay Klyde akin.

"Alam kong hindi siya naging masaya sa naging desisyon ko pero ginawa ko lang naman iyon para sa kanya...Ayoko lang na may masabi sa kanya ang mga tao. Hanggang sa hindi ko na siya napigilan. Umuwi siya ditong mag-isa sa Pilipinas kahit na hindi kami kasama. Sabi ko sa kanya na susunod nalang ako, hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko doon sa Canada, yun nalang ang nag-iisang paraan para mabuhay kami...Mga 3 weeks ang nakalipas bago ako nakasunod, ang sabi niya hindi ka pa daw niya nakikita pero may nakilala daw siyang girl at feeling niya may crush siya dun, sa tingin ko si Yesha yun. That time I feel happy kasi akala ko nakalimutan ka na niya, pero one time nagising nalang ako na ikaw na ulit ang mukhang bibig niya", tumingin siya sa akin na parang nagtatanong...

"Mahal ka ng anak ko...Alam ko na mahal ka niya..Noon at hanggang ngayon. Masyado na akong naging kontrabida sa gusto ng anak ko.....this time gusto ko na maging masaya na siya. Ayoko na ulit maging malungkot ang anak ko. Alam mo ba na nagpatop student talaga siya para mapasaya ako...He wants to make me proud kasi gusto niya na lagi akong nakangiti pero wala akong ginagawa kundi ang saktan at pahirapan lang siya. Hindi naging masaya ang anak ko sa piling ko. Wala akong kwentang ina", alam kong masama pa rin ang loob sa akin ni Tita pero hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.

"Ngayon po naiintindihan ko na kayo. Ginawa niyo lang naman po ang mga bagay na alam niyong tama para sa anak niyo. Hindi po kayo masama, masyado niyo lang pong mahal ang anak niyo kaya niyo ito nagagawa", pareho na kaming naiyak. Kung buhay kaya ang mga magulang ko may ganito rin kayang issue na gaganap sa akin.

"Abbelane parang awa mo na...tulungan mo ako na mapasaya ang anak ko, gusto kong makabawi sa kanya. Gusto ko siyang mapasaya", bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya.

"Mahal ka ng anak ko. Pwede ba na sa tabi ka nalang niya? He can be your boyfriend if you want. Alam ko naman na gusto mo rin ang anak ko"

"Tita, pwede ko naman pong alagaan si Klyde. Lagi ko po siyang bibisitahin at babantayan kapag free time ko...Hindi ko kasi pwede n--------

Two Is Better Than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon