Yesha's POV
Were officially on ^_^ Masaya ako at sa wakas feeling ko magiging maayos na ang lahat. Hindi pa naman alam sa kanila na kami na ni R-Dane, pero kay Mommy at kay Insan syempre sinabi ko and nasurprise ako kasi si Sky na din pala tsaka si Insan. Alam kong masyadong mabilis ang tingin niyo sa relasyon nila, kahit naman kami ni Mommy nagulat din. Pero kasi alam namin na totoo ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. Masaya ako na makita na masaya ang mga tao sa paligid ko, sana lagi nalang ganito.
"Anak! Bilisan mo naman ang kilos mo. Kawawa naman si Sky at si Abby dun sa hospital...Wala na silang time sa isa't-isa", oo nga pala. Nakalimutan ko na kailangan ko nga palang pumunta doon ng maaga. Kawawa naman si Insan.
"Sorry na Mommy. Di nyo na po ba ako mapapatawad?", ahahaahaha bumaba na din ako agad at nakita ko si Mommy na suot yung apron na gawa ko. Ang cute nga ng design eh si Pororo *_* so cute.
"Baliw ka talaga anak. Hayaan mo, pagtapos na pagkatapos kong magluto pupunta ako sa ospital", wala kasi sila Tito at Tita Kyla. Nasa Canada sila para ayusin ang business nila. Hindi naman pwede na hindi sila pumunta kasi hindi naman yun maayos ng iba kaya kami muna ang nagbabantay kay BBF. Ilang buwan na ba simula nung naaksidente siya? Isang buwan na at kalahati, namimiss ko na din ang bestfriend ko. Sana naman magising na siya.
"Sige po Mommy aalis na po ako", tulad nga ng sinabi ko kanina pupunta ako sa hospital para pumalit kayla Insan sa pagbabatay kay Klyde.
"Oh kamusta na ang lovebirds?", bati ko sa kanila pagkapasok na pagkapasok ko. Ang cute nila together, ewan ko kung anong pinakain ni Sky sa pinsan ko at naging sweet siya. Hindi naman sweet si Insan :3 lalo na sa akin pero kay Sky T_T nagseselos ako.
"Eto ayos naman. Asan na si Tita Yana?", dapat kasi talaga kasabay ko si Mommy kaya lang hindi pa siya tapos magluto.
"Susunod nalang daw siya. So aalis na ba kayo?", may date kasi tong dalawang to.
"Oo eh. Alam mo ba Yesha kanina pa ako niyayakag nitong si Abby, gusto niya daw ng time para sa aming dalawa"
*boink*
(*_* #)
Sinabi ko bang sweet?? Kasi naman minsan sinusumpong siya nang pagiging sadista tulad nalang ngayon, batukan daw ba naman ang boyfriend niya.
"Sabe ko nga Yesha ako talaga yung may gusto ng time para sa aming dalawa eh. Ehehehe joke ko lang talaga yun ^_^7", ang cute. Halata naman na takot siya sa pinsan ko. Nakuuuu under si koya.
"Sige na Insan, lumakad na kayo. Ako na ang bahala dito kay BBF", sabi ko habang inaayos ko yung mga flowers na dala ko para kay Klyde.
"Sige. Salamat ah, una na kami", sabay halik sa pisngi ko. Umalis na silang dalawa, ewan ko kung saan sila pupunta. Bahala sila, matanda nanaman sila eh.
"Naku bestfriend! Sana naman gumising kana. Alam mo ba na namimiss ka na namin. Marami kanang utang sa akin, hindi mo na ako nililibre", sobrang laki na ng pinagbago ng katawan ni Klyde. Ang payat na ang katawan niya. Nakakaawa naman si bestfriend.
"Alam ko naman na malapit ka nang magising. Siguro malakas ka na at hindi patpatin kasi ang haba na nang tinulog mo. Gumising kana malapit na magpasko", nga pala christmas vacation namin ngayon. Actually pupunta ako ngayon sa condo ni R-Dane.
Hindi na siya umuuwi sa bahay nila. Simula nang maging kami sinubukan niyang maging independent. Sa condo niya na siya nauwi, hindi naman daw sa Daddy niya yun kasi bigay daw yun sa kanya ni Tita Dianne yung Mommy niya.
Naiinis parin ako kapag naiisip ko na nagawa sa kanya yun ng Daddy niya. Mabait naman si Tito Rey nung magkita kami kaso bakit pinapabayaan niyang mag-isa ang anak niya.
BINABASA MO ANG
Two Is Better Than One
Teen FictionSa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ~Ayesha Blaire Montaire Diba mahirap mamili? Lalo na akung ang pagpipilian ay parehong...