Chapter 20

79 14 1
                                    

Yesha's POV

Hindi ko alam kung paano, kanina lang tuliro ako sa kahibangang ginawa ko..Sa ginawa kong paghalik kay R-Dane..halos nakalimutan ko na nga eh. Tapos ngayon andito kami ngayon sa hospital kung saan nakaconfine si Klyde. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko pa rin nga lubos maisip na yung bestfriend ko nakaratay sa higaan at nag-aagaw buhay

"Abby...tumahan ka na! Please wag ka nang umiyak", kanina pa pinapatahan ni Sky si Insan, kahit ako hindi ko rin sya mapatahan...kanina pa siya iyak ng iyak. Alam kong sobrang halaga ni Klyde para kay Insan kaya sya nagkakaganyan

"Hey! Yesha are you okay?" , andito nga rin pala si R-Dane. Sana bahay na ako nung narinig kong umiiyak si Abby galing sa labas ng bahay namin..At tinext ko nga si R-Dane at sabi nya sasama daw siya para may kasama ako

"Oo ayos na naman ako, alam ko naman na malakas si Klyde at malalampasan niya itong problemang ito..Kailangan niya lang talaga ng prayers natin. Alam kong matapang si BBF at hindi agad siya susuko.", naniniwala ako na makakayanan ito ng bestfriend ko matapang kaya yan

"This is all your fault!!", nagulat kaming lahat kasi biglang sumigaw si Tita Kyla, mommy ni Klyde

"Kung hindi dahil sayo hindi maaksidente ang anak ko! Nasa bahay na siya eh...pero bumalik pa siya sa school nyo para sunduin ka! Sinabi ko na kasi na layuan ka niya...You misfortune! You bastard! Killer!!'', mas lalong lumakas ang iyak ni Insan. Bakit si Insan ang sinisisi ni Tita Kyla, hindi nya kasalanan yun. Ano ba naman?!

"Sky dalhin mo muna sa labas si Abby!", utos ni Mommy kay Sky

"Abby lets go.", inalalayan ni Sky si Abby palabas. Thankful ako kasi andyan si Sky para kay Insan, lagi na nga silang magkasama eh...Hindi ko alam ang nangyayari pero kung merong taong kilala ko na hindi magagawang saktan si Insan, alam kong si Sky yun. Kilala namin siya ni Mommy..

"Kyla! What's happening to you...We both know na walang kasalanan ang bata sa nangyari kay Klyde...!", totoo naman lahat ng sinabi ni Mommy. Walang may gusto na mangyari ito kay Klyde

"Siya lang ang dapat na sisihin sa nangyari sa anak ko! Kapag may mangyaring masama kay Klyde hindi ko mapapatawad ang pamangkin mo!", bago pa kung anong may mangyari, nilayo na ni Tito si Tita..Alam ko naman na nag-aalala lang si Tita sa anak niya pero hindi naman tama na isisi niya kay Insan ang mga nangyayari kay Klyde.

"Anak...ikaw muna ang tumingin kay Klyde ah..aalis lang ako at pupuntahan ko ang pinsan mo!"

"Sige po Mommy! Nag-aalala rin po ako kay Insan eh...Mamaya ko nalang po siya kakausapin!"

Umalis na si Mommy. At hanggang ngayon kasama ko pa rin si R-Dane. Hindi pa kami pwedeng pumasok sa loob ng kwarto nya kasi hanggang ngayon inoobserbahan pa rin ang katawan niya. Nalulungkot ako at the same time natatakot sa mga pwedeng mangyari...

"Bakit kaya kailangan mangyari ang mga ganitong bagay? Mabait naman si Klyde pero why he need to suffer like this!"

"Lahat nga mga bagay na nangyayari sa buhay ng tao may dahilan", napatingin ako sa kanya. Ano naman kayang ibig nyang sabihin

"Sa tingin mo anong dahilan? Bakit si Klyde?"

"Hindi ko alam ang sagot...Pero lahat naman ng nangyayari sa atin...lahat may dahilan..May mga bagay tayong nagagawa na minsan masama o hindi maganda pero lahat ng kilos ng mga tao, lahat iyon may dahilan.", hindi ko alam kung ano ba ang gusto niyang ipoint out sa sinasabi niya

"May gusto ka bang sabihin?", medyo kinakabahan ako sa mga kinikilos niya...Kanina nung dumating sya alam ko, may na naramdaman akong mali sa kanya pero hindi ko nanintindi dahil sa katarantahan.

Two Is Better Than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon