Epilogue

149 11 9
                                    

Sa buhay ng tao hindi talaga maiiwasan ang problema. Mga problema na ating sinusukuan at kinatatakutan na dumating sa ating buhay. Pero ang hindi natin alam, yung mga sinasabi nating "PROBLEMA" ang mismong nakakapagpatatag sa atin bilang tao. Minsan hindi natin namamalayan na dumarating na ang mga ito dahil sa sobrang liit lang nila. Parang microorganism ba. Yung mga ganoong klaseng problema lang ang gustong makuha ng mga tao...Tama nga naman sino bang tao ang gugustuhing mahirapan at magkaroon ng isang sobrang laking  problema?? Wala naman diba??

Isa pa. Hindi naman dapat dinidibdib ang mga ito kasi hindi naman ito maaayos kung poproblemahin mo ang problema mismo. Takte! Alam kong magulo pero yun talaga ang katotohanan sa likod ng buhay. Wag tayong magbulagbulagan. Lahat ng tao meron nito...nakadipende nalang sa tao kung paano nila ito tatanggapin.

Mag-iisang taon na din pala. Mag-iisang taon na ng mawala siya. Akala ko nung una magiging madali lang para sa akin ang pagkawala niya. Akala ko hindi ko iindahin dahil lahat ng sakit ay nawawala sa paglipas ng panahon. Naging isa siyang malaking parte ng buhay ko. Kahit lagi ko siyang kaaway....pinahalagahan ko siya ng sobra.

Sa nagdaang labing isang buwan....marami-rami na din pala ang nagbago. Sa buhay ko at sa buhay ng tao sa paligid ko. Nakapagtapos na din ako sa pag-aaral sa wakas. Ngayon first year college na ako. Hindi naging madali ang naging pag-aaral ko. I was about to stop na nga pero naisip ko na wala akong mararating kung titigil ako sa pag-aaral. Wala akong magiging future neto. Si Daddy. Yes my Dad.....hindi na siya tulad ng dati. Oo workaholic parin siya pero ginagawa na niya ang mga responsibilities niya as my dad. Si Tita Yana.....Wala still na nagpapatakbo ng business. Tulad ko dapat susuko na din siya pero hindi niya ginawa kasi alam niyang mahalaga ito para kay Yesha. Si Sky at si Abby. Parehas silang nag-aaral sa university na pinapasukan ko. Parehas din sila ng course at halatang ayaw na maghiwalay. Minsan nga naiisip ko kung hindi ba sila nagkakaswaang dalawa. Nakakasawa kaya lagi silang magkasama. Pero kung kasama ko naman si Yesha hindi rin ako magsasawa. Kahit na magdikit pa kami araw-araw hinding-hindi ako magsasawa sa kanya.

Ngayon nandito ako sa puntod niya. Dumadalaw. Halos araw-araw rin akong nandito at naglalaan ng isang oras para sa kanya. Ito nalang ang tanging paraan ko para ipakita sa kanya na mahal ko siya.

Tita Yana

Calling...

"Yes Tita?? What?! Sige po. Sige po. Pupunta na ako"

Nagpaalam na ako sa puntod niya. Siguro babalik nalang ako dito bukas. O kung kelan ako magkakaroon ng time. Pero bago ako umalis ay nilinis ko muna ang lapida niya..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

R-Kin Eidam Priconio

Alam kong hindi siya naging mabait sa akin nitong mga nakaraang buwan. Pero hindi ko naman maiaalis ang katotohanan na kapatid ko siya. Nawala siya sa mundo na marami ang galit sa kanya. Kahit ako, inaamin ko na sinumpa ko ang kapatid ko....pero sa pagdaaan ng panahon. Unti-unti ko na ding ibinigay sa kanya ang kapatawaran. Bahala na siguro ang Diyos sa kanya.

Ngayon pupunta na ako sa ospital kung saan nakaratay si Yesha. Nacomatose siya. Nung mga panahon na iyon akala ko iiwan na niya kami. Akala ko hindi ko na muli pa makikita ang mga ngiti niya sa labi. Ang makulit at malambing na si Yesha. Kung nagkataon man na nawala siya....siguro hindi na rin ako magtatagal. Malamang pinatay ko na din ang sarili ko kasi mahina akong tao. Pero si Yesha, matapang siya. Lumaban siya at hindi kami iniwan. Nilabanan niya si kamatayan para makasama pa kami at ngayon gising na siya. Ngayon pupuntahan ko siya sa hospital. Sobrang saya ko nang malaman ko ang magandang balita galing kay Tita Yana. She's awake. Sulit ang matagal naming paghihintay kasi ngayon gising na siya at mayayakap na namin siyang muli.

"Nasa loob siya R-Dane. Kanina ka pa hinihintay!", bungad sa akin ni Tita.

Dali-dali naman akong pumasok. Nakita ko siya na tumatawa kasama si Abby. Hindi ko alam kung anong tamang salita ba ang sasabihin ko. Sobrang saya ko talaga ngayon. Sa wakas......gising na siya

"Hindi ka ba gagalaw dyan?? Hindi naman ako namatay! Para kang nakakita ng multo", nagulat ako nung magsalita siya. Kanina pa ba sila nakatingin sa akin?? Bakit ganito nahihiya ako sa kanya. Parang MU palang kaming dalawa -.-

"Lalabas muna ako Insan. Mukhang kailangan nyong dalawa ng time para makapag-usap", naglakad na si Abby palabas ng pinto. Pero bago yun may sinabi muna siya "R-Dane hindi nga naman siya multo. At isa pa hindi na ka naman pipi kaya magsalita ka!!! Sige na. Good luck!", sabi niya sabay labas. Minsan nahihiwagaan din ako sa babaeng yun eh. Parang ewan lang.

"Hindi mo ba ako namiss??? Bakit ayaw mong lumapit?? Wala naman akong bulutong ah!", nakita ko na nagpout siya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya

"I want to hear your voice. Magsalita ka kahit ano", mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko kaya hindi ako nagsasalita.

"I love you"

"Sa wakas nagsalita ka rin. Akala ko nga napipi ka na  eh. I love you more"

"Hindi ko inaakala na ganito kita mamimiss. Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo nung mga panahon na nakaratay ka sa kama. Lahat na halos ng Santo dinasalan ko para lang dinggin nila ang panalangin ko na pagalingin ka kaagad. Hindi ako nawalan ng pag-asa na gigising ka at hindi mo kami iiwan. Salamat. Salamat at hindi mo kami binigo! I love you so much", hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Kusa na silang pumatak galing sa mga mata ko. Akala ko wala nang luha ang lalabas kasi nasaid na pero meron pa pala.

"Lumaban talaga ako para sa inyo. Hindi ko hahayaan na mawala ako ng walang nagagawa para mapasaya kayo. Isa pa alam kong kahit kelan hindi ako pababayaan ng Diyos. Salamat sa prayers niyo at napaaga ang pagbabalik ko. Isa pa mas mahal kita Mr. Priconio. Mahal na mahal kita"

"Wag ka na ulit aalis sa tabi ko Ayesha Blaire Montaire!!! Swear! Hindi ko na kakayanin!"

"Opo. Hinding-hindi na"

Alam kong marami pa kaming pagdadaan sa relasyon namin mga mas malalaking problema at pagsubok. Pero naniniwala ako na kaya namin itong lagpasan basta magkasama kami. Lahat ng iyan walang panama....hindi kami patitibag sa kahit anong dagok sa buhay.

"Hindi ako naniniwala na two is better than one! Marahil siguro sa paggawa ng  mga gawain maganda ito kasi mas mapapadali kapag marami pero pagdating sa pag-ibig ayos na sakin ang isa. Isa ka lang pero higit ka pa sa dalawa. Mahal na mahal na mahal kita R-Dane"

"Mas mahal kita. Mahal na mahal"

~THE END~

Two Is Better Than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon