Chapter 8

187 14 2
                                    

Yesha's POV

Masaya ako kasi close na kami ni R-Dane. Komportable na rin ako kapag kasama ko siya at ang maganda ay nakikilala ko na kung sino ba talaga ang tunay na R-Dane.

"Insan, ayos ka na ba??", hindi ko pa pala nasasabi na nadala si Insan sa clinic sabi sa akin ni BBF. Si Klyde kasi ang naghatid sa dito sa bahay, tapos pagkalabas niya bumalik na siya sa dating Abby na loka-loka

"Yup! Ayos na ayos.At feeling ko nga hindi na ako magkakasakit kasi naipasa na sa akin ni Sailor Moon ang kanyang powers", taas noong sabi nya. Yung totoo anong connect nun sa itinanong ko sa kanya

"Sailor Moon??Kelan ka pa nanood ng mga cartoons?"

"Duh! Insan hindi cartoons ang Sailor Moon! Anime kasi yun..tsaka wag mo nga akong igaya sayo na puro pambata ang pinapanood.Tss PORORO", ang sama niya inaaway niya nanaman si Pororo.

"Ano bang masama kay Pororo?Ang cute kaya nun!"

"Oo nga cute, kaya nga maraming nauutong bata yun, ehem! At may nauto naring matanda", tapos tumungin siya sa akin ng nakakaloko

"Pati ba naman ang mga pinapanood niyo pinag-aawayan niyo", andito pala si Mommy at kanina pa kami pinapanood magdebate

"Eto po kasi Mommy si Insan eh, inaaway si Pororo"

"Hindi kaya...Totoo lang naman kasi ang sinasabi ko na lahat ng mga pinapagawa ni Pororo sinusunod o di kaya ginagaya niyo", naku naman.

"Ahahahahahahaha", napatingin kami pareho ni Insan kay Mommy na nakahawak pa sa tiyan niya habang tinatawanan kami

"Mommy!" "Tita!"

"Chillaks girls. Pinag-aawayan niyo kasi yung mga bagay na hindi naman pinag-aawayan.Para kayong mga bata", bakit bata pa naman talaga kami ahh :3

"Tita kumain na nga lang po tayo"

"Oo nga po Mommy kain nalang tayo, kulang lang kayo sa kain kaya ganyan kayo"

"Oo kakain na tayo, at Abby kailangan mo na talagang kumain at baka mamaya hindi ka lang sa clinic madala", alam nyo bang matinding sermon ang nakuha ni Insan kay Mommy

"Opo Tita, sorry na.", tapos lumapit siya kay Mommy at niyakap ito. Ang sweet talaga neto kay Mommy bat sa akin hindi :3

"Sali ako!", group hug na ituuuuuuuu

*Sa School*

Kanina pa kami dito pero kokonti palang ang nasa classroom, naku late nanaman ang mga mababait kong kaklase

"Insan, labas lang ako saglit", feeling ko nag-iiwasan si Insan at si BBF

"Sige may 15 minutes pa naman e.Balik ka nalang dito bago magtime ha??"

"Chige..", tapos umalis na siya

"Klyde! Ayos lang ba kayo ni Insan??"

"Ha??O-Oo naman, bakit naman hindi kami magiging okay??", oo nga naman wala namang dahilan para hindi sila maging okay

"Sabi ko nga okay kayo"

At nagsidatingan na nga ang mababait kong mga kaklase

"Class magtsecheck na ako ng attendance natin at ang late ay may minus sa quiz", bakit kaya wala pa si R-Dane?? Oo lagi siyang tulog pero never pa siyang naging late

"Pejida"

"Present"

"Perido"

"Present"

"Porteria"

"Present"

"Priconio"

Omo! Asan ka na ba R-Dane, napakaistrikto pa naman neto sa attendance may minus agad sa quiz e.

Two Is Better Than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon